Chapter 21 "After The Rain"
TRISTAN'S POV:
"HELLO" iritado kong sabi ng sagutin ang tawag.
"Oh ako na Tristan,mukhang nakalimot ka yata?" sabi ni Kim sa kabilang linya.
"Ano nga kasing meron?"
"Utol, it's a bar time remember?"
Napakamot na lang ako sa ulo ko.
Hindi ko pa kasi natatapos ang revision ko ng floorplan.
"Another gimik na naman? Hindi pa nga ako tapos gumawa ng new floor plan." inis kong turan.
"Wow, tol tignan mo itong si Tristan, study first hahaha!" for sure his referring to Chris.
"Wag ako tol, tigilan mo kami." pagsingit ni Chris sa kabilang linya.
"Utot mo, wag mo akong idamay sa katamaran niyo" aniko.
"Talaga ba Tristan?" pangbubuska ni Kim.
"I change my lifestyle" sagot ko.
Chad gives me another reason to fix myself.
"Kahit nandito kami sa isang bar kung saan invited ang Red Angels?" sabi ni Kim.
Alam kong hindi ako lolokohin ng mga kaibigan ko lalo na't Red Angels ang usapan.
"Teka, nasaang bar ba kayo?" aniko.
"Oh see ang rupok mo din hahaha. Nasa White Cherry Blossom kami"
"Oo na pupunta na ako, intayin niyo ako" aniko.
"Bilisan mo lang dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang gig." paalala ni Kim.
Agad akong nagbihis at nagsuot ng black hoody jacket.
Pagbaba ko ng hagdan ay si dad agad ang bumungad sa akin.
Wala sa planong kausapin pero inunahan niya ako.
"Saan na naman ang lakad mo?" seryoso niyang tanong at binitawan ang kapeng iniinom nito at linapag sa mini table.
"Hang-out with friends" walang gana kong sagot.
"Wala na ba talagang bago Tristan?" natatawa nitong tanong at hindi ko na sinagot.
"Since hindi naman kita kayang pigilan, pwede naman siguro kitang pakiusapan na wag ka masyadong magpakalasing" anito.
Wow, kunwaring concern, ang lakas mangplastik ahh.
Ngumito lang ako ng pilit at sinimulan na humakbang palabas.
"Wait, Tristan--"
Napahinto ako sa paglakad at lumingon sa kanya kung kailan nasa pinto na ako.
"You may now use your 18th birthday gift"
Nanlaki ang mga mata ko at naghalo ang pagtataka at tuwa sa puso ko.
"Is this serious, dad?"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Ngumiti lang siya bilang tugon at ihinagis sa akin ang isang susi at nasalo ko naman.
"Avoid becoming too drunk. Apart from that, a long period has passed since you did not drive. Take care." paalala nito.
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
عاطفيةChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...