Chapter 17

1.5K 87 8
                                    

Chapter 17: "Sino ba talaga?"



CHAD'S POV:



"Si Chad nga po pala, boyfriend ko" ani ni Knight na ikinagulat ko.

"Hindi po kami--" hindi na ako pinagsalita ni Knight dahil kinabig niya ako sa pagitan ng pag-akbay.

"Huwag ka na magreklamo" bulong nito.

"Ang gwapo ng nobyo mo, iba ka din talaga pumili" sabi ni lola Elena.

Pinilig ko ang ulo ko.

"Kaso lalaki nga lang napili mo." natatawang sabi ni lolo Lucas.

Napag-alaman namin na dating musikero ang matandang mag-asawa na tinutuluyan namin ngayon.

Si lola Elena ay isang singer at drummer naman si lolo Lucas.

Magka-banda sila noon at doon nabuo ang pagmamahalan nila, biniyayaan sila ng mga anak matapos ikasal kaso pamilyado na lahat kaya't silang dalawa na lang ang magkasama.

Pinahiram kami nila ng accoustic guitar at beatbox at doon kami nagpractice ni Knight sa may bakuran nila.

Hanggang ngayon ay inaalala ko pa din si Tristan at nakokonsensya ako dahil naging talkshit kami sa kanya.

"Ang ganda talaga ng boses mo mahal ko." ani ni Chad, aba't kinareer niya ang pagtawag sa akin ng mahal ko, akala mo talaga may label kami.

"Mas maganda sana ang kalalabasan ng practice kung kasama natin si Tristan." aniko.

Nagsmirk lang si Knight at umiling.

"Isang pasada na nga lang ulit" anito at nagpatuloy kami sa pagtugtog.



Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon