Chapter 22: "Mahal ko o mahal ko"
KNIGHT'S POV:
ILANG oras na ang nakalipas pero hindi pa din lumalabas si Chad sa bahay nila.
Don't tell me aabsent siya without any reason.
Habang nag-aantay ako ay biglang may humintong kotse sa harap ng gate nila at bumukas ang bintana nito.
"Kung hinahanap mo si Chad, wag ka na mag-aksaya ng panahon. Hindi mo din naman siya makikita dito." sabi ni tito Enrique.
"Tito naman oh, wag naman sana ganito." aniko.
Alam kong nagbago na ang pakikitungo sa akin ng pamilya ni Chad dahil sa narinig ng mama nito sa akin.
Natatakot ako na ilayo nila sa akin si Chad.
"Ano bang magagawa ko eh naglayas ang boyfriend mo." sabi ko na ikinagulat ko.
Sinabi ni Chad na boyfriend ko siya?
Ito ba ang dahilan kaya't naglayas siya?
"At kung sakaling matagpuan mo siya may ipapakiusap sana ako sayo." sabi ni tito Enrique.
"Ano naman po iyon?" pagtataka ko.
"Huwag mo na siya iuwi dito. Magtanan kayo kung gusto niyo dahil ayaw ko na ulit makikita ang pagmumukha niya sa bahay ko." sabi nito at hindi ako makapaniwala.
Ipinilig ko ang ulo ko, hindi ko lubos maisip na kaya niyang tiisin si Chad.
"Hindi ako makapaniwala na may mga magulang na tulad niyo."
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at umalis na agad ako sa lugar na iyon.
Saan nagpunta si Chad kung naglayas man siya?
Basta't hahanapin ko ulit siya at hindi ko siya susukuan lalo na't boyfriend na ang pagpakilala niya sa akin.
Hindi ko maiwasang mag-alala habang nagmomotor, iniisip ko pa lang na nawawala si Chad halos mabaliw na ako.
Paano kung napahawak siya ulit at this time ay nakuha siya ng masasamang loob at ibenta ang organs niya tulad ng kidney niya at lagyan ng pera sa loob ng tiyan.
Huminto ako sa pagdadrive at nagpark muna sa isang convenience store.
"Guys nawawala ulit si Chad. Let's find him." text ko sa mga tropa namin.
Nakatanggap naman ako ng reply.
"Paanong nawawala eh katext ko siya at OTW na daw siya." reply ni Lawrence.
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Lawrence.
"Salamat sa diyos" aniko.
Doon ay pinaandar ko muli ang motor ko patungo sa school.
Kung saan man siya uuwi ay parang gusto ko na lang sumama and I'll take care of him.
Nang makarating ko ang school ay tumambay muna ako sa parking lot para pagdaan niya ay ako ang makakasama niya.
Sa ilang minuto kong paghihintay ay biglang may pumasok na silver and black combination na sasakyan at sa ilang buwan ko dito ay ngayon ko lang na-encounter ang sasakyan na yan.
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
RomanceChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...