Chapter 6: "The Sick"
CHAD'S POV:
LINIHIM ko kina mama ang tunay kong kundisyon dahil ayokong mag-alala sila sa akin at kinalaunan ay sinunod ko din ang utos ni Dr. Shawn at kumpirmado na may sakit nga ako sa puso.
Itinago ko ang medical results na kung saan ay ako lang ang nakakaalam.
Gumawa din ako ng box na may padlock para doon ko naman itago ang mga gamot ko.
Namana ko na nga yung ugali't puso ni mama at pati pala sakit niya ay mamanahin ko din, magkaiba nga lang ng sitwasyon.
Ang komplikado ng sitwasyon.
"Sis ayos ka lang?" tanong ni Lawrence.
Kanina ko pa pala tinititigan ang white board.
Ngumiti ako ng pilit "Oo, wag mo ako intindihin." sagot ko.
Malamang ay walang alam si Lawrence dahil hindi naman sinabi sa kanya ni doc ang totoong sitwasyon ko at ako lamang ang nakakaalam ng sakit ko.
"May problema ka ba?" tanong ni Lawrence.
"Wala ito sis, pagod lang ito." palusot ko.
"Ayan napakasipag kasi, saktuhan mo lang." sabi ni Jack.
"Ni chan, para sayo nga pala." sabi ni Crescendo at inabot ang paper cup na may ice coffee.
"Salamat." tinanggap ko naman ito.
Napansin kong hindi din lumapit sa amin ang mga kaibigan ni Tristan, maging siya'y hindi kami ginulo bagkus ay tahimik lang sila.
Tumayo muna ako "Ahm, excuse me lang muna." sabi ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jack.
"Sa labas lang, magpapahangin." sabi ko.
"Sama na kami." ani ni Crescendo.
"Wag na dito na lang kayo. Gusto ko lang mapag-isa." sabi ko.
Walang isang salita ay iniwan ko sila.
-----
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
RomansaChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...