Chapter 20 [Part II ]

1K 68 6
                                    

Chapter 20: "Broken Home"  [Part 2]







CHAD'S POV:




"May mga latay ka, saan mo nakuha ito?"

Mas dumoble ang kaba ko sa sinabi ni mama.

"Sumagot ka Chad!"

Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa takot at wala akong ibang magawa kundi umiyak.

Aaminin kong hindi ako naging handa sa consequences ng mga ginawa ko kaya't patuloy ako sa paluha.

"Sumagot ka Chad!" sabi niya at nagiging mabigat na ang paghinga niya na mas lalong ikinatatakot ko.

Tulala lang akong nakatitig sa kanya habang isa-isang pumapatak ang luha ko.

"Naririnig mo ba ako, ang sabi ko sumagot ka!" halos sumigaw na si mama.

"Sa fraternity ma." pagsisinungaling kong muli.

"Anong sabi mo?" hindi siya makapaniwala sa sagot ko at nanginginig ang boses niya.

"Sisirain mo ba ang buhay mo ha?" dugtong pa niya at doon ay mas tumindi ang iyakan namin.

Hindi na ako umimik at wala akong nagawa kundi tanggapin ang mga masasakit na salita galing kay mama.

"Naging mabuting ina ako sayo nak, binigay ko lahat ng makakaya ko para mahalin at suportahan ka tapos ganito ang igaganti mo?" sumbat niya.

"Suportahan?" naging sarkastiko ako sa unang pagkakataon kay mama.

"Gusto ko din maging masaya mama, at hindi ko iyon magagawa hangga't nandito ako sa puder niyo." pagtuloy sa pagbuhos ang mga luha namin.

Hindi maipinta ang mukha ni mama.

"Mahal ko si Knight mama kaya please, hayaan niyo na kami!"

"Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na binibigay ko sa'yo at para humanap ka pa ng pagmamahal sa ibang tao?" she sniffed and keep sobbing 

"Tinanggap kita kung ano at sino ka Chad." sumbat niya.

"Nagpapatawa ka ba ma at naririnig niyo ba ang sinasabi niyo?" 

Natulala siya sa sinabi ko, alam kong ang pinakamasakit sa magulang ay ang sumbatan ka ng sarili mong anak.

"Alam kong mahal niyo ako at ramdam ko iyon pero yung tanggap ako, hindi ako sigurado ma." aniko at ngumiti ng mapakla 

"Dahil hanggang ngayon, babae pa din ang gusto niyong makatuluyan ko diba?"

"Dahil iyon ang tama anak, ayokong tumanda ka ng walang pamilya at anak na mag-aalaga sayo kapag tumanda ka na."

"Edi lumabas din ang totoo na hindi niyo talaga ako tanggap. Hindi mo matanggap na bakla ang unico iho mo." balagbag kong sagot
"Gusto ko din tumandang masaya mama." humugot ako ng hininga.

"Sabagay, kung tutuusin, si papa lang naman talaga ang totoong tumanggap at nagmahal sakin eh. Parehas lang kayo ng asawa mo ma, pinandidirian at hinuhusgahan ang gender identity ko ko" aniko.

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon