Chapter 34: "Time Building"
CHAD'S POV:
MONTHS PASSED. . .
Habang tumatagal ay mas nakikilala ko pa ng husto si Tristan. Sa katunayan nga ay may pagkaseloso siyang tao at iyon ang pinakaayaw ko sa isang karelasyon, pero dahil sa ugali niyang iyon ay mas mapapatunayan kong mahal ko siya.
Ayaw niyang maging clingy ako sa ibang tao dahil pinagbabantaan niyang gagahasain niya ako kapag nagkataon. Nagbago din ang pakikitungo ni Knight at hindi na ako naging close tulad noon.
Sa kabilang banda ay nanatiling lihim pa din ang relasyon namin sa mga magulang niya.It's unbelievable that we manage to maintain this secret relationship while living together with his parents.
Mabuti na lang at busy lagi sina tito Jeff at Jamaica sa business nila kaya't lagi silang wala at hangga't maaari ay hindi kami nagpapakita kay nanay Sita.
Nakadapa ako sa kama dahil ginagawa ko ang power point presentation namin. Tumabi si Tristan sa akin at biglang inibabawan ako. Kiniskis niya yung naninigas niyang t*ti sakin.
"Tristan, ano ba? Tsk!" saway ko at hinalikan niya ako sa batok kasabay ng malalim na paghinga
"Hmmpp, ang bango mo pa din kahit amoy panis ka na." at dumapo ang labi niya sa leeg ko.
"Tristan, tigilan mo nga ako. Kakatapos lang natin kagabi diba?" saway ko muli at linayo ang mukha niya sa akin.
Napahiga din siya at yinakap ako, ngayon ay nasa ibabaw niya na ako.
Pinagapang niya ang hintuturo niya sa mukha ko pababa sa pisngi ko.
"Iba naman yung kagabi sa gagawin natin ngayon diba?" he asked with sexy tone.
He give me three smack kiss on lips.
"Tristan, narito sina tito at tita. Paano kung makita nila tayo?" pag-aalala ko.
"Hay naku, kahit kailan talaga kontrabida yung mga yun. Kung asawahin na kaya kita para wala ng hadlang?" natatawang sabi niya habang nakatingala sa kisame.
"Tapusin muna natin ang architecture bago tayo bumukod ng tuluyan." tugon ko naman.
"Kung darating man ang araw ng kasal natin at hindi pa rin inaaprubahan ang same sex marriage sa Pinas, saan mo gustong ikasal?" napatingin ako sa kanya dahil sa tinuran nito
"Sa Canada, Sa U.S, Taiwan or sa Thailand?" nakakaintrigang tanong niya."Para sa akin sa Canada" umayos ako ng higa at tumingala sa kisame "Tapos snow wedding gaganapin or winter season. Naka- black tuxedo ka at ako nama'y naka- white" nakangiti kong turan.
"Ang sarap isipin na ikakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pag-iisahin kayong dalawa at walang hadlang na makapipigil kahit pareho pa kayo ng kasarian." aniya at napangiti ako.
Minsan ko na rin binuo ang pangarap na ito kasama si Elaisa kaso hindi na matutupad iyon dahil kay Clark niya na iyon tutuparin.
Ang mahalaga ngayon, bumuo ulit ako ng bagong pangarap kasama si Tristan.
"Ayaw mo ba sa Thailand para mas malapit?" biglang tanong nito.
Nadala na naman siguro si Tristan sa mga thai BL na pinapanood namin kaya gustong pumuntang Thailand.
"Sa Thailand gaganapin ang honeymoon pero sa Canada ang kasal." aniko at kumunot ang noo niya.
"Ang hassle naman nun, byahe after wedding?" reklamo niya.
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
RomanceChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...