Chapter 12 "Return the Favor"
WARNING: STRONG CONTENT [RATED SPG] MABI-VIRGINAN NA SI CHAD.
CHAD'S POV:
PATULOY sa pag-andar ang motor ni Knight habang nakaangkas ako sa kanya.
Ngunit sa mga sandaling ito ay hindi ko pa malimutan ang labi Tristan yung tipong tila sinakop niya ang pagkatao ko.
Gusto kong kalimutan ang ginawa ni Tristan, I want to remove him on my system.
Napahigpit ako ng kapit sa baywang ni Knight at hinilig ko ang baba ko sa balikat niya.
"Knight ayaw ko muna umuwi."
Hindi niya muna ako kinibo hanggang huminto kami sa pag-andar dahil nagbago ang ilaw ng street light upang magbigay daan sa mga tatawid.
"Bakit ayaw mong umuwi tsaka saan ka naman pupunta?" aniya.
"Pwede ba sa inyo muna ako tumuloy?"
"Hindi pwede Chad dahil nakikituloy lang din ako kay tita, isa pa masungit din iyon." sagot nito.
Umandar muli ang motor niya matapos ang pagtawid ng mga tao.
"Sa hotel kaya tayo?" biglang bulaslas ko.
"Anong gagawin natin doon?" pagmamaang-maangan niya.
"Kunwari ka pa. Alam kong gusto mo din ito." aniko ng may pang-aakit.
"S-seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?" may panginginig sa boses niya.
"Yes, ofcourse, I just want to return the favor for saving me." sabi ko ng may landi sa boses.
Gumapang ang mga daliri ko sa hita niya at hinimas ang gitnang bahagi niya, naninigas ito.
"Wait lang. Magyu- U turn tayo." anito at iliniko ang motor.
Alam kong para akong desperado pero naisip ko, kung magkakaroon ako ng attachment kay Knight.
Posible na makalimutan ko si Tristan, alam ko din na hindi ako sasaktan ni Knight.
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
RomanceChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...