[87]

223 18 0
                                    

[87]

8:39 PM

Analiah:
Baka nagkamali lang ako ng rinig noon haha

Key:
Ano bang pagkakatanda mo?

Analiah:
Pagkakarinig ko kasi, nexy year babalik ka

Key:
: (

Key:
Di 'yan 'yong sinabi ko

seen

Key:
Sabi ko, taun-taon ako magbabakasyon sa inyo. Natatandaan ko na. Bago ako mag-bye sayo. Sinabi ko yon.

Key:
Pero hindi ko nagawa.

Analiah:
Ayos lang yun haha

Analiah:
Ano ba haha wala na yun

Analiah:
Kahit every year akong dumudungaw sa bintana ng bahay namin para tingnan kung nandoon ka at hinihintay ako para maglaro, pumupunta rin ako sa bahay ninyo pero si Aling Lucy lang nadadatnan ko na taga bantay sa bahay ninyo rito, hinihintay rin kita sa kubo baka kasi dumating ka roon, sa ilalim ng mangga bakas tumabi ka Abutin man ako ng hapon basta umaasa ako na babalik ka pero ayos lang

Analiah:
Nangako ka kasi noon

Analiah:
Kaya umasa akong tutuparin mo

Analiah:
Kasalanan ko rin pala

Analiah:
Kasi naghintay ako taon taon, tuwing bakasyon.

Analiah:
At last nahanap din kita, masaya ako siyempre pero hindi ko rin maiwasan malungkot kasi totoong kinalimutan mo nga ako.

Analiah:
Im sorry, bye

Key:
Sorry.

Key:
Babalik ako. Seryoso iyan.

Key:
Pagkagraduate ko, babalik ako agad agad. Promise.

seen

------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon