[111]

270 13 0
                                    

[111]

9:24 PM

Key:
Hindi ako nagbibiro.

Key:
Seryoso ako, Analiah.

Analiah:
Okay? Eeehhhhhhhh

Key:
Analiah, bumalik kasi eh

Analiah:
Ha? Ang alin?

Key:
Tama ba to kapag sinabi ko sayo? Masyado kasing maaga para umamin pero mukhang wala na akong palusot, nabasa mo na naman yung sinulat ko na dare.

Key:
Nagdalawang isip talaga ako para sulatin yun at isabay sa ipapadala ko.

Analiah:
Alin yung bumalik?

Key:
Kinakabahan talaga ako kapag iniisip ko paano kapag nabasa mo na yon? Napapatanong ako kung magagalit ka ba sa akin? Hindi ko alam.

Analiah:
Key alin ang bumalik? Yun ang sagutin mo.

Key:
Analiah, promise hindi ka magagalit? O ka hindi ka galit?

Analiah:
Ano nga kasi yun? Ang tagal naman eh. Inip na ako

Key:
Ang hirap sabihin.

Key:
Ang hirap simulan.

Key:
Basta, may bumabalik.

Analiah:
Paano ako hindi magagalit, kung ayaw mong sabihin yang jusmeng bumabalik na yan?

Analiah:
Alin ba? Si Kiera? Bumalik?

Key:
Hindi

Analiah:
Eh ano nga? Huhulaan ko pa ba? Hindi ko alam iniisip mo ngayon no! Wag mo akong pahirapan.

Key:
Ano kasi, Laklak

Key:
Yong feelings ko.

Key:
Yong feelings ko para sayo, bumabalik.

Key:
: (

seen

Key:
Alam kong bata lang tayo noong maging kaibigan kita pero maniwala ka, totoo yung nararamdaman ko noon sayo. May napapansin akong kakaiba sa yo na hindi ko alam kung ano pero gustong gusto ko. Doon pa lang, alam kong hindi lang kaibigan ang tingin ko saiyo. Mas higit pa roon. Inamin ko naman sayo diba na crush kita noon pero ang problema, hanggang ngayon pa rin pala.

Key:
Sa totoo lang, mas higit pa sa crush.

Key:
Analiah, seryoso ako. Gusto kita. Gusto kitang mapasaakin. Hindi ko alam, nong nakausap ulit kita, may something akong nararamdaman.

Analiah:
Kailan mo ako nireplyan? Kailan mo nakumpirma na kababata mo ako? Kailan tayo unang nagchat?

Key:
Bakit? Bat mo naitanong yan?

Analiah:
Sagot.

Key:
Wala pang one month?

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon