Nick's Note
Finally, second Epistolary na natapos ko na! Nakatutuwang makita na 'yong story na matagal nang nakatambak sa utak ko ay ngayon, nailabas ko na rito at naipabasa na sa inyo. Matagal nang nabuo sa utak ko 'yong plot ng story na 'to simula no'ng mapakinggan ko 'yong kantang 'Kababata' na sinulat ni Kritiko at kinanta nilang dalawa ni Kyla bilang entry sa Himig Handog 2018. Sobra kong minahal 'yong kanta kasi sobrang sakit at kakaiba, hindi kagaya sa nga kantang karaniwan kong napakikinggan. 'Yon ang kagandahan. Ito 'yong paborito kong rap na pinakinggan ko dahil may laman talaga. Nakakaiyak. Sobrang tumatagos sa puso. Puwede niyong mapakinggan 'yong kanta sa itaas, kung hindi kayo pamilyar at interesado kayo. Siguradong masasaktan din kayo. Lol.
Doon inspired 'tong story na 'to. Doon ko hinugot ang emosyon at sakit mula rito. Haha.
Ngayon, na naisulat ko na, ang sarap sa pakiramdam. Maliban sa may natapos akong panibagong story, sobra ko rin na-miss 'yong childhood life ko habang sinusulat 'to. (Sana naramdaman niyo iyon) Jusme! insert Analiah favorite word here*
Thank you sa 6.43k reads ng story na 'to kahit matagal ang updates dahil sa studies. Modular learner ako at may research pa, mahirap isingit sa oras at nakaka-drain ng utak. Alam kong hindi naman ganoon karamihan ang nag-aabang pero masaya pa rin at grateful pa rin ako sa inyo, dahil nakikita ko naman 'yong mga active. Nababasa ko comment niyo, ang cute niyo. Legit. Hahahaha. Nakakaaliw kayo.
Nais ko na rin i-promote 'yong panibagong stories na isusulat ko next, "All about Pain, Book 2 and When You Disappeared at Midnight"
Note: Hindi na sila epistolaries. Next year ulit, magsusulat ako ng epistolary, entitled 'Panandalian.' About naman siya . . . secret haha! Ang plano ko ay every year, may ilalabas akong epistolaries. crossed finger* Sana. Magawa ko itong challenge ko. Asahan niyong puro isang tagalog word lang ang pamagat ng mga iyon. Hahaha. Maski ako, na-eexcite ako sa mga pamagata na 'yon.
-
Social Media Accounts:
Facebook: Nick Black
Facebook Page : Nekoys
Instagram: nickzalan
Twitter: niickblack_
TikTok: niickblack_
Wattpad: niickblack (follow me here)MARAMING-MARAMING SALAMAT!
![](https://img.wattpad.com/cover/238615808-288-k80399.jpg)
BINABASA MO ANG
kababata: thanks for trying to reconnect with me once again
Teen Fiction"Kung kailan bumalik ka na, saka naman ako magpapaalam." - Analiah Date Started: December 19, 2020 Date Finished: March 24, 2021 [EPISTOLARY STORY] [Tagalog] - An Epistolary written by Nick_Black02 Book Cover: Credits to the original owner from Pint...