[67]

312 21 0
                                    

[67]

10:58 PM

Key:
Tayo? Paano naman tayo naging magkaibigan?

Analiah:
Diba kami nina Kuya Jason, Kuya Oben, Kuya Bobet, Yael, Ranny, Paul, Welly, Tito Teddy, basta yong mga kaibigan kong lalaki, naglalaro kami ng tagu-taguan, maiba-taya, agawan base, luskong baka, luksong tinik, patintero, tumbang preso, sipa bola at kung ano ano pa. Sa kalsada kami palagi naglalaro tapos ikaw padaan padaan lang para bumili ng makakakain kila Tiya Loleng. Napapansin na kita noon

Analiah:
OMG! Nakakamiss yung mga larong yun! Grabe. Parang kailan lang, excited akong maghapon para maglaro, para mapawisan manlang pero ngayon hindi na kami makakapaglaro ng ganoon kasi yung iba sa kanila, may pamilya na at yung iba naman di na dito nakatira

Key:
Mga 5 ng hapon kayo naglalaro, diba?

Analiah:
Oo

Analiah:
Tapos isang beses, nalaman kong anak ka pala ni Tita Fairy, kaibigan ni Mama at nong pumunta kayo sa bahay namin, saktong nandoon ako at paalis na. Sinabihan ako ni Tita Fairy na isama raw kita para naman hindi ka maboring kaya ayun, isinali kita sa laro namin.

Key:
Tanda ko na yan!!

Analiah:
Mahiyain ka kasi noon. Pumunta kayo rito para magbakasyon, hindi pa magkulong sa bahay ninyo, ayaw mong makijoin sa amin. Mabait naman kami.

Key:
Hahahah

Analiah:
Lagi ka ngang talo sa laro natin eh. Lagi kang taya

Analiah:
Halatang first time mo lang maglaro ng mga yun. Hindi ka kasi marunong eh Mabuti na lang talaga nagbakasyon kayo rito, kung hindi ang boring ng child hood life mo. Walang kakulay-kulay. Puro bahay

Analiah:
Saka, tisoy ka. Ikaw yung naiiba sa amin kasi halatang anak-mayaman ka

Analiah:
Hanggang maging close tayong dalawa, palagi na tayong magkasama. Kapag late akong gumising tuwing umaga, ikaw ang pumupunta sa bahay namin. Kapag ikaw naman ang late gumising, ako naman gumigising sayo. Hanggang maging kaclose mo na ring yong ibang bata pa

Analiah:
High school friend yata yong Mama mo at Mama ko, pagkakaalam ko

Analiah:
So ayun, doon tayo nagkakilala

Key:
Diba may schedule tayo?

Analiah:
Kung tanda mo pa, sabihin mo nga

Key:
6 ng umaga dapat gising na tayong lahat, pati rin yong iba pa nating kaibigan diyan.

Key:
7-10 pupunta tayo sa kubo, doon tayo maglalaro ng nanay at tatay. Lutu-lutuan, bahay-bahayan

Analiah:
Ang saya kaya ng lutu-lutuan. Mga dahon yong recipe natin hahahha tas palayok yong lutuan natin. Pinapagalatin pa nga tayo ng mga matatanda kasi gumagamit tayo ng apoy, bawal kaya sa tin yun

Analiah:
Kunwari, mga lutong ulam pero pare-pareho namang dahon yun hahaha saka nag-iihaw din pala tayo, no hahah.

Analiah:
Alam mo yung walis tinting? Pinapagalitan tayo ni Lola Usan kasi pumuputol tayo sa walis tinting niya para gawin panusok sa mga dahon at iiihaw daw natin sa apoy. Ang baho kaya ng amoy ng dahon kapag nasusunog. Haha

Key:
Oo hahaha tas 11 uuwi na tayo para kumain ng lunch at maligo.

Key:
Tas kapag 1-4 natutulog yong iba sa atin, bawal silang gumala nang ganoon pero tayong amin nina Yael, Kevin, Frances at Ranny yong palaging nasa kubo. Pinapayagan tayo haha

Key:
Minsan pumupunta pa tayo sa tindahan ng Lola mo para bumili ng mga laruan o di kaya'y yong tigpipiso na tsitsirya na may laruan sa loob. Nakaka-excite kayang magbukas ng ganoon haha

Analiah:
Binigyan mo nga ng tatlong singsing si Chin-Chin noon eh. Kulay green, orange at red

Key:
Ah oo! Ikaw? Binigyan ba kita?

Analiah:
Espada na green lang

Key:
Ay hahahah

Key:
Tapos yun na nga, tuwing hapon mga 5 PM, naglalaro na tayo sa kalsada. Maliban sa iba natin kaibigan na iba yung nilalaro. Minsan nakikisali tayo sa kanila, minsan naman ay hindi

Analiah:
Oo kapag hindi pa tayo nagsisismulang maglaro sa kalsada, sasali muna tayo sa kanila. Pero ikaw lang talaga ang pumipilit na sumali ako dahil gawa ni Chin-Chin haha

Key:
Then pagpatak ng gabi, pupunta tayong dalawa sa bahay ni Mikoy par makipaglaro, diba? Malapit lang kasi bahay natin sa kanila.

Analiah:
Ang galing, kabisado! Hahaha

-----

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon