[150] [Narration]

385 19 1
                                    

[150] [Narration]

Key

Halos mangalay na ang hinlalaking daliri ko dahil sa pagtitipa ko sa phone. Tinatadtad ko na ngayon ng message si Brian. Malapit na mag-8 AM ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin siya nadating kaya 'di pa rin kami nakakarating sa airport. Nandito pa rin kami sa tapat ng bahay namin. Alam niya naman na maaga alis namin ngayon pero pasaway ang hayop, mukhang nagpuyat na naman. At niloloko pa ako.

'Di pa pumuputok ang araw, gumising na kami nina Mama at gumayak na agad para hindi mahuli sa schedule ng flight namin kaso 'tong tarantado kong kaibigan pa ang magiging rason kung bakit baka hindi pa kami matuloy sa pag-alis ngayon. Ang tagal ko 'tong hinintay, maililipat pa ba sa ibang araw? Hindi puwede 'yon. Pinaalalahanan ko na naman siya kagabi pa lang.

Marahas kong pinasadahan ng hawi ang buhok ko dala ng inip at ng pagkayamot. Pagkatapos, mahina akong napasuntok sa hita ko.

"'Nak, 7:30 na. 8 AM ang lipad ng eroplano, asa'n na ba kaibigan mo? Dapat nandoon na tayo. Ano ba'ng sabi niya?" tanong sa akin ni Mama. Nakaupo siya sa harapan, katabi si Papa na siyang maghahatid sa amin sa airport. Hindi namin siya makakasama dahil hindi niya raw puwedeng iwanan ang trabaho niya ngayon dito sa Manila nang matagalan.

"Ewan ko po," matigas na sagot ko nang hindi nalingon sa kaniya. 20 minutes na kaming nasa loob ng sasakyan, naipasok na rin 'yong mga gamit namin sa likuran. Si Brian na lang talaga ang kulang. Mali yatang niyaya ko pa 'tong sumama. Sabi niya kanina, nasa loob na raw siya ng subdivision namin pero punyeta, 30 minutes na ang lumipas, wala pang maski anino niya ang nagpapakita sa amin. Hindi rin siya nag-rereply.

Pambihira, gaano kabagal ang sinasakyan niya? Hindi rin naman kalakihan subdivision namin. Ilang kanto lang ang madadaanan bago makarating dito sa bahay. Teka, huwag niyang sasabihing naligaw siya?

"Tang*na," sobrang hinang bulong ko. Baka marinig ni Mama.

Ibinaba ko muna ang phone ko at nagpalagutok ng mga daliri. Hindi kami puwedeng iwanan ng eroplano. Ang ganda-ganda ng naging bungad ng araw ko, mula sa perfect na weather pero mababasag lang dahil sa kupad ng kilos ni Brian. Sinusubok niya talaga ang pagiging mainipin ko.

"May taxi na parating, si Brian na yata 'yan," sambit ni Papa habang may tinatanaw mula sa malayo.

Nakahinga ako nang maluwag habang napapailing-iling ng ulo. Mabuti na naman. Siya na siguro iyon dahil palapit na 'yong taxi sa kinaroroonan namin. Napasandal ako at itinago na ang phone sa loob ng bulsa.

Tumigil sa tabi ng sasakyan namin ang taxi at bumaba na roon si Brian, basa at hindi pa suklay ang buhok nito nang kumaripas na ito agad ng takbo at inilagay ang mga dala niyang maleta at bag sa may bandang likuran ng sasakyan namin.

Pagkatapos, pagkabukas niya ng pintuan para pumasok, agad ko siyang sinamaan ng tingin. Natigilan siya pero agad na rin naman 'tong umupo at isinira ang pinto.

"Gag* ka. Namuti tuloy buhok ni Mama dahil sa 'yo! Ang tagal mo!"

"Nahuli ako ng gising, pre, sorry." Bahagya siyang tumawa at nagsuklay ng buhok gamit ang mga dalari.

Sinimulan nang paandarin ni Papa ang kotse.

"Sabi na nga ba, eh, nagpuyat ka na naman. Kapag tayo naiwan ng eroplano mamaya, huwag ka nang sumama sa susunod."

"Hindi 'yan. Alam mo, pre, sa quiz nga noon, 'di mo ako matiis na huwag pakopiyahin, dito pa kaya? Kambal tayo, eh."

"Gag* ka," simpleng nasabi ko at ipinasok ang dalawang earpiece ng earphone sa pagkabilang tainga ko. Nagsimula na akong makinig ng music. "Asaan ka na ba kanina? Sabi mo, malapit ka na?"

"Joke lang 'yon. Kagigising ko lang talaga no'n." Hindi ko napansin na may biscuit pala siyang hawak. Binuksan niya ito. "Gusto mo?"

Umiling ako. "Sa 'yo na iyan, mukhang kulang pa, eh."

"Hindi ako makatulog kagabi, na-excite ako masyado sa gala natin hanggang sa madaling na ako nakatulog. 'Di ako nagpuyat, okay? Sadyang 'di lang ako makatulog," paliwanag niya. "Ikaw ba? Hindi ka pa na-e-excite na makita si Laklak mo?" pang-aasar niya sa akin. Kumurba ang maloko niyang ngiti. "Gag*, namumula ang pisngi."

Narinig ko ang pagbungisngis ni Mama.

Kinunutan ko si Brian ng noo. "Tarantado ka talaga, eh 'no?"

"Sa sobrang excited niyan, maaga siya nakatulog kaya maaga rin nagising. Naabutan ko siyang nagkakape na lang sa kusina," sabi naman ni Mama.

"Baligtad pala tayo, pre."

"Tsk."

"Ba't ba ang sungit-sungit mo ngayon?!" Mahina niyang sinuntok ang balikat ko.

"Gag*." Tinaggal ko 'yong isang earpiece at matalim siyang tiningnan. "Kung inagahan mo kasing dumating, e di sana dapat nasa eroplano na tayo ngayon at maghihintay na lang lumipad. Ang tagal mong gag* ka. Good mood sana ako ngayon."

"Chill ka lang, pre. Kwota na ako sa mura mo, ah." Umiling-iling ako at isinuot ulit 'yong earpiece. Tumingin siya sa relo niya. "Aalang-alala ka, maaga pa naman. Kaya pa 'yan, abot pa tayo. Sure ako. Pero teka, ano 'yong mga napansin kong laruan sa likuran?"

"Nasa box na nga iyon, nakita mo pa. Ang talas palagi ng mata mo."

"Ako pa ba?"

Natagalan akong sumagot. "90's toys."

"Sabi na, eh. Huhulaan ko sana kung para kanino pero obvious naman na para kay Analiah. Magtatang*-tang*han pa ba ako?"

Ang galing niyang hulihin ang kiliti ng loob ko. Humugot ako nang malalim na hininga, kasabay niyon ay ang pangiti kong hindi ko na napigilan ilabas. "Siya agad ang unang pupuntahan ko kapag nakabalik na tayo sa bahay namin." Huminto ako. "Dala-dala 'yong mga simpleng laruan lang na tig-lilimang piso, at pupunta kami sa may kubo kung saan palagi kami tumatambay noon. Kaming dalawa lang muna. Solo namin 'yong moment. Kaunting kuwentuhan, ganoon. Excited na talaga akong makita siya."

"Kadiri ka talaga, pre. Hindi pa rin ako sanay kapag sinasabi mo iyang mga 'yan. Saka sina Tito at Tita nangdiriri na rin sa iyo. 'Di ka nahihiya?"

"Sanay na kami, Brian," sagot ni Papa. "Si Analiah palagi kuwento niya sa amin noon pa lang."

Natawa ako pero 'yong may halong kakaibang kilig.

"'Tapos ipapakilala kita sa kaniya at sali ka, tol, ah? Maglalaro rin kami ng chinese garther."

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Gag* 'to. Ano tingin mo sa akin? Marunong? Jackstone nga, talong-talo ako, 'yon pa kaya, tol?"

Bahagya akong natawa. "Joke lang." Lumingon ulit ako sa bintana. Nagbuga ako nang kaunting hangin. "Na-miss ko lang makipaglaro kasama siya ng mga larong masarap balik-balikan. 'Yong tipong parang babalik ka sa muli pagkabata. 'Yong wala kang ibang poproblemahin, sobrang liit lang, kun'di 'yong pagiging madaya no'ng kalaro mo. Na-miss ko 'yong feeling na 'yon, pre. Na-miss kong maging bata."

"Ang drama mo." Napapailing pa siya ng ulo pero nakuha ko pa siyang tawanan. Masama bang ma-miss 'yong buhay na sarado ba ang mga mata at isip mo sa reyalidad pero pakiramdam mo, malaya ka nang gawin lahat ng bagay na ninanais mo?

-

Napakasarap siguro
Kung 'di tayo nagkahiwalay
Lahat ng mga pangarap ko
Para sa 'tin ay nawala
Kung maari sanang maibalik ang dati
Hindi sana 'to nangyari
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama

Sa malawak na lupain doon sa aming bukirin,
Tayo laging magkasama, umaga hangggang dilim,
Sa ilalim ng punong mangga, sabay nating ipininta,
Ang sumpaang idinikta mo sa 'kin ang pag-ibig na,
Manggagaling sa 'yo kahit mga bata pa tayo,
Ay hindi na mabilang ang mga nabubuong mga plano,
Kasabay ng eroplanong papel ang paglipad,
Ng mga pangarap nating gusto nating marating,
Tunay na pag-ibig na ang nadama sa aking edad na siyam,
Ako'y palaging masaya 'yan lang ang aking alam,
Sa bawat oras na kasama ka habang naglalaro sa ating baryo,
Ay hindi ko mapigilang matitigan medyo pilyo na ang pagtinigin mo sa 'kin pero 'di mo
Kinakailang ako'y gusto mo rin at parang 'di ko na gugustuhing mapalayo pa
Ikaw lang ang para sa akin
Sa aking dalangin, palaging nando'n ka

-------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon