[45]

356 23 1
                                    

[45]

11:10 PM

Key:
Pre, tulong

Brian:
Ano yon? Nag-mml pa ako

Brian:
Bakit?

Brian:
Weyt lang

Brian:
Patapos na to, maya muna

Key:
Patay ako kay Kiera

Key:
Nakalimutan ko siya.

Key:
Pre, bilis!

Key:
I really need your help, hurry up!!!

11:23 PM

Brian:
Bakit ba kasi?

Brian:
Paanong nakalimutan?

Brian:
Oo nga pala, gag* ka

Brian:
Akala ko ba mainit ang ulo mo doon sa babaeng baliw, bakit shinare mo picture niya? HAHAHAH ang labo mo pre.

Brian:
Halos sumpain mo na siya noong nagkukuwentuhan tayo sa room, galit na galit ka kasi sinabihan kang pugo at pinagkalat ko pa sa mga kaklase natin.

Brian:
HAHAHA

Key:
Ayun na nga yong problema.

Key:
Nagtatampo sa akin si Kiera kasi nakalimutan ko siya ngayong gabi.

Key:
Hindi na mainit ang ulo't dugo ko kay Analiah. Kababata ko siya sa Bukidnon. Ewan, bigla na lang humupa galit ko sa kaniya.

Key:
Crush ko yong dati, eh

Brian:
Crush na eh HAHA samantalang ang lulutong na ng mura mo sa kanya nitong mga nakaraang araw,

Brian:
Pero sabagay, hindi kita masisisi maganda naman.

Key:
Dati ko lang siya crush, huwag mong babanggitin to kay Kiera, ha?

Key:
Bugbog ka sa akin

Brian:

Accept ko na siya ah? Pending pa rin yong fr niya sa akin haha

Key:
Bahala ka

Brian:
Eh, anong problema sa bebe mo?

Key:
Si Analiah lang yong pinansin ko ngayong gabi, pagkatapos nakalimutan ko na si Kiera. Hindi ko na nabuksan yong convo namin. Na kay Analiah lang, chat ako nang chat sa kaniya

Key:
Na-miss ko si Analiah, eh. Biruin mo, 13 years din kami nagkita. Siyempre, marami kaming gustong pag-usapan.

Brian:
HAHAHAHA taksil ka, pre

Brian:
Lagot ka

Key:
Isip mo ako ng palusot!

Key:
Nagtatampo kasi si Kiera, tas nagtatanong kung sino raw yong shinare ko

Key:
Di ko alam isasagot ko

Brian:
Ikaw rin may kasalanan, bakit mo kasi shinare?

Brian:
Pugo ka talaga, may gf ka na nagsheshare ka pa ng ibang babae.

Brian:
Magtatampo talaga sa iyo si Kiera tas hindi mo pa siya pinapansin. Hindi mo muna inisip yong mararamdaman niya bago mo ginawa iyon, nako nako

Brian:
Tsk tsk tsk

Brian:
Lagot kang bata ka, breakup na sunod niyan.

Brian:
Isang araw lang pala itatagal ninyo. HAHAHA

Key:
Hindi iyon mangyayari, no!

Key:
Suntok sa buwan, promise

Key:
Ang tagal ko rin siyang niligawan, pagkatapos hiwalay agad?

Key:
Isip mo na lang kasi ako ng palusot.

Key:
Para may maitulong ka!

Brian:
Hmmm

Brian:
Sabihin mo, pinsan mo yong babaeng baliw

Key:
Good ideaaaaa! Thank you pre!

Key:
Libre kitang lunch bukas

Key:
Pero huwag mong matawag-tawag na baliw si Analiah, bubuhulin ko sikmura at bituka mo!!!!

Brian:
Okay, okay!

Brian:
Chill ka lang pre hahaha

Brian:
Gg eh baka mag-crack shell mo niyan

Key:
Fu*k you!

------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon