[151] [Narration]

311 17 2
                                    

[151] [Narration]

Key

Hindi na mabura ang malawak na ngiti sa mukha ko nang unang pagkaapak pa lang ng paa ko sa loob ng eroplano. Laking pasasalamat ko na lang nakaabot pa kami sa tamang oras dahil nalaman kong kaunting minuto na lang pala, malapit na itong lumipad. Kamuntikan pa kaming maiwanan.

Pero heto na. Tuloy na talaga 'to. Wala nang atrasan. Makakasama ko na ulit 'yong babaeng unang nagustuhan ko, ilang oras na lang makikita ko na siya. Hindi na ako makapaghintay. Kahit bata pa lang ako noon, alam kong totoo na 'yong nararamdaman ko sa kaniya kaya sana ngayon, hindi ako mabigo.

Komportable na kami nina Mama at Brian, naghihintay na lang umalis. Nasa may tabing bintana si Brian, samantalang si Mama naman ay nasa may bandang kanan ko. Nakaupo kami sa tatluhang upuan. Pinaggigitnaan nila ako. Hindi na namin kasama si Papa, nagpaalam na kami sa kaniya.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako na ewan.

"Gag*, 'yang ngiti mo, pre," puna sa akin ni Brian at bahagya akong binangga gamit ang braso niya. "Pagkatamis-tamis. Nag-iimagine ka na naman ba? Loko."

Kaunti lang ang mga pasaherong pupunta ng Bukidnon ngayon dahil kapansin-pansin ang mga upuang bakante. Pero kanina sa sakayan ng eroplano, nakakalula ang dami ng mga tao.

Lumingon ako sa kaniya. "Bawal bang ngumiti?" natatawa kong tanong. "Masaya lang ako. Normal lang 'yon."

"Itago mo naman 'yang excitement mo, labas na labas agad, eh. Obvious na obvious. Wala pa tayo sa Bukidnon, huy."

Mariin akong natawa. "Ganoon talaga. Makikita ko na kasi siya, ilang oras na lang. Isipin mo, last year, hindi natuloy 'yong pagkikita namin pero ngayon, siguradong-sigurado na, oh. Sino bang hindi matutuwa roon?"

"Aysus. Palibhasa 'di na talaga siya nagparamdam sa 'yo buhat noon. Binitin ka lang kasi ng babaeng 'yon."

Binasa ko ang ibabang labi ko. Natagalan akong sumagot. "Sa palagay mo, ano na kaya nangyari sa kaniya, 'no?"

"Baka . . . Uhmm, gusto mong malaman?"

"Gag*, bakit?"

Maliit siyang tumawa. "Sa tingin ko, baka ikinasal na sila ni Arko. At may anak na sila."

Agad ko siyang sinapak, walang pagdadalawang-isip. "Gag* ka, 'wag mong sirain mood ko ngayon. Huwag mong sabihin 'yan!"

"Aray!" daing niya. Hatalang nagulat siya sa ginawa ko. "Gag* ka rin, e di dapat hindi mo ako tinanong. Sumagot lang ako, ang init agad ng ulo mo!"

"Hoy, ano ba kayong dalawa? Matutulog na ako, 'wag kayong maingay diyan. Ang lalakas ng boses ninyo," suway ni Mama sa 'min. "Huwag kang malikot, Key. Kulang ako sa tulog ngayon."

Sandali kaming natahimik. Sumandal ako.

"Pero seryoso nga 'ko, pre, sabihin nating hindi pa siya kasal. Pero paano kung may nangyaring hindi maganda sa kaniya kaya wala na talaga siyang paramdam sa iyo? Kaya wala na tayong naging balita tungkol sa kaniya?" Napalingon ako kay Brian dahil sa sinabi niya at sinamaan siya nang tingin. "Seryoso 'to. Seryoso ako. Huwag mo akong tingnan nang ganyan." Mukha ngang seryoso siya sa sinabi niya. Umiwas na lang ako at napahalukipkip. "Tingnan mo, hindi na siya nagpapalit ng profile picture simula noon, hindi ka na niya in-unblock, hindi ka na niya kinumusta, hindi ka niya kinukulit, hindi ka niya sinipot noon, hindi man lang siya nagsabi kung bakit hindi siya nakarating, hindi siya nag-sorry, matitiis niya ba 'yon sa 'yo? Paano nga kung may nangyaring masama sa kaniya? Mukhang hindi na siya nag-ooline, eh."

Napasinghap ako. "Naiwas lang siguro iyon sa akin dahil may boyfriend na siya or hindi kaya'y busy lang sa trabaho. Alam mo naman 'yon, mahal na mahal ang trabaho niya at pati si Arko. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan."

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon