[112]

228 9 0
                                    

[112]

10:01 PM

Key:
Di mo sinagot tanong ko.

Analiah:
Ano na naman ba yun?

Key:
: (

Key:
Tanong ko kung may nararamdaman ka na ba sa akin?

Analiah:
Key alam mo naman na may bf ako ngayon, diba?

Key:
Meron at wala lang yong isasagot mo.

seen

Key:
Oyyyyyy

Analiah:
Key hindi puwede

Key:
Alin ang hindi puwede? Analiah, gusto ko ang isagot mo kung meron o wala. Ang labo mo naman. Dami mo pang pasikot-sikot.

Analiah:
Pag-iisipan ko.

Key:
Anong pag-iisipan?

Analiah:
Ewan basta, ayaw ko.

Key:
Di kita gets.

Analiah:
May boyfriend ako. Period.

Key:
Bat hindi mo masagot nang tama yung tanong ko? Bat ayaw mong umoo at ayaw mo rin sabihing wala?

Key:
50% na oo 50% na wala?

Analiah:
Hindi ko alam.

Analiah:
Ayaw kong sagutin. Basta! Huwag kang makulit.

Key:
Kapag ba hiniwalayan mo si Arko, magugustuhan mo na ako?

Analiah:
Ano. Gag* ka ba?!

Key:
Diba yun ang dare ko sayo? Bat ayaw mong gawin? Dare is a dare.

Analiah:
Gag* ka nga

Analiah:
Hihiwalayan ko si Arko dahil lang sayo? Nasa tama ka bang pag-iisip? Helloooooo

Key:
Bakit hindi? Bakit hindi mo magawa yon?

Analiah:
Jusme!

Analiah:
Nagpapatawa ka ba?

Key:
Kapag hiniwalayan mo si Arko at naging tayo, hindi na ako aalis diyan sa Bukidnon. Sasamahan kita. Magpapakasal tayo. Magkakaroon tayo ng dalawang anak, babae at lalaki tas sasamahan natin silang maglaro katulad ng nilaro natin noon. Ang saya non, di ba? Sige ka kapag hindi mo hinawalayan si Arko, pagsisihan mong hindi ako yong makakasama mo habang buhay.

Analiah:
So, ano to? Nag-iilusyon ka na agad?

Analiah:
Tinatakot mo pa ako.

Analiah:
Sa tingin mo, gugustuhin kong hiwalayan si Arko? Si Arko na matagal ko nang kilala. Si Arko na palagi kong kasama. Si Arko na lagi akong tinutulungan. Si Arko na kalinga ko sa lahat. Si Arko na mahal na mahal ako. Si Arko yong kasama ko sa pagtupad ng mga pangarap ko. Ai Arko na hindi ako kayang saktan.

Key:
Kaya ko rin yon!

Analiah:
Tang*na

Key:
Kala ko hindi ka nagmumura?

Analiah:
Hindi ko hihiwalayan si Arko. Tandaan mo yan, Key. Hinding hindi ko siya ipagpapalit sa isang taong kailan ko lang nakausap ulit, na hindi ko pa nakikita ulit.

Key:
Pumayag akong makipaghiwalay kay Kiera para sa yo. Tapos ganito lang mangyayari?

Analiah:
Seryoso ka ba talaga?!

Analiah:
Nagmumukha ka ng tang*

Analiah:
Sinabi ko bang hiwalayan mo siya? May narinig ka ba sa akin? Wala diba? Bat parang ako pa 'yong sinisisi mo?

Key:
Kasi nga mahal kita.

Analiah:
Alam mo ang problema sayo, ang bilis mong magdesiyon sa isang bagay na hindi ka pa sigurado. Paano mo nagagawa yon?

Analiah:
Kung may nararamdaman man ako sayo, hindi ko susundin yon. Hindi ako sigurado sa yo. Kaya wag kang magmadali.

Key:
Mukha na ba akong desperado sa paningin mo?

Analiah:
Bat kasi kailangan mo pang mahulog sa akin? Puwede naman huwag na lang

Key:
Ayaw kong pigilan. Eh bakit mo pa ako hinanap kung ganito lang din pala? Kung hindi mo kayang suklian yong nararamdaman ko sayo?

Analiah:
Ginusto ko bang umabot sa ganto?

Analiah:
Ginusto ko bang gustuhin mo ako? Gusto lang kitang makumusta.

Analiah:
Kung di mo mapigilan, pwes ako pipigil.

Analiah:
Sorry

Key:
Anong gagawin mo?

-------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon