[95]
6:49 AM
Kiera:
Key, I'm sorryKiera:
BabeKey:
Ayos ka na ba? Masakit pa ba ulo mo? Nagsuka ka pa ba kagabi?Kiera:
Oo, ayos na ako. Nakainom na rin ako ng gamot.Key:
Papasok ka ngayon? Kaya mo ba?Kiera:
Oo. Kailangan eh. Hindi ako puwedeng um-absent, maraming activities.Key:
Sige.Kiera:
Babe sorry kagabi. Nakaistorbo pa ako sa yo. Gumagawa kayo ng research diba?Key:
Bakit ka kasi pumayag na sumama sa puro mga lalaki? Inuman yun ng mga lalaki? Bakit itinago mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin?Key:
Boyfriend mo ako. Dapat nagpapaalam ka muna sa akin. Kailangan kong malaman yon. Paano kapag may nangyaring masama sayo? Hindi ko alam gagawin ko.Kiera:
Hindi mo naman ako papayagan.Key:
Alam mo naman pala ehKey:
Siyempre. Sampung lalaki yun. Tas kayong dalawa lang ni Mae ang babae? Ang pangit tingnan. Saka mukha pa lang ng mga kaibigan ni JJ, hindi na mapagkakatiwalaan. Ang alam ko rin may gusto sayo si JJ, baka kung ano pang gawin niya sayo kung hindi pa kami sumugod. Hindi ako makakapayag.Key:
Mabuti nga sinundo ka namin ni Brian at inuwi agad. Paano kung hindi ko nalaman? Edi hahayaang mong malunod sarili mo sa alak? Madudungisan ang pagkababae mo? Alam mong hindi imposibleng mangyari yun.Key:
Hindi ganyan na Kiera ang unang tingin ko sa kaniya noon. Hindi ka naman ganyan. Hindi ka palainom. Anong nangyari?Kiera:
Key.Kiera:
Hindi na kasi kita ramdam.Key:
Ha?Kiera:
Ang layo-layo mo na, hindi na kita matanaw.Key:
Anong ibig mong sabihin?Kiera:
Hindi na kita mahuli, hindi na kita masilip, hindi kita mahanap, hindi na kita ramdam sa tuwing magkahawak yung mga kamay natin. Hindi ko na nakikita yung kinang sa mata mo kapag titingnan mo ako. Nagbago ka bigla. Kapag tinititigan kita, umiiwas ka na. Hindi ko na mabasa sa mukha mo yung katulad ng mukha mo nong nililigawan mo ako. Parang wala na. Ang layo mo.Key:
Kiera. Hindi kita maintindihan. Bakit ganyan replies mo?Kiera:
Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, sige lang. Okay lang naman. Go! Hindi kita pipigilan.Key:
Anong sinasabi mo? Hindi ko gagawin yan.Kiera:
Ikaw yung unang lalaking minahal ko. Ikaw yong first boyfriend ko. Ikaw yung hindi sumuko sa pangliligaw sa akin. Pero nong naging tayo, pakiramdam ko may nagbago bigla. Hindi ko alam, eh. Hindi ko maintindihan. Basta may nagbago.Kiera:
Ginagampangan mo naman yung pagiging boyfriend mo sa akin. Alam kong seryoso ka. Naaappreciate ko yung pagsundo at paghatid mo sa akin sa school. Yung pagsabay natin kumain ng lunch pero parang may mali eh. May mali sayo. May kulang na hindi ko alam kung ano. Hindi mo ako binabalewala pero yun yong nararamdaman ko.Kiera:
Halos two weeks pa lang tayo, may nararamdaman agad akong mali.Kiera:
Key, ramdam ko. Ramdam kong gusto mo na akong hiwalayan ngayon pero hindi mo magawa kasi takot kang masaktan ako, takot ka kasi bago pa lang tayo. Pero gaya ng sabi ko, okay lang naman sa akin yun. Hindi pa naman lumalalim yung relasyon natin, makakayanan ko pa naman yung sakit. Hihilom din agad yung sugat.Key:
Magusap tayo mamaya. 12 PM. Sa garden ng school.Kiera:
Gusto kong maramdaman na mahal mo ako katulad nong nililigawan mo pa lang ako. Hindi ko na kasi makita yung ganoon ngayon.Kiera:
Mag-uusap? Maguusap tayo para ayusin to o mag-uusap tayo para itigil na to?Kiera:
Hindi ko pa naibibigay lahat lahat sayo pero pakiramdam ko, said na said na agad ako. Nagsisimula pa lang ako pero ramdam kong kapag magbibigay ako sa relasyon natin wala kang iaambag. Hanggang kailan ako magbibigay nang walang kapalit?Key:
Mahalaga ka sa akin, huwag mong sabihin yan.Kiera:
Mahalaga lang ako sa 'yo, sapat na ba yong ganoon?-----

BINABASA MO ANG
kababata: thanks for trying to reconnect with me once again
Dla nastolatków"Kung kailan bumalik ka na, saka naman ako magpapaalam." - Analiah Date Started: December 19, 2020 Date Finished: March 24, 2021 [EPISTOLARY STORY] [Tagalog] - An Epistolary written by Nick_Black02 Book Cover: Credits to the original owner from Pint...