[146]

227 10 0
                                    

[146]

5:09 PM

Brian:
Mukhang mas nagkakamabutihan na kayo ni Kiera ah? Pansin ang closeness niyo sa isat isa, palagi kayong magkasama pre.

Key:
Hahahahaha sakto lang

Brian:
Nililigawan mo na?

Key:
Hulaan mo

Brian:
Gag* ka pre

Brian:
Akala ko ba noon nagpapatulong lang siya sayo para mag-review? Pero bakit ngayon may pahatid at sundo na ulit nagaganap? May pag-akbay na rin? Ikaw ahhhhh.

Brian:
Pero tapatin mo nga ako, nililigawan mo o kayo na talaga? Comeback??? Naks puwede pala yon.

Key:
Kaibigan lang kami

Brian:
Weh?

Brian:
Galawan magkaIBIGAN kayo eh. Wag mo akong lokohin.

Key:
Oo na, nililigawan ko na ulit.

Brian:
Tang*na. Ang dami mo pang pasikot sikot, sa kaniya ka pa rin pala babagsak.

Brian:
Sana tunay na yan ha.

Key:
Uhmmmmm

Brian:
Pero paano si ano?

Key:
Ano?

Brian:
Alam mo naman kung sino tinutukoy ko. Si ano. Yong pinaasa ka?

Key:
Sino nga?

Brian:
Si Laklak?

Key:
Ah siya lang pala, di pa masabi.

Key:
Ewan ko kung ano na ang nangyari sa kaniya. Nagchat ako sa kaniya noon gamit ang ibang account, alam mo naman yon diba, kinuwento ko naman sayo pero hanggang ngayon, hindi niya siniseen. Wala naman akong alam tungkol sa kung anong ganap niya na sa buhay kasi nakaprivate lahat ng post niya. Hindi ko nakikita. Hindi pa rin niya ako inaaccept. Parang wala na talaga siyang paki sa akin. Kaya bahala na siya sa buhay niya. Ito naman yong gusto niyang mangyari, yong wag ko siyang magustuhan at kulitin.

Key:
Di ko na siya iniisip. Si Kiera na kapuyatan ko ngayon. Masaya na ako kay Kiera.

Brian:
Naks naman!!!!

Brian:
Eh paano yong plano mong pagbabakasyon sa Bukidnon after nitong school year? Nabanggit mo yon sa akin. Excited ka pa nga noon tol eh.

Key:
Di na matutuloy. Hahaha

Brian:
Legit pre?

Key:
Oo. May mahalagang trabaho raw si Mama, hindi niya ako masasamahan. Bawal siyang umabsent ng halos two month or one month.
Puwede naman na ako lang mag-isa kaso parang ayaw ko na muna.

Key:
Ayaw ko muna siyang makita.

Brian:
Pero mukhang may balak ka pa rin pumunta no?

Key:
Next year. Oo. Sama ka ah. After ng graduation natin.

Brian:
Gehgeh makakaasa. Mamarkahan ko agad yan sa kalendaryo kahit next year pa. Hahaha gusto ko rin pumunta sa probinsya.

Key:
Baka next year okay okay na ako. Hahaha

Brian:
Ano ka pre? Nagmomove on?

Key:
Kaya nga natawa haha

Key:
Sige na, nakachat ko pa si Kiera.

Key:
Ingay mo, mag-ml ka na lang

-------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon