[62]
12:09 PM
Key:
Sorry late replyKey:
Pero dapat inilaban mopa rin, ibinigay ko nga yang sayo para paramihin mo, diba?Key:
TskAnaliah:
Special nga sa akinAnaliah:
Ano baKey:
Ang bilis mong mag-reply!!Key:
Akala ko tuwing gabi ka lang nag-ool? HahahaAnaliah:
Hinihintay ko reply mo, eh kumakain ako ng lunch ngayonKey:
Naks naman hahaKey:
Ang tamis naman, naghintay talagaAnaliah:
WdymKey:
WalaKey:
Nga pala, nakain ka pala eh bakit gumagamit ka ng phone? Alam mo bang bawal yan? Masama iyan!Analiah:
Alam koAnaliah:
Eh, ikaw? Bakit ka nagamit din ng phone? Hula ko nakain ka rinKey:
Katatapos ko lang, nasa library ako ngayon, nagawa ng homework hahaAnaliah:
Kailan pa naging home ang library?Analiah:
Ano yan? Kahapon pa yang assignment mo na yan?Key:
Apparently, yesKey:
Hahahaha mamayang hapon pa naman yong sub na to kaya oks lang na ngayon ko to gawin.Analiah:
CrammingKey:
Hindi naman, kaya ko naman tong tapusin.Key:
Ginawan kasi kita ng slime kagabi, tas nagkachat pa tayo kaya hindi na ako nakagawa haha tinulugan mo pa nga ako ehKey:
TekaKey:
Nakalimutan kong nagtatampo nga pala ako, hayaan na nga.Analiah:
Bat parang kasalanan ko? Bat sinisisi mo ako?Key:
Hindi ahKey:
Chat na lang kita pagkauwi ko, oks?Key:
Hanapin ko yong loombands na itinabi ko rin hahahah kaso nga lang, hindi ko alam kung saan ko na naitago.Analiah:
-_-///Analiah:
Kinalimutan mo na talaga ako, no?Key:
Hindi ah pero to be honest, yung mukha mo at yung pangalan mo, nakalimutan ko pero naaalala ko na ulit kasi nagkakausap na ulit tayo ngayon, unti-unti kitang naalalala.Analiah:
I don't know to you!Analiah:
Kakain na nga ako, sige na.Key:
Anong ulam mo?Analiah:
Pininyahang manokKey:
Masarap?Key:
Ako?Analiah:
Oo masarapKey:
Masarap ako?Analiah:
Kadiri ka! I mean yung ulam ko ngayonAnaliah:
Hindi pa naman kita natitikman ehKey:
Lol!!!!!!!!!Key:
HahahhhahahahhhahahahhhhahahahahhhhhahahhhhahahahahhhahahaKey:
Pinapatawa mo ako, bye naAnaliah:
Joke lang yunKey:
Teka, meron pa akong ibinigay sayo noon? Di ba? Pero isang araw bago ako umalis?Key:
Naglaro tayo ng reyna-reynahan, tapos ikaw yong prinsesa at ako yong prinsepe, may ibinigay ako sayong korona at binigyan kita ng bulaklak na papelAnaliah:
Naalala mo?Key:
Siyempre naman, ang ganda mo non ehKey:
Kilig yan?Key:
Haha biro lang, minakeupan ka kasi ni ate Cassy, yong pambatang make up hahaha na heart shape yong lalagyan, iba-iba yung kulay.Analiah:
Ang pangit ko kaya noon, hanapin ko mamaya yong korona, pati yong bulaklak pagkatapos kong kumain, ikaw hanapin mo rin yung korono na ginawa ko rin sa yoKey:
Ah, oo nga pala!Key:
Naglaro rin ba tayo ng kasal-kasalan noon?Analiah:
Kayong dalawa ni Chin-Chin, naglaroAnaliah:
Pero tayo, never pa.Key:
Pagbalik ko diyan, laro tayo?Analiah:
Paano pag sinabi kong ayaw ko ng laro?Key:
Ha?Analiah:
Geh, kakain na ako-----
BINABASA MO ANG
kababata: thanks for trying to reconnect with me once again
Genç Kurgu"Kung kailan bumalik ka na, saka naman ako magpapaalam." - Analiah Date Started: December 19, 2020 Date Finished: March 24, 2021 [EPISTOLARY STORY] [Tagalog] - An Epistolary written by Nick_Black02 Book Cover: Credits to the original owner from Pint...