CHAPTER 3: THE REAL IDENTITY

25 2 0
                                    

Dominic Ryle's POV

"Ako naman si Dominic Ryle Buenaverde short for Dome." Saad ko at ngumiti rin sa kaniya.

"Nice meeting you Dome." Sabi ni Keyizah at ngumiti rin.

She's pretty. Habang naglalakad kami, di ko maiwasang sumulyap sa kaniya. Hindi ko alam, pero meron akong nararamdaman na di ko mapaliwanag.

I.AM.A.GHOST.

You heard it right. Yes. Definitely, I am a ghost.
two months ago nasunog ang aming mansyon na dito sa gubat itinayo. And yes, sa amin ang mansyong sinasabing abandonado at nasunog. Ang mga kaluluwa ng aking magulang ay nasa itaas na at ang aking kaluluwa na lamang ang naandito. Dahil ang katawan ko ay nasa ospital at ang sabi ng doctor ay comatose ako.

Flashback

I was in my room, busy on my school works, when I heard mom screamed.

"SON! DOME! GET OUT OF YOUR ROOM! OUR HOUSE IS BURNING! As mom shouted. I quickly go out in my room. I quickly go down when mom is waiting for me. She is in the kitchen when the fire starts to burn the house. Dad is sleeping in their room.

"Mom nasaan si dad? Di pa ba siya nagising simula kanina? Nasa kuwarto pa po ba siya?" Tanong ko.

"Yes, nasa kuwarto pa siya. Kanina ko pa siya tinatawag pero di niya ata ako narinig. Di pa mabuksan ang pinto ng kuwarto namin." Mom said while wipping her tears.

Sh*t! Paano to. Di pa masyado malaki ang apoy. I need to find some hard things to open their room.
"Mom, you should go outside now. Ako na ang bahala kay dad. Don't worry." Saad ko para mapanatag ang kaniyang loob kahit ang totoo nag-aalala siya ng todo.

Hindi na ako naghintay ng sagot ni mom. Kailangan kong iligtas si dad.

"DAD! ARE YOU STILL SLEEPING?! IF NOT, PLEASE ANSWER ME DAD!" Naandito na ako sa harap ng kanilang kuwarto at sinusubukang makalas ang door knob. Hanggang sa nabuksan na ang pinto. Maraming usok ang nakapasok sa loob ng kanilang kuwarto. Nakita ko si dad at nilapitan. Tinignan ko kung humihinga pa sya. At parang nanlumo ako dahil sa isang iglap nawala ang pinakamamahal kong ama. Nagulat ako ng may marinig na isang putok ng baril. Bumaba ako at nakita si mom na nakahandusay at napapalibutan na ng apoy dahil kumalat na ito sa loob ng bahay. Lumabas na ako ng mansyon para makahingi agad ng tulong sa bayan. Naramdaman kong umuulan. Patagal ng patagal ang paglalakad ko palakas ng palakas ang ulan hanggang sa bumigat ang pakiramdam ko dahil nakaramdam ako ng may kung anong tumama sa balikat ko at tuluyang nawalan ng malay.

End of flashback

"Heyyy!!! Natutulala ka." Napabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Keyizah.

"Tinatanong kita kanina pa, kung saan ang daan palabas o di kaya samahan mo akong hanapin ang mga kaibigan ko. Alam kong nag-aalala na sila sa akin." Sabi nito.

"Ahh... pasensya na, may naalala lang ako." Di ko mapigilan ang lungkot na nararamdaman.

"Obvious na obvious eh. Halata naman sa itsura mo ang lungkot." Sabi ni Keyizah.

"Huwag mo ng pansinin Keyizah." Sabi ko.

Iz nalang Dome. Masyadong mahaba yung Keyizah." Sabi nito ng natatawa pa.

Di niya alam na ang nakakausap at nakikita niya ay isang multo.

"Uhmm.... Iz... puwedeng magtanong anong magiging reaksyon mo kung sakaling may makakausap ang multo?" Tanong ko.

"Wala naman sa akin eh. Isa pa, matagal na akong nakakakita at binabalewala ko nalang. Sabi nga nila, matakot ka sa buhay, huwag sa patay HAHAHAHA. Well, totoo naman yung kasabihan." Sagot nito.

Nakatitig lang ako sa kaniya at sinusuri ang kaniyang mukha. Mula sa mga mata niya hanggang sa labi niyang mapupula.

"Heyyy!!! Ayan ka nanaman Dominic. Tulala ka na naman at ngayon nakatulala ka sa akin. Maganda ba ako?" Nagulat ako sa kaniyang tanong at umiwas ng tingin.

"Hoyyy! Biro lang naman eh... Sige na hanapin na natin ang mga kaibigan ko. Nag uumpisa ng magdilim."  Sabi nito at sinundan na siya.

Keziah's POV

Nauuna ako sa kanilang lahat dahil gusto ko nang matapos ang PAGHAHUNTING daw ng ghosts. Ewan ko ba sa kanilang mga trip. Parang mga baliw.

"Hey liz, diba may app ka sa cellphone mo na makakaditect ng ghosts? Tara gamitin natin." Pananabik na tanong ni Kelly kay Eliz.

"Yeah kels, wait hanapin ko dito... hmmmm...." Sagot ni Eliz.

Malapit ng magdilim at kailangan na naming mag hanap ng puwedeng paglatagan ng tent namin para di na mahirap maghanap mamaya.

Keyizah's POV

"Uhmm.... Iz... puwedeng magtanong? Anong magiging reaksyon mo kung sakaling may makakausap ang multo?
Nabigla ako sa tanong ni Dome pero di ko ipinahalata ang pagkagulat ko.

"Wala naman sa akin eh. Isa pa, matagal na akong nakakakita at binabalewala ko nalang. Sabi nga nila, matakot ka sa buhay, huwag sa patay HAHAHAHA. Well, totoo naman yung kasabihan." Sagot ko.

Huwag niyang sabihin na multo siya. Hayssss.... sayang pa naman. Hala ka, Keyizah kung ano-ano ang naiisip mo.

Tinignan ko si Dominic at nabigla ako dahil titig na titig siya sa akin.

"Heyyy!!! Ayan ka nanaman Dominic. Tulala ka na naman at ngayon nakatulala ka sa akin. Maganda ba ako?" Tanong ko sa kaniya at nag-iwas siya ng tingin.

HAHAHAHAHAHA nakakatawa yung mukha niya.

Tinignan ko ang paligid at malapit lapit ng magdilim. Kailangan ko na silang mahanap.

"Hoyyy! Biro lang naman eh... Sige na hanapin na natin ang mga kaibigan ko. Nag uumpisa ng magdilim."  Sabi ko at sumunod naman siya.

"Uhmmm... Keyizah may aaminin ako sa'yo." Sabi ni Dome at napapaisip ako. Ano kaya ang aaminin niya? Na gusto nya ako? No... No Keyizah huwag ka assuming.

"Ano yun Dome?" Tanong ko.

"Uhmmmmm....isa akong...." Hindi napatuloy ni Dominic ang kaniya sasabihin dahil sa isang sigaw ang pumukaw ng atensyon namin.

"WWWAAAAAAAHHHHHHHHHH!" Sigaw ng kung sino. Wait. Kilala ko yung boses na yun. Si.... si.... si KELLY ayun si Kelly nga tama.

"Dome kaibigan ko yung sumigaw kanina. Malapit nalang tayo. Halika na." Sabi ko at nilingon siya. Ngunit di ko na mahagilap si Dominic.

Aysshhh ka badtrip naman nung lalaking yun, iniwan ako. Hmmmppp... hahanapin ko nalang sila. Alam kong malapit na ako sa kanila.

Cindy's POV

Kanina pa ako nakikiramdam sa paligid. Alam kong may third eye ako. Actually, kaming lahat. Ewan ko sa kanila. Alam naman nilang may makikita at makikita kaming multo eh, ito pa talaga ang gusto nilang gawin. Napairap nalang ako sa kawalan.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now