CHAPTER 9: TRUE FEELINGS

17 1 0
                                    

Keyizah's POV

As we walking back to our tent. Cindy broke the silence.

"I saw the two of you earlier. May hindi ba kayo pagkakaunawaan? Nakita kong sinisigawan mo siya." Cindy said.

"A-ahmm.. w-wala. Nabigla kasi ako sa ginawa niya." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"At ano naman yun?" Tanong nito.

"Ni-niyakap na naman niya ako kanina." Nakaramdam ako ng pamumula.

"Yun lang 'yon? Bakit mo naman siya sinigawan?" Tanong niya ulit.

"K-KASI AYOKONG MASANAY NA GINAGAWA NIYA 'YON PALAGI SA AKIN. AYOKONG MASANAY SA IPINAPAKITA NIYA. DAHIL NATATAKOT AKO. NATATAKOT AKO NA KAPAG MINAHAL NA NAMIN ANG ISA'T ISA, IIWANAN NIYA AKO!" Di ko mapigilang sumigaw.

Naiyak nalang ako ng di ko namamalayan. Ang sakit kasi isipin na iiwanan niya rin ako balang araw.

"Tahan na Iz. Tahan na. Di rin naman natin ginusto na iyon ang mangyari sa kaniya. Magtiwala tayo sa itaas. Hmm." Sabi ni Cindy at hinimas himas ang likod ko.

"A-anong nangyari sa'yo Keyizah? Sh*t! Sinong nanakit sa'yo ha?!" Sabi ni Miller. Di ko namalayang nakita pala niya kami.

"W-wala to. Sumakit kasi ang puson ko. T-tara na bumalik na tayo." Sabi ko. Pinunasan ko ang luha ko at nauna na ring maglakad.

Nang makarating na kami ay nakita ko silang lahat na hinahanap ako.

"GHAD KEYIZAH! SAAN KA NA NAMAN NAGPUNTA? HA?! HINDI NA KAMI MAPAKALI KAKAHANAP SA'YO. MAGSABI KA MAN LANG KUNG SAAN KA PUPUNTA. HINDI YUNG PAGGISING NAMIN WALA KA!" Sermon ni Keziah.

"Pwede ba Kez, pagpahingahin mo muna ako. Sumama ang pakiramdam ko." Malumanay kong sabi.

Hinayaan nalang niya akong pumunta sa tent namin upang magpahinga.

Humiga ako ng patagilid. Nasa dulo ako nakahiga. Umiiyak na naman ako. Umiiyak sa sakit.

Nakaramdam ako ng may pumasok. Pinunasan ko ang luha ko.

"Iz?" Si Cindy pala.

Nilingon ko siya. "A-ano yun cind?"

"Okay ka lang? You can talk to me." Sabi niya.

"Honestly. No." Sabi ko at umupo. Lumapit siya sa pwesto ko at umupo rin.

"I know. But. Please, speak it out. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan. But, if you refuse. Then, I'll respect your decision." She said.

"I know na sa lahat ng kaibigan natin. Ikaw ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko. Sa'yo ako may tiwala cind. Hindi sa wala akong tiwala sa kanila, but I feel more comfortable kung sa'yo ko sinasabi." I said.

Napangiti siya sa sinabi ko.

"Okay. So... ano ang nangyayari sa'yo? Yes. I know na tungkol kay Dominic. But, what I mean is, nagkakagusto ka na ba talaga sa kaniya? I don't think na ganyan ang reaksyon mo kung di mo siya gusto." She said.

Napaisip ako. Gusto ko na ba talaga siya?

"O-oo. Gusto ko na siya." Wala sa sarili kong sabi. Nagulat ako sa sinabi ko, kaya tumalikod ako sa kaniya.

"Now I know, kung bakit ka nagkakaganyan." She said and tiningnan ko siya. Nakangiti siya sa akin.

"A-ayaw ko ng ngiti mo cind." Sabi ko.

"HAHAHAHAHA! Yieeee... lumalove life na yung kaibigan ko..." Asar niya sa akin.

"Shhh... wag kang maingay." Sabi ko ng mahina ang boses.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now