CHAPTER 7: NEW FRIENDS

20 1 0
                                    

Dominic Ryle's POV

Di ko maiwasang masaktan sa naging reaksyon ni Keyizah. Aaminin kong kahit isang beses ko lang siyang nakita at nakasama, iba ang epekto niya sa akin, na di ko man lang naramdaman noon.

Habang pabalik na ako sa mansyon. Di ko maiwasang isipin ang sagutan namin ni Keyizah.

It hurts so bad. Ang makitang nasasaktan rin siya. Nahalata ko sa kaniyang mukha ang sakit. Kahit na di niya sabihin. Alam kong nasasaktan siya.

Alam ko sa sarili kong nahuhulog na ang loob ko sa kaniya unti-unti. Kailangan kong pigilan to. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa katawan ko. Dahil ng dalhin ako sa ospital, narinig kong wala na sina mom and dad. At ako. Nakacomatose. Sina tita and tito ang umasikaso sa akin sa ospital. Oo, andon ako. Andon ang kaluluwa ko na nakikinig sa usapan ng doctor at kamag-anak namin.
Hindi pa ako nakakabalik after a month doon sa ospital. Mas gusto kong dito nalang ako sa bahay at hintayin nalang kung kailan ako kukunin. Pero nang magkasalubong ang aming landas ni Keyizah. Mas gusto ko nang bumalik sa katawan ko pero di ko alam kung papaano. Dahil kung susubukan ko, hindi naman gumagana.

Keyizah's POV

Nagising ako ng makarinig ako ng tawanan sa labas. Inayos ko muna ang sarili ko at tsaka lumabas.

"Good morning Iz!" Saad ni Kelly ng may buong galak. Parang wala lang nangyari kagabi. Tsk.

"Good morning." Saad ko at ngumiti sa kanila habang kinukusot ang isang mata ko.

Nangunot ang aking noo ng may nakita akong mga kalalakihan at napatingin ako sa kanang bahagi ng may nakita akong tent. Siguro sa kanilang iyon.

Nakita siguro ako ni Keziah na nagtataka.

"Twinnie. Sila pala sina Gabriel, Justine, Ronnie, Miller at Jaspher. Nandito na sila kagabi. Gigisingin ka sana namin kaso ang himbing ng tulog mo. Gentleman, this is Keyizah my twin." Saad ng kambal ko at ngumiti na lamang ako sa kanila.

"Hi Keyizah. I'm Miller Martinez." Paglalahad niya ng kamay.

"I'm Gabriel Santiago." Saad nito at inilahad rin ang kamay.

"I'm Justine Soriano." Pagkatapos ay inilahad rin ang kamay.

"I'm Ronnie Rodriguez." Naglahad rin ng kamay.

"And I'm Jaspher Domingo." At naglahad rin ng kamay.

"Nice meeting you all." I said and give them a smile.

"Ano pala ang ginagawa niyo dito?" Tanong ko at si Eliz ang sumagot.

"Naghahunting rin sila kagaya natin." She said and parang naeexcite.

"Really?" I asked.

"Yes Keyizah." Si Miller ang sumagot na may ngiti sa mga labi.

"Kumain kana dito. Kanina pa kami tapos at ikaw nalang ang hindi nakakain." Saad ni Cindy at umupo sa tabi niya.

Pagkatapos kumain ay napagpasyahan naming magkuwentuhan muna. Tutal maaga pa naman. Balak nilang pumunta sa abandonadong mansyon dahil nakuwento ito ng mga kaibigan ko sa kanila.

Naalala ko bigla ang pinag-usapan namin ni Dominic. Haysss... I'm not ready to face him right now. Hindi ko alam ang sasabihin ko. For sure, nandoon siya.

"Hey. Keyizah ang tahimik mo naman." Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Miller.

"Ahh.. wala.. may naalala lang ako." Saad ko at ngumiti.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now