Eliz's POV
Hindi ko maiwasang di mag-alala sa nangyari kanina. Lalo na't nang makita namin si Kelly na namumutla at parang may nakitang kung anong bagay na nagpapatakot sa kaniya. Sabi niya matutulog nalang siya para bukas magaling na siya. Hinayaan nalang namin at iniligpit ang pinagkainan namin.
"Ang weird kanina ni Kelly. Parang may nakita siya at nagdulot sa kaniya ng ganoong reaksyon. Nahalata niyo rin ba?" Tanong ni Keziah. Sabi na nga ba at ganoon din ang iniisip niya.
"Kez, hayaan mo na si Kelly. Sabi niya diba "lil' sick" siya." Sagot ng kaniyang kambal.
Si Cindy naman ay tahimik na naglilinis. Di ko alam kung anong iniisip at di man lang nakikisabay sa amin. Minsan magsasalita lang kapag kailangan... tsk.. ano ba yang mga kaibigan ko...
Pagkatapos maglinis ng pinagkainan ay pumunta na kami sa kaniya-kaniyang pwesto. Dalawang kama ang mayroon ang kuwarto namin. Sa isang kama magkasama ang kambal at sa isa naman, kaming tatlo.
"Good night girlsss... "I'm excited na for tomorrow." Saad ko at napapailing nalang si Keyizah.
"Good night! Matulog na tayo para bukas di tayo mapuyat." Saad ni Cindy at napalingon ako sa kaniya. Isa pa, ang weird niya pati ni Kelly ngayon. Ano bang nangyayari sa kanila. Hayyysss... bahala nga sila. Matutulog na ako, ayokong mahagard yung face ko bukas at di ako makapagpicture.
Next day~
"GOOOODDDDD MMOOORRRNNIIINNGGG!!! HEYYY WAKKKEEYYY UUUPPP NA GIRLS! Sigaw ni Kelly nang may pagkamasaya.
Wow ha! Siya talaga ang nauna sa lahat magising. Kagabi parang di siya makaimik tapos ngayon para lang walang nangyari sa kaniya.
"Heyyy Kels! Ang ingay mo. Ang aga-aga sigaw mo ang bungad sa amin." Sagot ko ng may pagkairita.
"Get up na guyss... We'll come back there. Don't tell me di na tayo babalik doon? Sayang naman. Di pa nga tayo nakapaghunting ng todo." Saad ni Kelly ng malungkot ang mukha.
"Hay nako Kelly. Huwag ka ngang mag-inarte dyan babalik tayo doon. Okayy?!." Saad ni Keyizah at napairap nalang ito.
Matapos naming mag-ayos at mag-almusal, tinawag na namin ang driver namin para magpahatid pabalik sa gubat.
Mahigit isang oras, ay nakabalik na kami sa kagubatan.
"Oh girls, ang plano ha. Doon tayo sa abandonadong mansyon maglaro ng nakakatakot." Saad ni Kelly ng nakangisi at halatang nananabik.
"Aysshhh! Kelly seriously?! Itutuloy mo talaga yung plano mo na maglaro. Pagtayo mapahawak, di na talaga tayo papayagan dahil sa pinaggagawa mo." Panenermon ni Keyizah sa kaniya.
"You know what girls?! Ang OA niyo. Di naman natin sila babalabugin ng ikakapahamak natin. It's just like, we play a game to attract them, so we can communicate to them and talk to them. Ughhh! Wag kayong OA. If you will behave, then they will not gonna hurt us. Right?" Saad ni Kelly. Hay nako. Di talaga magpapatalo ang babaitang to. Gusto niya talaga ng ikakapahamak niya. At kung di kami papayag. Pipilitin niya pa rin kaming gawin iyon. Sabi niya para mas exciting. Tsk. Napapailing nalang ako sa kagustuhan niya.
"So... we'll get going. So that we can still walk around the forest. As you can see may daan naman oh. At ito ang way para makarating doon sa abandonadong mansyon. Kaya mas madali ito kaysa sa dinaraanan natin last time. Dagdag pa nito.
YOU ARE READING
Ghost Hunt
HorrorUnedited* Ito ay ang kuwento ng isang multo at tao na nagka-ibigan ngunit sa kanilang sitwasyon, paano ito maso-solusyonan? Ano kaya ang kanilang maaring gawin upang ang isang multo ay makabalik sa kaniyang katawang tao? Si Keyizah at Keziah Mendez...