CHAPTER 8: AWKWARD

16 1 0
                                    

Keyizah's POV

Hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sa akin si Dominic. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Na para bang naririnig ko na ang tibok nito.

"Alam mo bang iba ang naramdaman ko nang umakbay yung lalaking yun sa'yo." Dominic said. Alam ko na ang tinutukoy niya ay si Miller.

"B-bakit naman?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Nang makita ko kayong bumalik dito kasama ang mga kaibigan mo, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Lalo na't nakita kong parang may hinahanap ka. At nang magkasalubong ang mga mata natin, di ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko. Itinago ko iyon at di pinalahata sa'yo. Hanggang sa inakbayan ka nung lalaking yun." Saad nito. Di ko napigilang mamula sa nalaman ko. Inilayo ko ang mukha ko para di niya makitang namumula ako.

"A-ahh g-ganoon ba?" Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil tinatawag na ako ng mga kasama ko.

"Uhm... Dome... Aalis na ako. Mukhang hinahanap na nila ako. Baka mag-alala sila." Saad ko at tiningnan siya nang diresto sa mga mata niya. Di mapagkakailang may maganda siyang mukha.

"Sige Iz. Mag-ingat ka. At sana... pumunta ka ulit dito." Saad nito at ngumiti sa akin. Naramdaman ko nalang na namula na naman ako. Ningitian ko rin siya.

Nang makabalik na ako. Nakita ang mga kasama ko na hinahanap ako.

"Saan ka ba nagpupupunta Keyizah. I am so worried na baka ano na naman ang nangyari sa'yo." Panenermon ng kambal ko sa akin.

"Dyan lang. May tiningnan lang ako." Saad ko.

"Halina kayo. Hayaan mo na Kez. Masyado kang nag-aalala dyan sa kambal mo. Malakas yan. Alam mo yan." Saad ni Eliz at nag-umpisa na kaming bumalik sa Tent namin. Ang mga lalaking kasama namin ay nauuna sa amin. Samantalang kami ay nasa likuran nila.

Nang makarating na kami sa aming tinutulugan, kinausap ako ni Cindy. Lumayo muna kami sa kanila para di nila marinig ang usapan namin.

"Nakita ko kayo ni Dominic na nag-uusap at nakayakap pa talaga siya sa'yo." Panimula ni Cindy.

"N-nakita mo pala yun. Huwag mong sabihin sa kanila." Saad ko.

"Why would I do that Iz? Alam kong ayaw mo ng gulo. Kaya rerespetuhin ko ang desisyon mo, para na rin sa ikakatahimik ng lahat. At kung malaman rin nila, wala kanang magagawa kung hindi aminin sa kanila." She said and I gave her a smile.

"Yes. I know... wala naman akong choice kung hindi aminin sa kanila. Kapag, malaman nila ito." I said.

"So... anong pinag-usapan niyo nung multo?" Tanong niya. Ayokong isipin na multo siya. Kaso, di rin naman mapipigilan.

"Oh. Bakit ganyan ang mukha mo?" Dagdag na tanong nito.
Di ko naiwasang malungkot dahil sa naiisip ko.

"Ahh.. w-wala... di ko mapigilang malungkot dahil sa sinabi mong multo. Oo. Alam kong multo siya. Pero, pwede bang pangalan niya nalang ang tawagin mo. Mas lalo akong nawawalan ng pag-asa at mas lalo akong natatakot na mahulog sa kaniya. Kung iisipin ko na multo siya." Saad ko at tumingin sa malayo.

"Ohh.. okay.. fine.. I'm sorry. I didn't mean it." Paghingi niya ng tawad.

"So ano ang pinag-usapan niyo?" Tanong niya ulit.

Kinuwento ko sa kaniya ang pag-uusap namin ni Dominic.

"Really! My ghad Keyizah. Anong sabi niya? Masaya siya nung nakita ka niya?" Sigaw ni Cindy na parang di makapaniwala.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now