CHAPTER 13: NEED A SPACE

12 1 0
                                    

Keyizah's POV

Nang makarating ng hotel na tinulugan namin nagcheck in muna ako bago pumunta sa room ko.

Pagpasok ay ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama.

"Haysss.... paano na ito. Umamin si Keziah na gusto niya si Dominic. Paano 'to. Aaminin ko ba kay Dominic o hindi? Nakakabaliw. Ugh!" Saad ko sa sarili at napasabunot nalang.

Nagpabili ako ng maluluto sa aming driver. Ilang oras lumipas ay dumating na ang pinabili ko. Marunong akong magluto pero sina Eliz ang nagluluto nung nandoon pa ako.

Bago magluto, naligo muna ako. Mahigit isang oras rin akong nagbabad sa ilalim ng shower. Di ko namalayan.

Pagkatapos maligo at magbihis at nagluto ako ng kanin at ang niluto kong ulam ay adobo na baboy.

Pagkatapo kumain ay niligpit ko na at nahiga na sa kama at nanood ng tv.

Ilang oras ang lumipas gabi na at nakaramdam ako ng puyat kaya natulog na ako.

Pagkagising ko, umaga na at napapikit ako ng tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata.

Ano na kayang nangyayari doon. Ilang sandali ay nakatanggap ako ng tawag. Si Cindy. Meron pala doong signal.

: Hello Cindy. Ano yun?

Pupunta ka dito? Narinig ko kasi sa kanila na pupunta ulit sila sa abandonadong mansyon:

:Ah ganoon ba. Pupunta sana ako eh. Kaso ayoko pa silang makita. Masama pa yung loob ko. Kailangan ko muna ng space. Sana maintindihan mo.

Haysss... naiintindihan kita. Alam kong ayaw mo ng gulo kaya hinayaan kita. Pero Iz... si Dominic. Alam niyang umalis ka. Nakita ka niyang umalis:

:Ha-hayaan mo nalang siya. At kapag magtanong siya kung kailan ako babalik sabihin mo nalang na malapit na.

Okay Iz. I understand. Take care. Ite-text mo ko kapag maayos kana:

:Sige Cind. Mukhang di ako makakapunta diyan. Ayoko pang makita sila.

It's okay Iz. Naiintindihan kita. Sana malapit na yung panahong magiging okay na. Sana hindi na magtagal:

:Kaya nga eh. O sige na at baka mahalata ka pa nila. Take care. Magcall o text ka rin kung anong nangyayari. Bye!

Okay Iz. No problem. Bye. Take care!:

Pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag. Pumunta ako sa balcony ng room ko at nagpahangin.

Mayroong kumatok sa pinto. Tinanong ko kung sino. Hotel staff pala.

"Good Morning ma'am. I want to know if you are willing to order your breakfast." Sabi ng babae.

"Oh yes. Sure. I want to order your breakfast menu." I said.

"Are you sure ma'am? We have a plenty breakfast menu." Sabi ng babae.

Ipinakita niya sa akin ang menu chart. Itinuro ko ang gusto kong kainin.

"Alright ma'am everything is settled. Please wait an hour ma'am." Nakangiting sabi nito.

"Yes, sure. Thank you" sabi ko.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now