Keyizah's POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakita ko pa ring tulog si Cindy. Pumunta ako ng cr upang maghilamos ng mukha.
Habang nagce-cellphone ako sa kama ay nagising naman si Cindy.
"Good morning, Iz."
"Good morning, Cind."
"Baba na tayo para makapag-almusal na. Hinintay lang kitang gumising."
"Sige, sandali lang. Maghilalamos lang ako."
"Good morning mom and dad."
"Good morning mga iha. Oh siya, umupo na kayo para makapag-almusal na."
Umupo na kaming dalawa ni Cindy sa hapag-kainan. Habang kumakain, may narinig kaming ingay sa sala.
"Mom, dad?! We're home!" Narinig kong sigaw ni Keziah.
Lumabas kaming lahat sa sala at pati yung limang lalaki na kasama namin sa camp ay andito. Pati na rin si Gino.
"Anak. Andito na kayo. What happened? Bigla ata kayong umuwi. Nagtataka rin kami kung bakit naunang umuwi kahapon sina Keyizah." Saad ni dad.
"Dad, nagkaproblema lang kasi. Kaya nauna na sila dito."
"Good morning po tita, tito." Pagbati ni Miller.
"Good morning, iho. Parang pamilyar ka sa'kin?" Tanong ni dad.
"Anak po ako nina Mr. And Mrs. Martinez." Saad ni Miller.
"Yes, I remember. Parents mo ay isa sa kasosyo namin sa business." Saad ni dad.
"Yes po."
"So, magkakasama pala kayo ng mga anak ko sa kanilang vacation?"
"Ahh opo. Nakasabay po namin sila."
"Mamaya na yang usapan. Kumain muna tayo." Saad ni mom at naunang pumunta sa dinning area.
Walang nag-uusap sa amin. At nang tumingin ako sa katapat ko ay nakita ko siyang nakatitig sa'kin. Pinandilatan ko siya ng mata at nag-iwas siya ng tingin.
"Gino iho. Pwede ba tayong mag-usap mamaya?" Biglang tanong ni dad.
"Sige po, tito."
Nang matapos ng kumain. Naunang lumabas sina dad at Gino. Napatingin ako kay Keziah na nakatingin rin sa'kin. I saw her rolling her eyes at me. Tsk.
Nang mapadaan ako sa sala, narinig kong nag-uusap sila sa labas. Nagtago ako sa gilid para di nila makitang nakikinig ako.
"Nalaman ko ang ginawa mo sa anak kong si Keyizah." Rinig kong saad ni dad.
"I'm sorry po, tito. Hindi ko sinadya yung nagawa ko kay Keyizah. Mahal na Mahal ko po ang anak niyo. Nadala lang po ako ng emosyon. A-at yung nangyari noon, di ko rin po sinasadya. Lasing ho ako nun at di alam ang nangyari."
"Yung pagpunta-punta mo rito sa bahay noong di kayo ayos ni Keyizah? What happened again?"
"I was drunk and she saw me and a g-girl in the s-same bed." Sumilip ako at nakapalumbaba siya ng tingin kay dad.
YOU ARE READING
Ghost Hunt
HorrorUnedited* Ito ay ang kuwento ng isang multo at tao na nagka-ibigan ngunit sa kanilang sitwasyon, paano ito maso-solusyonan? Ano kaya ang kanilang maaring gawin upang ang isang multo ay makabalik sa kaniyang katawang tao? Si Keyizah at Keziah Mendez...