CHAPTER 11: FIGHT

14 1 0
                                    

Keyizah's POV

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Keziah. Kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog.

"Sagutin mo ako Keyizah. Siya ba?! Yung multong yun ba ang rason kung bakit todo tanggi ka kay Miller?!" Galit na sabi nito.

Hindi ko siya sinagot.  Hindi ito ang tamang oras para malaman nila. Magkakagulo lang. Lalo na't umamin sa akin si Miller. Hindi pa nila nakikita doon sa abandonadong mansyon si Dominic. Ayokong may mangyaring di maganda dahil lang sa akin.

Natulog nalang ako na walang ibinigay sa kaniyang sagot.

Kinaumagahan, sinilip ko ang mga kasamahan ko sa higaan. Wala sila. Nang walang nakita, sinilip ko rin ang labas. Wala rin sila. Pati sina Miller, wala rin. Nagtataka ako kung bakit di man lang nila ako ginising. Di sila pumapayag na mag-isa lang ako tapos heto ako, iniwan nila.

Keziah's POV

Di sinagot ni Keyizah ang tanong ko. Sinilip ko siya. Nakapikit na ang mata. Tulog na ata.

Pagkagising ko, nasa labas na silang lahat. Si Keyizah tulog pa rin.

Lumabas na ako ng tent namin at nakita ko silang kumakain na.

"Nandyan ka na pala Kez. Halika dito, kumain ka na. May tinira kaming pagkain para sa inyo ni Keyizah." Sabi ni Eliz.

Umupo na ako at kumain. Pagkatapos kumain ay tinanong ko sila.

"Punta ulit tayo sa abandonadong mansyon. Ano sa tingin niyo?" Tanong ko.

"Game kami dyan!" Sagot ni Miller na parang excited.

"Kayo?" Tanong sa mga kaibigan ko.

"Sure Kez." Sabi ni Kelly.

Si Cindy ay tahimik sa tabi ni Eliz. Parati siyang tahimik. Kahit ganon, di pa rin ako sanay sa katahimikan niya. Para bang may tinatago siya.

"Ikaw Cind?" Tanong ko.

"A-ahh.. Oo.. Game ako dyan." Sagog nito na parang pilit na ngiti ang ibinigay sakin.

Ang weird niya ngayon. Anong nangyari kaya sa kaniya?

"Tara na." Sabi ko.

"Hintayin muna natin si Keyizah. Natutulog pa yun." Sabi ni Cindy.

"Hayaan niyo nga siya dyan. Kaya na niya ang sarili niya diba?" Sabi ko.

"Di nalang ako sasama. Sasamahan ko nalang siya dito. Baka maghanap siya." Sabi ni Cindy. Ang weird talaga. Feeling ko meron siyang di sinasabi.

"May problema ba Cind? Ang weird mo? Mayroon ka bang sasabihin?" Tanong ko.

"Wala naman. Bakit?" Pabalik na tanong niya sa akin.

"Wala. Tsk. Let's go na." Sabi ko

"Magpapaiwan nalang ako dito. Sasamahan ko si Keyizah." Sabi ni Cindy.

"Tsk. Okay fine. Bahala ka kung yan ang desisyon mo." Sabi ko.

"Tara na. Baka makausap natin doon ang multo. Diba yan ang gusto niyo?" Tanong ko kina Miller.

"Oo naman. Halina kayo." Sabi nito. Umalis na kami at si Cindy nagpaiwan.

Keyizah's POV

Habang tinitingnan ang paligid, nagulat ako ng may sumulpot mula sa likuran ng tent.

"Wahhh!" Gulat na sigaw ko.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now