Keyizah's POV
Gabi na ng napagpasyahan naming umuwi. Napasarap ang kuwento namin ni Dominic.
Kami ni Cindy ang nahuhuling maglakad sa lahat.
"Iz. Happy ka ba?" Tanong ni Cindy.
"Happy? Saan?" Takang tanong ko.
"Yung sa inyo ni Dominic. Di ba nagka-aminan na kayo. I told you na same kayo ng feelings eh... HAHA!" She said.
"Yes... I'm very happy. And also, parang Ang weird ni Keziah. Di ko alam kung bakit. Ahh basta ang sa akin ay masaya kami ni Dominic." Sabi ko ng may ngiti sa labi.
"Yan pa nga pala. Impossibleng sa isang araw nung nalaman niya ay maayos na para sa kaniya. I know Keziah, she's the type of girl na ayaw magpatalo. I hope na totoo yang pinapakita niya. Ako na ang bahala sa kanila. Basta, maging masaya lang kayo ni Dominic, okay? Promise me that. I'll surely be happy to the both of you." Sabi ni Cindy.
Napangiti ako sa kaniyang mga sinabi. She's really the best. Siya ang nasasabihan ko ng lahat ng sekreto ko and I'm thankful to her that she doesn't spread my secrets to anyone. Kaya siya ang binibigyan ko ng tiwala sa lahat.
Nang makarating na kami sa tent ay kumain na kami at pagkatapos ay nagkaniya-kaniya na ang lahat na mag-ayos para makatulog.
Kinabukasan, pagkagising ko ay tulog pa ang lahat. Napagpasyahan kong lumabas na at maghanda ng umagahan. Marunong naman akong magluto pero si Eliz ang nagluluto sa amin kapag nagkakasama-sama kami.
Habang hinahanda ko na ang umagahan, tamang-tama na lumabas sila.
"Ohhhh!!! Good morning Iz...." Bati ni Gino. Ngiti lamang sinagot ko.
"Good morning sa inyo." Sabi ko sa lahat.
"Halina kayo. Tamang-tama lang ang paglabas niyo. Habang mainit pa ang pagkain, kumain na tayo." Dagdag ko.
"Anong nangyari sis at mukhang napaaga ang gising at ikaw pa nagluto." Sabi ni Keziah.
"Wala naman... at saka this past few weeks eh maraming nangyari, gusto ko lang naman na makapagsimula tayo ulit. Nang walang away." Sabi ko at ngumiti sa kanila.
Kaniya-kaniya na silang nagsi-upuan at katabi ko si Cindy... nasa harap namin ang lahat ng lalake...
Pagkatapos kumain ay ang mga lalake na ang nagligpit ng pinagkainan.
Makalipas ng ilang oras, napagdesisyunan naming maglibot-libot sa gubat. Meron pang area na di namin napuntahan. Sama-sama naman kami kaya walang problema.
Habang naglalakad ay napansin kong kulang kami.
"Guys? Parang kulang tayo?" Palinga-linga ko sa mga kasama ko.
"Nga pala, pinapasabi sa inyo nina Keziah at ni Gino na susunod nalang sila sa atin. Ewan ko ba at parang papunta sa mansyon yung dalawa." Saad ni Gabriel.
Ano naman ang gagawin nila sa mansyon?
Gino's POV
Papunta kami ngayon ni Keziah sa mansyon kung saan si Dominic.
"Keziah, ano bang gagawin natin doon? At saka, baka mahalata nina Keyizah." Saad ko.
"Wag ka nga maingay. You know what, we are here para gumawa ng paraan para bumalik sa'yo ang kapatid ko o hahayaan mo nalang na maagaw pa sya ng iba kahit MULTO pa."
"I'm not gonna let it happen. Gagawin ko ang lahat para bumalik si Keyizah sa'kin."
"Yan naman pala eh. Kaya sumunod ka nalang at wag ka na dyan magdadada."
Keziah's POV
Hindi maganda ang kutob ko sa dalawa kaya sinundan namin sila sa mansyon.
Habang papunta kami, biglang nagsalita si Miller.
"Iz, sa totoo lang parang may kakaiba sa ikinikilos ni Keziah. Alam kong ilang linggo pa lang tayong nagkakilala but, kilala ko na kung paano kumilos si Keziah at sa ngayon ay parang may iba sa kaniya." Saad nito na nakapahinto sa'kin.
"I agree with Miller. I smell something fishy about Keziah's action. But, I chose to keep quiet 'coz I've no evidence." Saad ni Kelly.
Hindi pa rin ako lumilingon sa kanila dahil kami nina Cindy ang nasa unahan, pinoproseso ko ang mga hinaing nila tungkol Kay Keziah.
May pinaplano ba si Keziah at Gino? Dahil sila ang nakikita kong iba ang ikinikilos lately.
Nabalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni Cindy.
"Iz, are you okay? Anong iniisip mo?" Tanong nito.
"W-wala, may naalala lang ako." Pagdadahilan ko.
Di na nya ako kinulit at pinagpatuloy na namin ang paglalakad papuntang mansyon.
Nakarating na kami at nakita kong may sinabi si Gino kay Keziah na di nito sinang-ayunan.
"Gino, Keziah. What are you doing here? Akala ko kung ano na nangyari sa inyo, kung hindi lang ni Gab sinabi sa'kin na nagpaalam kayo." Saad ko sa tono na parang nababadtrip.
"Eh, sis I'm sorry di na kami nakapagpaalam sa'yo at isa pa nagpasama lang ako Kay Gino dahil may titignan lang ako dito." Saad ni Keziah.
"At bakit sa kaniya ka lang nagpasama? Pwede mo naman kaming sabihan para samahan ka rito. At isa pa, diba plano nating maglibot-libot? Ano to? May sarili kang lakad na di namin alam?"
"Nagdududa ka pa rin ba sa'kin, Keyizah? I know that I made a trouble between us. But it doesn't mean, I'm not sincere about my apology or acceptance to you and Dominic's relationship." Saad nito na parang napikon sa sinabi ko.
Nagwalk-out sya at naramdaman Kong sinundan nito ni Miller. Ako naman ay nanatiling nakatayo at di namalayang dalawa nalang kami ni Cindy.
"Iz, parang masyado na yung nasabi mo kanina sa kaniya?"
"I know that you know, Cind. Alam nating iba ang ikinikilos nang dalawa. Di ko lang napigilang mag-react ng gano'n kanina. I'm just being paranoid."
Naramdaman kong napabuntong hininga nalang si Cindy at saka totoo naman, na sya mismo rin ay nakakahalata sa ikinikilos ng dalawa.
Makalipas ng ilang minuto di ko namalayang nasa harap na namin si Dominic.
"Keyizah, Cindy. What are you doing here? Akala ko di kayo pupunta dito dahil narinig ko kayong nag uusap kanina. At saka pumunta pala ako kanina sa camp site nyo, di lang ako nagpakita." Kamot ulong saad ni Dome.
"Ah wala naman. Sina Keziah kasi di sumama sa'min kanina. Tapos sabi nya kay Gabriel, may pupuntahan sila ni Gino at parang papunta dito. Kaya sinundan namin sila at nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan."
"I know you're still not comfortable with your sister, baby. Just relax okay? We don't know what is her intention."
"That's the point, Dome. We don't know her intention. I know my sister. I know if she'll do such thing that can break a person. Even a little detail of her, I know." Frustrated kong saad.
"Mismo ako, di rin alam kung ano ang pumapasok sa utak ng kambal ko. Alam kong may mali at nararamdaman ko yun. Pero, di ko siya masabihan dahil wala akong ibidensya na may mali sa ginagawa nya. Alam rin nating may gusto siya sa'yo, Dome. So, what's the reason for me to calm?" Dugtong ko.
Hinahagod ni Cindy Ang likod ko para pakalmahin ako. Di ko alam, pero ang hirap maging komportable sa ngayong sitwasyon. Naramdaman ko rin ang malamig na presensya ni Dome.
Napabuntong hininga ito.
"Baby, I know and we can't just make a move right now, baka ano pang mangyari dahil sa gusto natin silang patigilin kung sakali man na totoo ang hinala mo." Saad nito.
"Iz, Dominic is right. We can't make a move easily and besides we really don't know what's on their mind." Pagsuhestiyon ni Cindy.
YOU ARE READING
Ghost Hunt
HorrorUnedited* Ito ay ang kuwento ng isang multo at tao na nagka-ibigan ngunit sa kanilang sitwasyon, paano ito maso-solusyonan? Ano kaya ang kanilang maaring gawin upang ang isang multo ay makabalik sa kaniyang katawang tao? Si Keyizah at Keziah Mendez...