CHAPTER 15: KEYIZAH'S PAIN

18 1 0
                                    

Keyizah's POV

Pagkagising ko ay malapit ng magdilim. Pagtingin ko sa labas ay andiyan na sila. At mukhang masaya si Keziah. Kailangan ko na ba talagang magpaubaya? Kahit multo siya. Minahal ko na siya. Ang sakit isipin na ang lalaking mahal ko hindi mapapasaakin kahit saglit. Pinunasan ko ang luha ko ng binalingan nila ako. Nilapitan ako ni Gino at akmang pupunasan ang mukha ko pero lumayo ako sa kaniya.

"Lumayo ka sa akin. Hindi porket sinabi kong pinatawad na kita, eh magagawa mo na ang gusto mo. Wag kang gagawa ng kahit na ano na ikakagalit ko sa iyo, naiintindihan mo?" Sabi ko.

"Ahh... pasensiya  ka na. Sige na... umupo ka na doon at kumain. Nalipasan ka ng gutom." Sabi nito.

"Wala kang pakialam kahit na mamatay ako!" Sigaw ko sa kaniya.

"Sis! Wag kang ganyan sa kaniya. Nagmamalasakit lang siya sa'yo." Sabi ng kambal ko.

"Alam mo Keziah. Akala ko galit ka sa kaniya eh! Ano?! Nagpaliwanag siya sa inyo?! Tapos sa isang iglap okay na?! O may dahilan kung bakit napatawad mo ng ganoon kadali ang taong niloko ako!" Sigaw ko.

"Keyizah. Ano ba ang ikinakagalit mo?! Wala naman akong ginagawang masama sa'yo di ba?!" Tanong niya.

"Aba! Ako pa talaga ngayon ang binabaliktad mo?! Fine! Sa'yong sa'yo yang multong yan! Wala akong pakialam. Pero... tandaan mo ito. Wag na wag mo akong sisisihin kapag yang multong yan ay pumunta sa akin!" Saad ko at inalisan sila.

Naririnig ko pa si Keziah. Tsk. Lumaban ka ng patas Keziah. Ayoko sa lahat na dumadaya sa laban.

Madilim na at di ko napansing nakarating ako sa abandonadong mansyon. Ayoko pa siyang makita. Ayoko. Naiinis ako. Di pa ito ang oras na magpakita sa kaniya.

Tumalikod na ako at akmang aalis ng may yumakap na malamig mula sa likuran ko.

"Damn Keyizah... I thought, I will not see you ever again. Why did you leave? Why didn't you tell me? I'm so f*cking worried. I thought, di ka na babalik. Please Keyizah, say anything." Saad ni Dominic.

"B-bitawan mo ako Dominic." Sabi ko.

"Why??? I'm scared that you'll leave me again." He said at mukhang nalulungkot.

"Scared? Why?! Nakita ko ngang masaya kayo ng kambal ko eh. Tapos, sasabihin mo sa akin na you're scared. Of what?!" Sabi ko at pinilit na umalis sa kaniyang pagkakayakap at binalingan ko siya.

Kita ko sa kaniyang mukha ang lungkot.

"Ba't ganyan ang mukha mo? Ba't ka malungkot? Andiyan si Keziah di ba?! Kanina lang masaya ka sa kaniya! Tapos... tapos ngayong nagkita tayo malungkot ka!" Sigaw ko.

"F*ck Keyizah! 1 week! 1 week akong nangungulila sa'yo. I tried to give my attention to your sister! But, when I saw your twin everyday, I always remember you. Sh*t! Ni isang araw di ka nawala sa isip ko , KEYIZAHHH!!!" Sabi nito. Nagulat ako sa kaniyang sigaw.

"I-i'm sorry Iz. I didn't meant to shout at you. Please Keyizah. Don't leave. Please." Pagmamakaawa niya.

"Why Dominic? Bakit mo ako pinipigilan?! Wag mo akong bigyan ng mga bagay na iisipin kong........" Di ko natapos ang sasabihin ko ng may sumigaw.

"Keyizah!!! IZ!!! NASAAN KA?! MADILIM NA!" Si Cindy iyon.

"I'm sorry Dome. I have to go." Akmang aalis na ako. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Promise me Iz. Don't leave me." He said. Tumango nalang ako at ngumiti.

Hindi ko alam kung maipapangako ko ang sinabi niya. Kung aamin man siya. It was secured na hinding hindi ko siya iiwan. I want to be happy. Kahit saglit lang. And I wasn't sure kung kailan siya kukunin.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now