CHAPTER 18: PLAN

11 1 0
                                    

Keyizah's POV

Natakot ako sa mga nangyari. Biglaan. Kay Dominic na bigla-bigla nalang umamin. Pagkatapos, ang pag-aamin ko rin. Si Keziah, nung nalaman niya na gusto namin ni Dominic ang isa't isa. Hindi ko alam kung papaano ito maibalik sa dati. Ang pinagsamahan namin ng kambal ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari.....

"Baby? What's bothering you, hmm?" Nabigla ako kay Dominic ng magsalita siya. Nakatulala naman ako.

"Iniisip ko lang kung ano ang mangyayari bukas at sa mga susunod na araw. Alam kong gagawa ng paraan ang kambal ko upang magantihan ako." Sabi ko. Isinama niya ulit ako pabalik sa masyon. Di ko nga alam na bumalik kami dahil lutang yung isip ko.

"Haysss.... Ito ang tandaan mo. Andito ako. Kaya kong gawin ang lahat, multo kaya ako. Pwede kong makontrol ang mga bagay na gusto kong hawakan. Sa ganoong paraan ako makakaganti. Basta tandaan mo, mahal na mahal na mahal kita. Wag mo kong sukuan ha." Sabi nito.

"Hayss... ang ayaw ko lang ang maghiganti ka. Ayokong maghiganti sa mga mahal ko. Gagawa nalang ako ng paraan para di na lumala ang gulo at manahimik na ang lahat. At tsaka, mahal na mahal na mahal rin kita." Sabi ko at ngumiti.

Ningitian niya rin ang sagot ko. Naramdaman kong yumakap siya sa akin. Ang lamig....

"Sana. Buhay ka nalang. Gusto kong makasama ka pa ng matagal. Hindi yung ganito. Di ko man lang natin alam kung kailan ka kukunin. Di ko kakayanin." Sabi ko at naramdaman kong may tumulong butil ng luha.

"Babyy... shhh.... tahan na... ako naman eh... di ko rin kakayaning iwanan ka. Kahit ilang linggo pa lang kita nakilala, gusto ko ring makasama ka ng mas matagal..." Sabi niya.

Pinahid ko ang mga luha sa mata ko. Nilingon ko siya at kumalas rin siya sa pagkakayakap sakin mula sa likod.

"Sulitin natin ang mga araw habang nandito pa kayo." Sabi nito.

"Di kita iiwan Dome. Mahal kita. Susulitin ko rin ang mga oras at araw na kasama ka. Sana buhay ka pa talaga. Gusto mo hanapin natin ang katawan mo? Siguradong nadala yun sa ospital." Sabi ko.

"Ahh... ehhh... w-wag na..." Sabi nito na para bang nauutal.

"Ha? Bakit naman? Ayaw mo bang mabuhay ulit at makasama ako?" Sabi ko.

"That's not what I mean. What I mean, b-baka wala na yung katawan ko. It's almost 3 months but wala pa rin." Sagot nito.

Dominic Ryle's POV

Paano ko sa kaniya masasabi na comatose ako. Di ko alam kung papaano. Alam ko, sigurado akong gagawa ng paraan si Keyizah upang makabalik ako sa katawan ko. Sa ngayon, ayaw ko munang sabihin.

"Dome? Kanina ka pa ganyan? Ano ang iniisip mo? Tell me. Hindi ako mapakali kakaisip kapag di mo sinasabi." Sabi ni Keyizah. Napangiti ako sa inasta niya.

"Oh. Ngayon naman nakangiti ka? Ano ba? Tell me. What's in your mind?" Dagdag nito.

"Nothing baby. Wag mo nang alalahanin ang iniisip ko. Di naman mahalaga eh. Basta nandito ka lang sa tabi ko ayos na ako." Sabi ko at ngumiti sa kaniya ng pagkatamis-tamis.

"Hmmmpp... Sige na nga. Mukhang di mo naman sasabihin." Sabi nito at inalis ang tingin sa akin.

"Galit ka ba? Sorry na... Di naman talaga importante eh." Sabi ko.

"Di ako galit. Nagtatampo lang dahil parang wala kang tiwala sa akin kapag sinabi mo sa akin yung iniisip mo." Sabi nito.

"Hey. Wag kang mag-isip ng ganyan. May tiwala ako sa'yo simula noong una pa lamang." Sabi ko.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now