Keyizah's POV
Nang makababa na kami sa aming van, tinanaw ko ang naglalakihang mga puno at nakakatakot na daan papasok ng tagong kagubatan. Kahit umaga, nakakaramdam pa rin ako ng takot dahil sa di malamang dahilan.
"Hoy! Iz, tutunganga ka lang ba dyan? Tara na, ayun na sila oh. Tayo nalang ang nahuhuli." Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si keziah.
"Ah eh, tara na, kanina pa pala ako lumakad di niyo man lang ako tinawag." Saad ko at nagsimula nang maglakad papasok sa kagubatan.
"Eh kanina ka pa namin tinatawag, tulala ka. Kaya di mo marinig-rinig ang tawag namin. Tsk. Tara na nga." Saad ni Keziah at nag umpisa na kaming naglakad patungo sa aming mga kaibigan.
Makalipas ng ilang oras na paglalakad, may nakasalubong kami na isang matanda.
"Mga iha." Saad ng matanda.
"Ayyy! Lolo naman. Bakit kayo nanggugulat." Gulat na sigaw ni Kelly.
"Huwag na kayong tumuloy papasok ng gubat at baka anong mangyari sa inyo. Maraming kaluluwa ang gumagala dito sa gubat. Bumalik na kayo. May isang mansyon dito sa kaloob-looban ng gubat. Dito naninirahan ang isang pamilya na namatay at hindi nakaligtas mula sa nasunog nilang mansyon." Saad ng matanda. "Mauna na ako at may pupuntahan pa." Dagdag pa nito.
"Sige po lolo, mag ingat ho kayo. Kami na pong bahala sa mga sarili namin." Saad ni Eliz.
Lumakad na ang matanda papalayo sa amin at napagpasyahang tumuloy sa paglalakad papasok ng gubat.
"Tama nga siguro ang matandang nagsabi na huwag bumalik dito. Nakakatakot dito, bumalik na kaya tayo?" Saad ni Keziah.
"Kambal naman huwag ka nga dyang OA, sumunod ka nalang tsk." Saad ko.
Ilang oras ang lumipas nakita na namin ang abandonadong mansyon.
"TIGNAN NIYO, MAY ABANDONADONG MANSYON! AT PARANG ANG CREEPY, WAHH!! I CAN'T TAKE THIS ANYMORE. I think we need to go back." Saad ni Eliz.
"Hoy! Wag ka ngang sumigaw at baka may makarinig sa atin at pabalikin tayo sa bayan." Suway ni Cindy.
"Please, just shut up you're so annoying. Ugh! Keyizah let's just go back to the city, this place is so creepy." Maarteng saad ni Kelly.
"You know what?! Ang aarte nyo. Eh kayo nga may pasimuno nito, diba?!" Saad ko.
"Heto nalang. Mamaya nalang tayo dyan pumasok at maglakbay muna tayo. Masyado pa namang umaga para pumasok dyan. Walang ka thrill thrill." Saad ni Eliz.
"I agree with liz. At tsaka para mas exciting." Pananabik na saad ni Kelly.
Napapailing nalang ako dahil sa inaasta nila. Kanina lang, parang mamatay sila sa takot at gusto ng bumalik, ngayon excited nanaman. Haysss... parang may mga sayad sa ulo.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba.
"Girls, may nararamdaman ba kayong kakaiba?" Saad ko.
"Ano ba yan Iz. Huwag ka ngang nananakot." Saad ni Keziah.
"Sige, huwag niyo nalang pansinin ang sinabi ko." Saad ko at naunang maglakad sa kanila.
Habang naglalakad nagulat kami sa sigaw ni Cindy.
"Hoyy! Cindy ba't ka dyan sumisigaw 'pag tayo'y narinig malilintikan ka." Galit na saad ni Eliz.
"Huwag nga kayong sigaw ng sigaw. Nananahimik na nga ako dito, nakakatakot na nga ang paligid dadagdagan niyo pa." Suway ni Keziah at mukha ngang natatakot na.
Nanahimik na rin ang dalawa at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Makalipas ng ilang oras nakaramdam na kami ng gutom at napagpasyahang kumain sa ilalim ng puno. Naglatag kami ng isang malapad na tela upang may ma upuan kami.
"Nakakapagod maglakad. Sana di nalang pala natin 'to tinuloy. Hmmm... sarap." Saad ni Kelly habang sarap na sarap sa kinakain.
"Huwag ka nga dyang umangal. Eh, isa ka rin naman dito na nagplano na magHUNTING. Tsk." Saad ni Eliz sabay batok kay Kelly.
"Arayyy!!! liz naman eh. Masakit ba't ka nangbabatok." Angal ni Kelly habang hinihimas ang kaniyang batok.
"Huwag na kayo mag-away dyan. Andito na tayo. Isa pa napagkasunduan naman nating lahat ito." Saad ko.
Pagkatapos kumakain, iniligpit na namin ang kinain namin at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad may napansin ako sa di kalayuan, na nakatayo na parang tinitignan kami. Kung kaya't napagpasyahan kong lapitan ito. Nang makalapit di ko na makita ang taong tumatanaw sa amin. Inilibot ko ang paningin ko nakakatakot ito dahil pagabi na at dahil sa naglalakihan at nagtataasang mga puno lalo ako nakaramdam ng kilabot. Hindi ko na makita ang aking mga kaibigan at kambal dahil napahiwalay ako sa kanila. Marami. Marami akong naririnig pero di ko makita may tumatawa, umiiyak at kung anong pa, na nagdulot sa akin ng kilabot. Naiiyak na ako dahil kanina pa ako lakad ng lakad at sigaw ng sigaw pero hindi ako maka-kalap ng mga taong sumasagot sa mga sigaw ko.
"KEZIAAHHHH! ELIIZZZ! CINNDDYYY! KEELLLYYY! NASAAN KAAAYYYOOO! Sigaw habang umiiyak.
Natatakot na ako lalo na't malapit nang magdilim at ko pa sila nakikita.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng nakita ko nanaman ang taong nakita ko nang kasama ko pa ang mga kaibigan at kambal ko.
"HOOOYYYY!!! SANDALI LANGGG!" Sigaw ko sa taong nakita ko.
Pagkalapit ko sa kaniya, hingal na hingal ako sa kakatakbo para lang maabutan siya.
"Uhmmm.... p-pwede mo ba akong samahang hanapin ang mga k-kaibigan ko?" Hingal na saad ko.
"Oo sige. Magdidilim na't delikado pa dito."
Lumakad na kami, nang maisipan kong magtanong.
"Ano pala ginagawa mo dito? Bakit ka naandito? Sabi kasi kanina ng matandang nakakita sa amin maraming pagala gala ditong mga kaluluwa, lalo na sa abandonadong mansyon." Saad ko.
"Ayan ba. Wala lang. Gusto ko lang maglibot dito sa gubat. Dito kasi ako nakatira." Saad ng lalake.
"Ohhhhh kayyy??!" Saad ko na parang di naniniwala sa kaniya.
"Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ng lalake na ikinabigla ko.
Shockssss tinatanong niya ang pangalan ko...
"Miss? Okey ka lang ba talaga? Tulala ka naman. Sabi ko anong pangalan mo?" Saad ng lalake.
"Uhmmm.... a-ako si Keyizah Mendez." Saad ko at ngumiti sa kaniya.
"Ako naman si Dominic Ryle Buenaverde short for Dome." Saad ng lalake at ngumiti rin.
"Nice meeting you Dome." Saad ko habang nakangiti sa kaniya.
I admit to myself that this man beside me is so damn handsome and I don't believe that he live in this creepy forest.
YOU ARE READING
Ghost Hunt
HororUnedited* Ito ay ang kuwento ng isang multo at tao na nagka-ibigan ngunit sa kanilang sitwasyon, paano ito maso-solusyonan? Ano kaya ang kanilang maaring gawin upang ang isang multo ay makabalik sa kaniyang katawang tao? Si Keyizah at Keziah Mendez...