CHAPTER 12: MISUNDERSTANDING

12 1 0
                                    

Cindy's POV

Habang pabalik na kami, di ko maiwasang matawa sa naging reaksyon ni Keyizah sa ginawa ni Dominic.

"Huwag mo kong tawanan diyan. Kabadtrip ka. Tsk." Saad nito. Kita ko pa rin sa kaniya ang pamumula.

"Iz. Move on na. Kanina pa yun. HAHAHAHAHA! Pero hanggang ngayon namumula ka pa." Saad ko.

"Bwes*t na Dominic. Hmmmp. At ikaw. Tigil-tigilan mo ang pang-aasar sa akin. Malilintikan ka talaga." Pananakot niya.

"HAHAHAHA FINE! Alam ko naman kung kailan kita aasarin at kung kailan hindi." Saad ko.

Nang makarating na kami sa tinutulugan namin ay nakita silang lahat na nakaupo sa lamesa at nag-uusap. Nang makita nila kami tumigil ang kanilang pag-uusap.

"Andito na pala ang maganda kong kambal. Kamusta naman ang pag-uusap niyo ng MULTO." Saad ni Keziah. Ano na naman ang ikinagalit niya. Tsk.

"Wala kaming pinag-usapan. Di ko siya kinausap, OKAY?! So please, tigilan mo yang pag-iinarte mo. Wala akong alam kung bakit ka nagkakaganyan. Eh ang ayos-ayos natin nung nakaraan, tapos ngayon ganyan ka? Tell me Keziah. Ano ang ikinakagalit mo?!" Tanong ni Keyizah. Heto na naman po tayo. May awayan na namang magaganap. Tsk.

"Oh... you didn't know. Hmmm... well, wala akong sasabihin sa'yo. Isipin mo nalang ng mabuti kung ano ang ikinakagalit ko." Sabi ni Keziah. Parang hindi siya ito. Parang nagbago ang Keziah na kilala ko, namin.

"Huwag ka ngang paligoy-ligoy. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Keziah. Tigilan mo 'yang ugali mo, hindi na nakakatuwa. Kung tungkol ito sa pagtanggi ko kay Miller" tumingin siya kay Miller at bumalik kay Keziah "walang kang magagawa dahil desisyon ko ito, buhay ko ito. Kaya wala kang karapatang diktahan ako kung sino ang gugustuhin ko. Wala akong pakialam kung masaktan man siya o hindi, dahil ipinaliwanag ko naman na may iba akong gusto at tinatanggihan ko siya. Kung gusto mo siya, ba't hindi nalang ikaw ang sumagot sa kaniya. Para kahit papaano mabawasan yang ikinakagalit mo!" Saad ni Keyizah. Di na niya napigilang magalit. Nasa likuran niya ako.

Ilang sandali pa ay nabigla ako ng hilahin ni Keziah ang buhok ni Keyizah at ganon rin ang ginawa ng isa. Hindi namin alam ang gagawin.

Hinila ni Gabriel si Keziah at si Miller naman ay si Keyizah. Pumiglas si Keyizah kay Miller. Sinenyasan ko naman ito na bitawan kaya sinunod rin niya ito. Pero si Keziah ay hindi binitiwan ni Gabriel. Dahil alam kong susugurin na naman niya ang kaniyang kambal. Si Keyizah ay tahimik sa gilid ko.

"Alam mo kung bakit ako nagkakaganito? Ha?! DAHIL! DAHIL GUSTO KO SI DOMINIC! GUSTO KO SIYA! OO. MULTO SIYA. PERO WALA AKONG PAKIALAM. KAHIT NA MULTO SIYA. KAHIT ILANG SANDALI LANG NAMAN MAKASAMA KO ANG TAONG GUSTO KO! IKAW KEYIZAH! DI BA DI MO NAMAN SIYA GUSTO? O GUSTO MO SIYA PERO DI MO MAAMIN SA AMIN?!" Sigaw ni Keziah. Nakita kong may tumulong luha sa mga mata ni Keyizah. Sh*t! Nasasaktan siya sa pag-amin ng kambal niya. Alam ko yun. Alam ko at nararamdaman ko.

Di niya sinagot ang kambal niya at umalis nalang. Susundan sana siya ni Miller pero pinigilan ko siya.

"Ako na susunod sa kaniya. Huwag na kayong sumunod at baka mas lumala lang." Sabi ko. Tiningnan ko si Keziah.

"T-totoo ba? Totoo ba Keziah? G-gusto mo yung multong yun? Este si Dominic?" Tanong ko.

"Oo! At bakit? Pipigilan mo ba ako? I'm sorry, but you can't stop me." Nakangising sabi nito.

"Alam mo Keziah. I'm so dissappointed. Akala ko iintindihin mo ang kambal mo. Pero heto ang nangyari. Tsk. Ginamit mo pa talaga ang pag-amin ni Miller dahil sa gusto mo si Dominic. Alam mong sila ang unang nagkakilala dito sa gubat. Ba't parang pinipigilan mo sila?! Ganyan mo ba siya kagusto? Kelan pa Keziah? Kelan mo pa nagustuhan si Dominic? Nung una natin siyang nakita sa abandonadong mansyon?!" Sabi ko.

Ghost HuntWhere stories live. Discover now