Dominic Ryle's POV
***************
Nasa kwarto ako at gumagawa ng school works. I was busy on my own business when mom screamed. Lumabas ako ng kwarto at hindi mapakali si mommy.
Nasa gitna ng kagubatan ang mansyon namin. Pagkakita ko ay nasusunog na ang mansyon at sabi ni mom ay nasa kwarto pa rin si dad. Hindi pa siya lumalabas. Natutulog pa daw si dad sa kanilang kwarto. Pinuntahan ko si dad sa kwarto at pagbukas ko ng pinto, usok ang sumalubong sa'kin. At ganoon nalang ang panghihina ko nang wala ng hininga si dad.
Ilang saglit ay may putok ng baril akong narinig sa ibaba. Di ko na nabuhat si dad dahil masyadong mabigat na ito.
Bumaba ako para sana humingi ng tulong sa labasan ng napahinto ako sa sala dahil nakahandusay na si mom sa sahig at nababalot na nang dugo't apoy na kumalat na sa loob ng bahay.
Di na ako nakapag-isip ng maayos kaya lumabas ako ng mansyon papunta sa labasan para humingi ng tulong.
Di kalaunan ay nag-umpisa ng umulan. Hindi ko alintana ang palakas ng palakas na ulan dahil sa isip ko ay humingi ng tulong at nagbabasakaling matulugan pa ang aking mga magulang. Kahit na alam kong wala ng pag asa dahil si mommy ay natupok na ng apoy habang si daddy ay wala ng hininga pagpasok ko sa kwarto. Hanggang sa naramdaman kong naninikip ang aking dibdib at ang talukap ng mga mata ko nang may kung anong bagay na tumama sa aking likod.
Nakikita ko na ang labasan ng magdilim ang paningin ko.
Naramdaman kong maingay ang paligid ko kaya iminulat ko ang ang aking mga mata. Laking gulat ko ng nakita ko ang sarili kong nakahandusay at walang malay. Napalingon ako sa rescuers na may dala dalang katawasan sa isang malaking bag. Ito ang mga magulang ko. Narinig kong nag-uusap si Tito Donick at ang mga rescuers. Narinig kong wala na sina mom at dad. Kaya dali dali kong pinuntahan ang tiyuhin ko at nagsisigaw kahit na alam Kong di nila ako maririnig. Nadala na rin patungong ospital ang aking katawan.
Pagdating ng ospital, narinig kong sinabi ng doctor na di pa rin ako nagigising kaya kapag umabot ng pitongpu't dalawang oras at di pa rin ako nagigising idedeklara na nilang comatose ako. Pinuntahan ko ang aking katawan at sinusubukang bumalik sa aking katawan pero hindi gumagana. Hanggang sa ilang araw ko nang ginagawa, pabalik balik sa ospital at nagbabasakaling makabalik sa katawan ko.
Lumipas ng ilang buwan, hindi na ako pumupunta ng ospital. Nakakapanghina ng loob sa tuwing sinusubukan kong bumalik sa katawan ko pero hindi naman gumagana. Ba't kasi nangyari to sa amin. Mabuti naman kami at wala namang kaaway ang mga magulang ko pagdating sa kompanya.
Hanggang sa dumating sina Keyizah sa gubat. Hindi ko alam, pero noong una ko siyang makita nung naligaw siya. Iba ang naramdaman ko sa mga oras na yun. Nakita ko sa di kalayuan na huminto siya at parang papunta sa aking direksiyon kaya nilapitan ko siya at nagulat akong kinausap niya ako dahil sa pagkakaalam ko ay di nakikita ang mga multo, maliban na kung meron kang third eye.
Lumipas ang mga araw at pumunta sila ng mga kaibigan niya sa mansyon at naisipan kong takutin sila. Nakakatawa ang mga reaksyon nila.
Di kalaunan ay nagtapat kami ng aming nararamdaman sa bawat isa. Ang saya sa pakiramdam na yung taong pinakamamahal mo ay may gusto o mahal ka rin. Pero, di sa lahat ng oras ay masaya ang relasyon. Sinubok kami ng tadhana. We learned that Keziah has a feelings for me. And, I know that I can't love her as much as I love Keyizah. Pinakisamahan ko siya at merong panahon na di kami nagkaka-usap ni Keyizah dahil bigla bigla nalang susulpot si Keziah sa harapan ko.
Alam kong masakit para kay Keyizah ang nangyayari sa amin. Pero, mas inisip niya ang ikasasaya ng kambal niya kumpara sa kaniya. Nangungulila rin ako sa kaniya sa mga panahong di ko siya nakita. Lalo na't nagkagulo pala sila ng kambal niya dahil sa'kin. I felt guilty, though I didn't do anything.
YOU ARE READING
Ghost Hunt
HorrorUnedited* Ito ay ang kuwento ng isang multo at tao na nagka-ibigan ngunit sa kanilang sitwasyon, paano ito maso-solusyonan? Ano kaya ang kanilang maaring gawin upang ang isang multo ay makabalik sa kaniyang katawang tao? Si Keyizah at Keziah Mendez...