Keyizah's POV
Pagkagising ko ay ramdam ko ang bigat ng mga talukap ko dahil sa kakaiyak, pero wala akong pakialam.
Paglabas ko ng tent ay wala pang tao. Ang mga kasama ko ay tulog pa rin.
Naglakad-lakad muna ako sa paligid upang makalanghap ng hangin. Ilang araw rin akong umiiyak. Nakakapagod na.
Napapaisip ako. Worth it bang umamin ako sa kaniya? Even though my sister have feelings for him? Alam ko sa sarili ko na ayaw kong masira ang relasyon namin ng kambal ko. Sa lahat pa ng taong magustuhan niya, yung taong gusto ko rin. Haysss..... Ilang beses na ba ako nagparaya? Para lang sa ikaliligaya niya. Ang sakit na sobra.
Nang nakabalik na ako, nakita ko na silang lahat na naghahanda ng pagkain.
"Andyan ka na pala, love. Upo ka na. Kakain na." Sabi ni Gino. Umirap nalang ako dahil sa tawag niya sa akin. Tsk.
Umupo nalang ako sa tabi ni Cindy. Di ko sila pinapansin. Wala akong gana para makipag-usap sa kanila.
Nang matapos ng kumain. Nag-ayos na sila ng kanilang mga sarili. Nauna akong nag-ayos para di na ako maghintay.
Pagkatapos nilang gumayak ay nagplano na naman silang pumunta doon sa abandonadong mansyon. Tsk. Di na paghuhunting ang pinunta namin dito. Umirap nalang ako. Tsk.
Pagdating sa abandonadong mansyon ay nasa hulihan pa rin kami nina Cindy. Wala akong balak na makipag-usap. Sumama lang ako dahil wala akong kasama doon. Baka sabihan pa nila akong KJ.
"DOMINIC!" Sigaw ni Keziah ng makapasok na kami sa loob.
Nakita kong sumulpot si Dominic mula sa kitchen.
"Nandyan ka pala." Saad ni Keziah. Di siya nito sinagot.
Isang oras ang lumipas ay wala man lang kaming ginawa. Tsk... Si Dominic lang naman ang sadya ni Keziah. Edi heto kami, naghihintay sa kaniya.
Habang nasa labas kami, inawan muna ako ni Cindy kasama si Gino. Pupuntahan muna daw niya sina Kelly.
"Ahmmm... Love... are you okay?" Tanong nito.
"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo Gino, na wag na wag mo na akong tawagin ng ganyan. Naaalala ko lang ang ginawa mong panloloko." Sabi ko. "At wala ka nang pakialam kung okay ako o hindi."
"Please Keyizah. Give me another chance. Okay, I'm sorry that I call you 'love', but I can't help it. I'm sorry... pinupuntahan kita sa subdivision niyo pero di ako pinapapasok ng guard dahil utos mo daw. How can I explain my side, if you are not willing to heard it." Sabi nito.
"Your side? When I saw you and your girl on your bed. It's enough reason to broke up with you. What is the enough reason do you think that I'll accept? Do you think, babalik pa ako sa'yo? Hindi na Gino. Tama na ang panloloko mo. Ayoko na. Pagod na akong masaktan. Pinipilit kong maging matibay, maging matapang at wag sumuko. Pero minsan di ko mapigilang manghina dahil sa dinarama ko. Please stop that Gino. I don't care if you make a move. Na explain ko na sa'yo ang lahat." Sabi ko.
Umalis ako doon. Nakarinig ako ng tawanan sa likuran ng mansyon. Sinundan ko iyon. Sina Keziah at Dominic. Ang saya nila. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Aalis na sana ako ng may narinig ako.
"Ikaw talaga... pinapakilig mo ako...." pakipot na saad ng kambal ko.
"Bakit? Kinilig ka naman?" Tanong ni Dominic.
"HAHAHAHHA! Syempre naman!" Tawa ni Keziah.
Di ko na pinakinggan dahil umalis na ako. Nakasalubong ko si Cindy.
YOU ARE READING
Ghost Hunt
HorrorUnedited* Ito ay ang kuwento ng isang multo at tao na nagka-ibigan ngunit sa kanilang sitwasyon, paano ito maso-solusyonan? Ano kaya ang kanilang maaring gawin upang ang isang multo ay makabalik sa kaniyang katawang tao? Si Keyizah at Keziah Mendez...