Nagluto si Anica kahit hindi niya alam kung paano magluto. Napabuntung hininga nalang siya nakatingin sa mesa na hinanda niya.
"Sana magustuhan niya" sabi niya sa sarili dahil pinaghandaan niya ito. Hindi nga siya nagduty sa trabaho niya dahil dito at salamat sa panahon dahil hindi niya nasunog ang apartment nila.
Hindi na umuwi si David. Umaga na siya umuwi dahil kailangan niya magbihis. Pagkabukas niya ng pinto. Napatingin siya sa mesa na madaming pagkain.
"Hi love morning, sorry kagabi" umpisa ni Anica na galing lang sa kwarto nila.
"Gumastos ka naman" sagut ni David sa kanya. Nilagpasan lang siya nito pero nahawakan niya ang braso nito.
"Ako nagluto ng mga yan. Sana magustuhan mo" sabi ni Anica.
Tiningnan siya ni David na parang hindi makapaniwala. Nilipat niya ang tingin sa mesa. Napakunot ng noo si David.
Kumuha si David ng tinidor at tinurok sa isang ulam ang manok. Tinikman niya ito ng umpisa.
Muntik ng mabulunan si David. "Tubig" hingi niya ng tubig. Dali dali naman nagbigay si Anica ng tubig.
"Anu masarap ba?" Tanung ni Anica na para bang excited ito sa komento ni David.
Tiningnan siya ni David na napatawa imbis magagalit ito kay Anica. "Ilang beses ko na ba siya tinuruan na magluto?" Sabi niya sa isip niya.
"Okay lang. Masarap naman" sabi ni David na labas tenga ang sinabi niya kahit hindi naman. Paano kasi dagat na ang lasa sa niluto ni Anica. Wala na siyang nagawa dahil magtatampo naman at sasabihin naman na pinagcompare sila ni Michaela.
"Talaga?" Hindi makapaniwala na tanung ni Anica.
"Oo, masarap nga. Parang lasang dagat eh. Hahaha biro lang" sabi ni David. Kaya agad tumayo si Anica at nilapitan si David para yakapin niya ito.
"Thank you love, i love you" sabi ni Anica sabay halik sa labi ni David pero umiwas si David kaya hindi natuloy ang gusto ni Anica.
"Hi hon! How are you?" Bati ng nasa kabilang linya na kausap ni Sheena.
"I'm okay" tipid na sagut ni Sheena.
"Wait saan kaba ngayun?" Tanung ni Sheena kay Andrie.
"Nasa office." Sagut ng nasa kabilang linya. Napangiti si Sheena.
"Tatawagan nalang kita mamaya hon, may meeting pa ako pala naghintay na sakin" sabi ni Andrie.
"Okay no. Problem" sagut ni Sheena.
"Thanks hon. I love you, bye"
"I love you too" sagut ni Sheena saka binaba na sa kabilang linya.
Napangiti si Sheena ng may naisip siya. Tapos na kasi siya sa ginawa niya. Minsan minsan lang naman ito niya ginawa.
Pagkatapos niya nilagay sa baunan ang mga pagkain niya ginawa niya umakyat na siya sa taas para maligo.
Pagkatapos niya naligo nagbihis lang siya na isang fitted jeans at tinirnohan niya ng black turtle neck shirt. At sinuot niya ang pointed shoes na five inches ang taas ng heels ginamit niya.
Naglagay siya ng isang kwintas sa ibabaw ng damit niya na tama lang. At isang sling bag na kulay puti.
Bumaba na siya at kinuha na ang baunan nasa mesa kanina.
"Alis ka ate?" Tanung ng katulong niya.
"Oo, hatiran ko ng pagkain si Andrie." Sagut ni Sheena saka kinuha ang coat nito hanggang tuhod.

BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
Ficción GeneralBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...