Kaagad nagluto si Michaela ng breakfast pagkagising niya. Medyo okay na kasi ang pakiramdam niya at nakatulog naman siya ng maayos pagkatapos uminom ng gamot niya.
Hinanda niya ang dapat niyang lulutuin at inuna niya ang isda na lapu-lapu tinimplahan niyan ito at nilagyan ng
(lamas) iwan anu yan sa tagalog ) , at nagsteam siya ng isda, gumawa narin siya ng sushi at pang meryenda ni David. Balak niya kasi pumunta sa opisina nito ng surprise. At ng naluto na ang lahat hinanda na niya ang dadalhin na pagkain sa opisina ng asawa niya. Kahit sa paraan na nauubos ni David ang pinagluto niya sapat na yun para sa kanya na magiging masaya siya sa lihim kahit hindi siya kinausap ni David. Kung kakausapin man siya rito tipid lang pagkatapos wala na.
Dumating siya sa opisina na eksaktong tanghalian. Napangiti siya sa lihim, dumiretso siya sa opisina ni David pero bago pa siya nakapasok tinanung muna niya ang secreatary nito.
"Excuse me miss," napaangat ng tingin ang secreatary sa babae na nasa harapan niya.
"Yes, ma'am?" Tanung ng secreatary sabay taas ng isang kilay nito.
"Andiyan ba si David?" Tanung niya. Tiningnan muna siya ng secreatary mula ulo hanggang paa at napatingin sa paper bag na dala ni Michaela.
"Yes andiyan naman siya. Sino ho kayo ma'am? Wait sabihin ko lang kay sir" sabay tayo nito pero
"Wag mo ng sabihin, sige salamat" saka umalis si Michaela sa cubicle ng secreatary at dumiretso sa opisina ni David.
Kumatok muna siya. "Yes Dorothy?" Dahan dahan binuksan ni Michaela ang pinto at humakbang siya papasok ng dahan dahan saka sinara ang pinto. Nilapitan niya ng hinay hinay si David sa mesa nito, nakatuon ang mata nito sa papel na hawak at nakasuot ng eyeglasses. Napatitig si Michaela sa asawa niya na nakayuko.
"Dorothy anu-?"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng makita sino ang nasa harapan niya.
"Anung ginawa mo dito?" Malamig na tanung niya kay Michaela.
"Surprise!" Sagut ni Michaela sa kanya pero hindi naman nagbago ang tingin nito sa kanya.
Nilagay ni Michaela sa lamesita ang paperbag. "Hmmn, wala. Gusto lang sana kita susurprisahin kaso parang hindi ka nasurprise sa ginawa ko" nag lakad lakad sa gilid si Michaela.
Tumayo si David, "baka lang kasi" hindi na tinapos ni David ang dapat sasabihin. Nilingun siya ni Michaela at nilapitan.
"Relax, okay? Alam ko kinakabahan ko sa pagbisita ko sayo na hindi nagpasabi. Hindi rin naman ako magtatagal" kahit gustuhin man niya magtagal hindi pwede.
"Heto, may dala akong pagkain baka kasi hindi ka pa kumain ng tanghalian kaya pinaghandaan kita" pinalabas niya at nilagay sa ibabaw ng lamiseta ang mga plastic ware.
Umupo si Michaela sa harap ni David sa bakanteng upuan. "Heto kain kana" pinag buksan ni michaela ang plastic ware. May gulay na maliit ang pagkahiwa, may sushi at steam fish. Hindi man masasabi ni David na gusto niya ang luto ng asawa niya, hindi naman halata dahil nauubos naman ito ni David lahat.
"Anu to?" Kumuha kasi siya ng gulay na may kasamang glass noodles na maliit tapos hinaluan ng tauge, carrots, repolyo, hinawa ito ng maliit kagaya kaliit sa glass noodles at niluto niya sa butter saka tinimplahan.
"Iwan, try mo lang. Kung ayaw mo, iwan mo nlang diyan" sagut ni Michaela . Kumuha si David at sumubo hanggang sa sunod sunod na ang subo nito.
"Ikaw, kumain kana?"
Ito ang unang beses tinanung siya ni David.
"Ta-tapos na ako" nautal niyang sagut. Kinilig kasi ng lihim kahit yun lang ang tanung ni David sa kanya na hindi galit.
Umupo si Michaela sa pang isahan na sofa. Habang nakatitig kay David habang kumakain sa dala niya. Uminom na ito ng tubig saka tumayo at pumunta sa banyo. Niligpit narin ni Michaela ang mga plastic na nilalagyan niya kanina ng pagkain.
Tumayo narin siya sabay pagbukas ng pinto sa banyo at lumabas si David.
"Alis na ako" paalam ni Michaela sa asawa, napatitig si David kay Michaela.
"Nagkasakit ka ba na hindi ko alam?" Tanung ni David kay Michaela habang inaayos ang long sleeve niya.
Napatigil sa paghinga si Michaela sa tanung ng asawa niya. At napaisip kung dapat ba niyang sabihin? "Wala naman" tipid niyang sagut rito. Ayaw narin kasi niya malaman ni David at kung malalaman man nito na may sakit siya, wala naman itong pakialam sa kanya.
"Okay" sagut ni David. Napabuntunghininga si Michaela.
'Yun na nga ang sabi ko, mabuti nalang hindi ko nasabi sa kanya. Yun lang naman ang sagot niya anung maasahan ko? Ako lang nagmahal sa kanya sa aming dalawa at napilitan lang siya. Hay! Buhay!' Sabi niya sa sarili niya pero mahina lang.
"Alis na ako" binitbit niya narin balik ang paper bag.
"Iwan mo nalang yan ang paper bag" napakunot noo si Michaela.
Tiningnan niya ang laman ng paper bag may naiwan pa pala. Kinuha niya at nilagay sa mesa ni David.
"Coffee cake mo meryenda mo mamaya. Hindi yan nakakataba" saka umalis na si Michaela at lumabas na. Napatitig si David sa cake nasa gilid niya.
Bigla bumukas ang pinto. Kaagad siya napatingin kung sino ang pumasok.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
General FictionBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...
![My Cold Husband Completed [ David & Michaela]](https://img.wattpad.com/cover/227569184-64-k977407.jpg)