Nilagay ni Michaela sa mesa sa kusina lahat ng pinambili niya sa grocery at palengke pagkatapos isa isa niya itong kinuha sa plastic bag. Pagkatapos hinugasan niya ang lahat na pinamili niya medyo madami dami ang binili niyang grocery at sangkap sa palengke. Nakalista na ito lahat kaya madali nalang sa kanya.
Napapikit siya at napasandal sa gilid ng dingding dahil sinusumpong naman siya sa sakit niya. Dali dali niya kinuha ang gamot na nasa bag niya at dali dali niya itong ininom. Pinikit niya muna ang mga mata niya para makapagpahinga siya ng kaunti.
"Kunting tiis nalang Mikay" sabi niya sa isip saka minulat niya ang mata niya. At napatingin sa mga pinambili niya. Nilingun niya ang wall clock at nasa alas kwatro na ng hapun. Bumuntung hininga siya at ngumiti ng tipid, ng naitabi niya ang mga pinambili niya na grocery hinanda niya ang mga sangkap nito. Habang naghihiwa siya sa mga gagamitin niya napapikit rin siya paminsan minsan hindi na kasi gaano tumalab yung gamot na iniinom niya sa sakit kaya medyo may katagalan na ang epekto nito.
Naghanda muna siya ng makakain kahit papano hindi siya nagugutom pagnagkabisi na siya.
Pagkatapos nilagyan niya ng chips, kailangan kasi kahit may mailalaman ang tiyan niya.
"Anu yan?" Takang tanung ni David na bigla nalang dumating sa harapan niya.
"Sandwich" tipid na sagut ni Michaela. Kinuha ni David ang isang slice ng bread saka kinain nito at umalis na sa kusina.
Napatingin nalang si Michaela sa likod ni David na papalayo na. "Mikay, tama na ba to?"' Tanung ni Lori siya kasi inatasan ni David na tutulong kay Michaela.
"Okay na yan" sagut ni Mikay.
"Okay kalang Mikay?" Umupo ng upuan si Michaela at minasahe ang noo niya.
"O-okay lang ako. Matulog kana" sabi ni Mikay. Pero si Lori nakatitig parin kay Michaela.
Kanina pa kasi niya tinitingnan si Mikay mula ulo hanggang paa o head to foot nito sa pagtingin ng ilang beses.
"Mikay huwag mong sasamain ha' gusto ko lang malaman talaga o nasa sayo na kung sasabihin mo sakin ang totoo o hindi" panimula ni Lori. Nag alala rin siya.
"Alam ko bago palang tayo nagkakilala, hmmn kanina lang di ba" dagdag ni Lori.
Kinabahan si Michaela baka kasi inutusan ito ni David na tanungin siya sa mga tinatago niya pero naisip rin niya hindi naman mag aksaya si David sa kanya ng isang tao dahil wala naman pakialam si David sa kanya.
"May sakit ka ba? May napapansin kasi ako sayo, lalo na sa katawan mo" hindi nakapagsalita si Michaela.
"Okay lang kung hindi mo sasabihin sakin" nagbaka sakali lang naman si Lori.
"A-ako may sakit? Wala a' okay ako at wala naman akong sakit" kinabahan na sagut ni Michaela sa kanya.
Tumango naman si Lori sa sagut ni Michaela. Pagkatapos iniwan na siya nito sa kusina at natulog na. Si Mikay nalang ang naiwan sa kusina at gising sa bahay.
Nakaayos na ang lahat at ang mga pagkain na niluto ni Michaela nakahanda na at ang ibang mga niluluto niya. Wala siyang pahinga at simula ng madaling araw hanggang sa nagtanghali na diyan pa niya natatapos ang mga pinagluluto niya. Ang ibang niluto niya pinagsabay na niya para madali matapos. Nag umpisa narin nagsidatingan ang mga bisita ni David sa birthday niya at si Michaela dali dali lumabas ng bahay at pumara ng taxi at umuwi sa bahay nila ni David. Gusto sana niya makita ang birthday celibration ni David o birthday party pero hindi na niya kaya ang pagud. Sinabihan narin niya si Lori na umuwi na siya. At isa pa sinabihan siya ni David na hindi siya pwede magtagal sa bahay niya kaya pagkatapos sa ginawa niya umuwi na siya kaagad.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
General FictionBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...
![My Cold Husband Completed [ David & Michaela]](https://img.wattpad.com/cover/227569184-64-k977407.jpg)