Tinitigan ni Sheena ng mabuti si Andrie sa pag iisip nito. "Look love, hindi pwede ang outing first may sakit siya and alam mo ang tungkol dyan. Right?" Sagut ni Andrie. Napa isip rin kasi siya masyado ng mataas ang oras para sa pag outing nila. Pwede naman sa mga coffee shop at mag set up ng araw at oras. Yan ang para sa kanya pero magkaiba si Sheena.
Napalingun si Andrie kay Sheena narinig niya kasi bumuntung hininga ito.
"Alam ko ang iniisip mo love. Gusto ko lang kasi makatulong sa kanya na gumaan ang feelings niya. Kaya nga sinama kita para naman may magiging kasama ako. Past is past na yun and para sakin nagiging bahagi narin siya ng buhay ko". Tumayo si Sheena.
"Kung ayaw mo okay lang hindi naman kita mapilit. Ang sakin lang kasi ilang oras lang din yun at isang araw. Hindi natin alam ang mangyayari kinabukasan. Pero kung ayaw mo talaga okay lang". Saka umakyat na siya sa hagdanan ng nagsalita si Andrie.
"Anu yan nangungukunsinsya ka ba love?" Nilingun ni Sheena si Andrie nakatingin ito sa kanya.
"Papayag kana?" Tanung ni Sheena.
Ngumiti si Andrie. "May magagawa pa ba ako sayo?" Sagut ni Andrie na may halong ngiti. Dali dali naman bumaba si Sheena at tinakbo si Andrie sa sofa na nakaupo at niyakap sa leeg.
"Salamat" pasalamat niya sa lalaki.
Kinalabit ni Avery si Anica sa gilid nito. "Bakit ba?" Inis na tanung ni Anica.
"Tingnan mo sino yang nasa counter umiinom mag isa?" Ang mata ni Avery nasa lalaki parin na nasa counter. Tiningnan ni Anica ang sinabi ni Avery.
Kinabahan si Anica sa nakita niya. "Puntahan mo" sabi ni Avery.
Matagal muna tiningnan ni Anica si David saka bumaba sa upuan niya at pumunta sa counter.
Nilagok ni David ang alak na nasa baso niya ng naramdaman niya may paparating at tumabi ito sa kanya.
"Anung kailangan mo?" Tanung ni David na hindi nakatingin kay Anica.
"Tama na yan David tara umuwi na tayo lasing kana" sabay kuha niya sa baso pero kinuha ulit ito ni David at nagpalagay ulit ng alak sa baso niya.
"Lasing kana" laking pasalamat ni Anica sa lihim ng nakita niya si David sa bar.
Medyo matagal narin hindi sila nagkita at hindi na umuwi sa tinuluyan nilang apartment.
Nilingun siya ni David na namumugay na ang mata sa dahil sa iniinom nito.
"Bakit? Maayo na ba ang bahay? Uuwi ako na mag isa" sabi ni David. Saka tumayo ito at nagsimula ng maglakad ng pagiwang giwang ito sa paglakad.
Binayaran ni Anica ang bill na ininom ni David at dali dali sinundan ang lalaki. Pumara siya ng taxi ng makalabas na sila sa bar. At inuwi niya sa David. Nagpatulong pa siya sa driver sa pagpasok ni David sa bahay.
Ng makapasok na sila. Agad binihisan ni Anica si David ng damit at ng matapos niya nagluto rin siya ng sabaw para mabawasan ang sakit ng hang over nito dahil sa inom.
Bumalik ulit siya sa kwarto at tiningnan ang lalaki na mahimbing natutulog. Kumilos ito.
Binuksan ni David ng dahan dahan ang mata niya at tumingin sa paligid. Napatingin siya sa likod ng babae na nakatalikod ito sa kanya.
"Gising kana pala, sandali lang iinitin ko muna ang sabaw" saka kumaripas papunta sa kusina nito.
Bumangun si David at minasAhe ang noo niya. Medyo masakit na kasi ito. "Ito oh uminom ka muna ng sabaw" may dala na itong bowl na nilalagyan niya ng sabaw. Nilapag niya ito sa ibabaw ng higaan sa harap ni David.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
Fiksi UmumBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...
![My Cold Husband Completed [ David & Michaela]](https://img.wattpad.com/cover/227569184-64-k977407.jpg)