MCH 23

1.2K 33 10
                                    

3 weeks after

Hindi na bumalik sa apartment nila ni Anica si David. Pagkatapos sa pagkikita nilang tatlo dumiretso na siya umuwi sa bahay nila.

At ngayun ito siya nakaratay na hospital bed dahil sa karamdaman ni David at hinang hina na siya. Napapailing nalang ang kapatid niya na si Lester dahil sa kalagayan ng kapatid niya na hindi nila ito inasahan.

"Kumain ka muna hijo. Baka ikaw naman magkasakit niyan"  sabay tapik sa balikat niya ang kamay ng daddy niya na ngayun katabi na niya nakatayo sa labas ng glass window.

"Sige dad aalis muna ako"   paalam ni Lester.

"Lester?" Tawag ng daddy niya kaya huminto siya at bumalik. Nanatili nakatingin ang daddy niya sa kalagayan ni David.

"Kausapin mo na ba siya?"  Nakapamulsa ang dalawang kamay ng daddy nila.

"Kailangan dad" tipid na sagut ni Lester saka umalis na. Dumiretso siya sa parking lot doon kasi nilagay niya ang sasakyan niya.

Pumasok si Lester sa sasakyan niya at pinaandar na ito. Dumiretso siya sa isang kainan at naghanap ng maupuan niya. Pagkatapos niya umupo tinawag niya ang waiter at umorder muna siya ng maiinom niya. Hindi pa kasi dumating ang hinintay niya.

Hindi gaano kadami ang tao. Kaunti lang kaya tamang tama ito sa pag usapan nila.

"Hi, sorry. Kanina ka pa? Traffic kasi"   saka umupo si Anica sa kaharap na bakanteng upuan.

"Okay lang. Umorder kana"   sabi ni Lester. Tinitigan niya si Anica ng mabuti habang pumipili ng order niya. Ngayun lang din niya ito natitigan sa personal at sa malapitan.

"Thank you"  sabay bigay ng menu sa waiter at ngumiti kay Lester.

'Anung nagustuhan ni David sa kanya? Hindi naman maganda. At kung titigan mo nakakasawa ang mukha niya. Halatang walang alam sa kusina o bahay.'  Sabi ni Lester sa isip niya. Hindi niya talaga kung bakit nakuha siya nitong model hindi naman kagandahan.

"Anu pala pag usapin natin Lester? Oo nga pala nasa inyo ba si David umuwi? Hindi na kasi siya umuuwi sa apartment namin"   saka uminom ng tubig.

"Hindi na siya makauwi sa tinuluyan niyong bahay"  umpisa ni Lester at ng dumating na ang order nila kumain na si Lester.

"Wh-what? A-anu? Pero bakit? Siguro busy siya sa pag aasikaso ng kasal namin. Gusto niya talaga akong isurprise"  saka sumubo narin siya.

Napaangat ng tingin si Lester kay Anica. "Puno talaga ng surprise ang kapatid mo sakin Lester kaya nga mahal na mahal ko siya"   dagdag ni Anica.




"Nasa hospital si David at any time pwede na siya kunin"   napanganga si Anica sa sinabi ni Lester.

"Hindi yan totoo di ba? Alam ko nagbibiro ka lang talaga Les,"   sabay subo ni Anica.



Tiningnan siya ng maigi ni Lester. "Sa tingin mo ba sa ganitong bagay aksayahan pa kita para kausapin? Nasa sayo na kung maniwala ka hindi o hindi. Total hindi ka naman kasal kay David. Nagiging live in partner ka lang niya"   saka tumayo si Lester at may sinulat sa maliit na papel.

Nilagay niya sa tabi ni Anica.

"Kung hindi mo bibisitahin si David nasa sayo lang yan. Pero nagiging parte din siya ng buhay mo"  saka umalis na si Lester.

Agad tumayo si Anica ng hindi tiningnan ang papel na nilagay ni Lester sa tabi ng kamay niya kanina.

Agad niya ito sinundan at pinuntahan ang parking lot. Hindi man niya alam kung anung sasakyan ni Lester. Nagbaka sakali lang siya kapag maabutan niya ito. Patingin tingin siya sa paligid sa mga nakapark na sasavkyan pero hindi niya ito nakita.


My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon