MCH 5 🖤 Probinsiya

2.3K 55 3
                                    

"Nay, Tay" tawag niya ng makarating siya sa bahay nila. Kaagad siya pumasok.

"Hala si Mikay!" Sabay lapit ng kapatid niyang babae.

"Hi Ate pasalubong ka?" Nakatingala ito sa kanya na nakayakap.

"Oo naman nasa plastic bag" sagut ni Michaela.

"Si Inay, Pamela nasan?"

"Alam mo naman si Inay ate" pabalang na sagut ni Pamela.

"Bakit hinanap moko Michaela?" Agad sinalubong ng yakap ni Michaela ang inay niya para mabawasan ang kaunting bigat sa puso niya.

"Oh bakit Mikay may problema ba? Nag aaway ba kayo ng asawa mo?" Tanung ng inay niya. Nilagay muna ang nito ang bilao sa upuan.

"Wala naman po namimiss ko lang kayo" michaela.

"Ate bakit hindi mo pinasama si Kuya David?" Pamela

"Hindi pwede busy yun sa trabaho niya" sagut niya.

Umupo muna ang inay nila. "Kamusta ka na Mikay? Bakit parang pumayat ka? Sabihin mo madalas ka ba sinusumpong sa sakit mo niyan?" Ang tinukoy ng ina niya ang sakit sa gilid niya.

"Hi-hindi naman Nay" nauutal niyang sagut.

"Michaela naman sinabihan ka namin na magpachemo ka pero ayaw mo naman"

"Nay naman dagdag gastos lang yun tsaka ang mahal ng magpachemo no! Tsaka wala tayong pera" - wala naman talaga silang pera dahil kaunti lang ang kita ng pagsasaka ng ama nila, oo may palayan sila dalawang hectar din yun pero minsan nalulugi sila kaya nga kahit maliit na paraan nagbebenta ng gulay ang inay niya ng lunes, merkyules, tapos pag martes at hwubes ay kakanin. Sa totoo lang may sakayan naman sila yung maliit na multicab kaya minsan pag madami silang watermelon nahaharvest yun ang gagamitin nila na multicab, tama rin sa kanila ang bahay nila half nakahallowblock ito at naka half kawayan maganda ang pagkapanday sa kawayan. May puno rin naman sila ng kawayan kaya pako nalang ang gastos nila. Nakatiles naman ang lababo nila, ang sahig nila may kwarto sila na apat, may tv at ref.

"Mas inuna kasi ang pag aasawa niya kaysa magpagamot" rinig ng itay nila ang pinag usapan nila sa loob. Medyo masama parin ang damdamin nito kay Michaela.

"Mahal ko si David tay, at hindi magtatagal babalik rin naman sa dati ang lahat."

Kumuha ng baso ang itay niya. "Babalik sa lahat? Paano yun mangyayari Michaela? Sige nga ipaliwanag mo samin?" Napabuntung hininga si Michaela sa sinasabi ng itay niya.

"Na mawala si Ate itay. Di ba ate?" Pamela

"Tumahimik ka Pamela, sino ba nagsabi sayo mawawala ang ate mo?"

"Hangga't kaya natin gawan natin yan ng paraan" saka lumabas ito sa bahay.

Tiningnan siya ng inay niya. "Hindi pa ba tanggap ni Itay si David Nay?" May halong lungkot ang mukha niya nakatingin sa inay niya.

Ngumiti ng tipid ang inay niya. "Matatanggap rin yan ng itay mo" sagut ng inay niya at hinaplos ang likod niya.

"Kung hindi lang matalik na kaibigan ni Itay ang daddy ni David malamang hindi kayo kinasal ate Mikay" Pamela.

"Tama na yan Pamela, magsaing ka na" utos ng inay nila.

Hindi umuwi si Michaela sa bahay nila wala rin naman tao doon dahil alam niyang pag uuwi siya doon, mag isa lang siya dahil hindi naman umuwi ang mabait niyang asawa. Ni number nga sa cellphone nito hindi niya alam. Hindi narin hiningi ang number sa cellphone ni David dahil baka hindi siya bibigyan nito. Sapat na sa kanya ang nakasal sila.

"Mikay pumunta ka na ba sa doctor mo?" Tanung ng itay niya habang kumakain sila ng hapunan.

"Hindi pa, saka na yan" iniiwasan lang kasi niya ang doctor.

"Anung saka nalang Michaela? Magpatingin ka na, anu ininom mo na ba ang gamot mo?" Tanung ng itay nila.

"Ininom naman po" sagut niya.

"Hindi ka ba sinusumpong ng sakit mo? Nako pagmay mangyayari sayo at hindi ka inalagaan ng asawa mo mananagut yun sakin". Napatingin silang apat sa itay ni Michaela.

"Oh bakit ganyan ang tingin niyo sakin? Buhay ng kapatid niyo pinag usapan natin dito" nagkatinginan naman silang apat.

"Hi babe" hinalikan ni Anica sa labi si David nagbasa ito ng diyaryo.

"Hello babe,' napadaan ka? Wag mong sabihin namimiss mo na ako?" Umupo ito sa lap niya at nilagay sa likod ni David ang kamay niya semi nakaakbay ito. Niyakap naman siya ni David.

"Hmmn, naisipan ko lang na dumaan dito baka kasi dito ka pa at hindi pa nagdinner, o wait" sabay tayo nito.

"Bumili narin ako ng food para may makakain tayo." Kinuha nito sa paper bag ang binili na food niya at nilagay isa isa sa lamesita.

Tiningnan niya si Anica habang nilalagay sa mesa ang pagkain na binili nito. 'Paano sila nagiging magkaibigan e' magkaiba sila ng ugali?" Tanung ni David sa isip.

"Babe?" Tawag sa kanya ni Anica. Heto naman siya. Hindi naman sa nagrereklamo siya.kaso lang pagdumating kasi sa office niya puro bili ng food ang naririnig niya dito. Ni minsan hindi niya ito narinig na pinagluto siya nito.

Tumayo siya at nilapitan si Anica na kaupo sa sofa. Tumabi siya.

"Babe, what if magpakasal na tayo hindi mo ba ako ipagluto? I mean yung ikaw mismo nagluluto?"

Bigla sumeryoso ang mukha ni Anica.

"Syempre naman babe ipaghanda kita, may mga katulong naman o maid na mapag utusan na sila magluluto tapos ako nalang maghahanda, hindi pa masisira ang balat ko sa init sa kusina. Eow"

Napatitig si David kay Anica.

Umuwi na si David sa bahay niya pagkatapos niya paghatid kay Anica sa kanila. Medyo may kalayuan rin kaya gabi na siya dumating. Agad siya bumusina at maya maya bumukas na ang gate. Si Michaela. Lumabas siya sa kotse pero siya bumaba nilock niya lahat ng pinto at bintana nito at pumasok na sa bahay.

Sumunod siya kay Michaela. Napatingin siya wall clock malapit na pala mag ten pm. Napabuntung hininga siya. Dumiretso narin pumasok sa kwarto niya si Michaela. At si David bumalik ulit siya sa kusina at naghalungkat ng makakain.

Napatingin siya sa plastic ware. Kinuha niya ito at tiningnan ang laman.

'Sushi?' Sabi niya sa isip. May chopstick din nakalagay kaya kumuha siya at sinubo ang isang slice.

"Ang sarap" sabi niya puno ang bunganga ng pagkain. Ng natapos siya uminom siya ng tubig. Lumabas si Michaela sa kwarto niya papunta sa banyo at ng lumabas na ito.

"Bumili ka ng sushi?" Medyo magulo ang buhok ni Michaela.

"Hindi, ginawa ko yan" sagut ni Michaela saka pumasok sa kwarto niya. Si Michaela kasi ang tipo ng babae na madaming gustong gawin sa pagluluto kaya ito siya. Kaya nga nanaba na si David ng kaunti.

Kinuha niya ang can beer saka binuksan at tinungga hanggang sa naubos.








My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon