MCH - 9

2.3K 80 36
                                    

Palingun lingun si David sa paligid habang naglakad lakad sila ni Michaela papunta sa mini park.

Napatingin si Michaela kay David. "Pwede ka naman maglibut dito mag isa sa resort kung gusto mo. Baka kasi nabobored ka na"  sabi ni Michaela pero hindi siya nito pinansin. Palingun lingun parin si David sa paligid.

"Kunin ko kayo ng litrato niyo."  Biglang sabi ng matanda. Napatingin si Michaela kay David. Kumunot ang noo ni David sa narinig isa pa bigla nalang sumulpot sa harapan nila ang matanda.

"Nako manang, maraming salamat ho pero wag na ho"  hingi ng paumanhin ni Michaela sa matandang lalaki.

Tiningnan ng matanda si David ng seryoso sa mata "hindi mo na makikita ang asawa mo kahit kailan, okay lang ba sayo na wala kang maalala sa kanya kung mawawala siya?"  Takang kunot noo nakatingin si David kay Michaela. Nagtataka kasi siya sa mga pinagsasabi ng matanda.

"Sigurado ka na ba hijo?"  Tanung ulit ng matandang babae kay David.

Tahimik parin si David palipat lipat ang tingin niya sa matanda at kay Michaela. Nilapitan ni Michaela ang matanda.

"Nako talaga, itong si Manang kahit anung nalang ang pinagsasabi nito. Hindi naman ako mawawala manang, at bakit naman ako mawawala? Ang pangit pangit ko nga"  sabi ni Michaela. Hindi niya kasi alam anung dapat niyang gagawin at bakit alam ng matanda mawawala siya?.

"Sige ho" pagpayag ni David. Nanlaki ang mata ni Michaela sa narinig niya. Pumayag si David sa gusto ng matanda.

"Okay, sige doon tayo" tinuro nito ang bakanteng upuan na malapit sa mga bulaklak.

Sumunod sila Michaela. "Anung gagamitin natin? Wala ka naman dalang camera?" Sabi ni Michaela.

"Hijo akin na yang cellphone mo" sabi ng matandang babae. Napaangat ng tingin si Michaela kay David na nakatingin pala ito sa kanya.

"Cellphone mo daw gamitin" sagut ni Michaela kay David.

Nag alangan naman binigay ni David sa matanda ang cellphone niya. "Ano?" Naiiritang tanung ng matanda.

Walang nagawa si David saka binigay niya ang cellphone sa matanda. 'Kapag nalaman kung pakana mo ' ito humanda ka sakin, baka ahit nalang ng buhok mo ang maiiwan sa ulo mo'  bulong niya kay Michaela. Bigla kinabahan si Michaela sa sinabi ni David sa kanya. At pinikit ang mata niya at bumuntung hininga siya ng hindi naririnig ni David.

Inakbayan siya ni David dahil sa kagustuhan ng matandang babae pagkatapos sa pagpicture sa kanila binalik na sa matanda kay David ang cellphone niya.

Hindi na nakitingin si Michaela sa mga kuha nila dahil alam naman niya na ededelete ni David lahat ng kuha nila. Nauna na siya naglakad at iniwan si David na busy sa paghalungkat sa mga picture na kuha nila.

Namalayan ni David wala na si Michaela sa tabi niya kaya agad niya itong hinabol ng naabutan na niya tiningnan niya ito.

"May kainan ba dito? Nagugutum na ako. Tara maghanap tayo"  nauna ng naglakad si David. Nakasunod naman sa kanya si Michaela.

"Tara doon tayo"  sabi ni Michaela. Agad naman sumunod si David sa asawa niya ng makita ang fast food nito. Agad nauna pumasok si Michaela at sumunod si David, napatingin siya sa paligid may mga mesa at may ilan ilan rin kumakain.

"Yes ma'am?" Tanung ng sales lady. Kaagad lumapit si Michaela sa nakadisplay na mga ibat ibang klase na ulam, may seafoods, isda at madami pa.

"Pili ka na para maluto nila na" sabi ni Michaela.

"Sila magluluto?" Takang tanung ni David na nakatingin sa mga display na ulam.

"Hmmn, pipili ka lang sa ulam mo na gusto mong ipaluto" sabi ng ginang.

My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon