MCH 2 🖤 Fever

2.9K 59 2
                                        

Naglinis si Michaela sa labas gumawa siya ng garden sa mga bulaklak na binili. Ang ganda lang kasi nito tingnan. Kahit pawis na pawis na siya dahil sa init ng araw pinagpatuloy niya parin ito at ng natapos na diniligan niya ito. Malinis na ang bahay tingnan dahil wala na yung mga matataas na damo. Pagkapasok ni Michaela sinandal niya ang likod sa sofa.

Nagiging busy narin siya sa mga nagdaan na araw, lahat ginawa na niya. Napalitan nadin ng bagong kurtina ang bahay ni David pati bed sheet lahat. Pero ni isang beses hindi siya binisita ni David.

Bigla kumulog at ng malakas kasabay ang pagbagsak ng malakas na ulan si Michaela nagtago sa likod ng pintuan sa kwarto niya natatakot kasi siya sa malakas na kidlat.

Wala naman siyang nagawa dahil mag isa lang siya sa bahay kaya umiiyak nalang siya sa subrang takot. Hanggang sa nakatulugan niya ang takot sa malakas na kidlat at ulan.

Galit na galit pumasok si David sa bahay niya dahil kanina pa siya nakauwi at tinawag si Michaela pero hindi ito nagising sa subrang mahimbing na pagtulog niya kasama narin ang pagud sa ginawa niyang maghapun.

"Michaela!"

Tawag ni David pero walang sumagot.

"Michaela!" Ulit ni David sa pagtawag pero walang sumagut sa kanya. Mabuting nalang dala niya ang duplicate ng susi sa bahay niya.

Kinatok ni David ng malakas ang pinto sa kwarto ni Michaela. Pero hindi parin ito sumagut o bumukas. Kinatok niya ulit na halos sisirain na niya ang pinto at bumukas narin ito sa wakas.

"Anung ginawa mo na babae ka? Kanina pa ako nagdodoorbell pero hindi moko pinagbuksan. Anung gusto mo? Anung gusto mo ha?!"

Hinawakan ni David ang buhok ni Michaela.

"Da-David nasasaktan ako" hinila ni David si Michaela palabas sa kwarto na nakahawak sa buhok nito. Nanggalaiti sa galit dahil hindi siya napagbuksan kaagad ni Michaela.

Halos lumuhod na si Michaela sa sakit sa ginawa ni David. Kulang nalang matatanggal na ang ahit ng buhok niya sa subrang sakit.

"Da-David sorry, hindi ko alam na uuwi ka, nakatulugan ko kasi ang subrang pagud ko" paliwanag ni Michaela.

"So-sorry"

Dagdag ni Michaela. Binitawan din ni David ang buhok ni Michaela.

Napaupo sa sofa si Michaela na hinahabul ang hininga dahil sa subrang sakit sa paghila sa kanya ni David papunta sa sofa. Ng hindi niya namalayan bumagsak ang mga luha niya sa sahig na hindi niya nararamdaman na may pumatak sa paanan niya.

Pinatid ni David ang paanan ng upuan saka pumasok sa kwarto niya at naglock. Pilit tumayo si Michaela dahil sa panginginig nararamdaman niya dahil sa ginawa ni David. Dagdag pa ang hindi pa siya kumain kanina dahil sa takot ng ulan at kidlat.

Ininit ni Michaela ang ulam na niluto niya kanina. Mabuti nalang nakapagluto siya kanina ng ulam at kanin.

Napatingin siya sa wall clock malapit ng eleven pm ng gabi.

"Malapit na pala maghating gabi, at late narin" dagdag niya. Hinanda niya ang mesa pagkatapos pinuntahan ang kwarto ni David. Kahit kinabahan parin siya sa tindi ng galit ni David kanina. Pilit niya pinatatag ang sarili niya alang ala sa pagmamahal niya kay David.

"Da-David" tawag niya pero mahina.

"Da-David, nakahanda na ang mesa baka kasi" hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya. Baka kasi magalit naman ito sa kanya. Hinintay ni Michaela na sasagut o bubuksan ni David ang pinto pero hindi ito bumukas. Umalis si Michaela sa pinto at umupo sa sofa, bigla kasi nagdidilim ang paningin niya, napahawak siya sintido ng ulo niya. Tumayo siya at kumuha ng pinggan na bakante baka kasi magigising si David at magutum. Kaya iniwan nalang niya sa mesa ang pagkain. Kumain narin siya pero kaunti lang. Parang nasusuka na kasi siya.

Pumasok siya sa kwarto niya at uminom ng gamot niya. Medyo masakit parin ang ahit ng buhok niya dahil sa ginawa ni David.

Maaga nagising si Michaela at nagluto ng breakfast. Tiningnan niya ang kotse ni David sa labas baka kasi umalis naman ito hindi nagpapaalam sa kanya. Napangiti siya ng makita niya sa labas ang kotse.

Hindi naman talaga uuwi si David sa bahay niya o wala siyang balak umuwi pero napaisip kasi niya baka bigla bigla darating ang mga parents niya sa bahay at malaman pa ng magulang niya na hindi na siya uuwi. Lagut talaga siya sa papa niya lalo na binantaan siya na kapag iiwan niya si Michaela o tatarantaduhin wala siyang makukuha na mana. Kaya ito siya nagtitiis sa mukha ni Michaela.

Kilala naman niya dati pa si Michaela dahil nagiginh classmate niya ito sa isang subject at bestfriend ng girlfriend niyang si Anica. Unang kita niya kay Michaela ayaw na niya. Kung papansinin man niya si Michaela siguruhin muna niya may distansiya siya dito sa babae.

Pero ang grupo nila wala naman itong reklamo kay Michaela pero yun nga ng nalaman nila ikakasal si David kay Michaela halos hindi sila makapaniwala. At dahil sa nabalitaan nila hindi na nila kinausap si Michaela kahit mga kaibigan ni Michaela nilalayuan siya sa mga ito.

Napalingun si Michaela sa pinto na bumukas si David lumabas. Halata na kagigising lang nito dahil sa subrang gulo ng buhok nito. Nakashort lang ito at manipis na puting tshirt ang suot nito.

Hindi siya nito pinansin, dinaanan lang siya ni David pagbalik medyo okay na si David.

"Nakahanda na ako ng breakfast, kakain ka na?"

Napatingin si David sa mesa may dalawang fried egg, apat na hotdog, isang buo na boneless fish, at sinangag na may scramble egg with green pease at sinangag na walang halo.

"Hindi ko kasi alam anung gusto mo na ulam o kakainin kaya yan ang niluto ko. Gusto mo ng kape, wait magtitimpla ako"

Kumuha ng mug si Michaela.

"Gusto mo malaman anung gusto ko?" Nilingun ni Michaela si David na nakatingin sa kanya.

"Simple lang, umalis ka sa buhay ko! Umalis ka sa pamamahay ko nato! Ayoko makikita ang pagmumukha mo kahit kailan"

Napatingin si David sa pagkain na hinanda sa kanya ng asawa.

"Hindi ko nga alam baka may gayuma yan ang mga pagkain na hinanda mo" saka tinalikuran siya.

Pilit pinakalma ni Michaela ang sarili niya. "Ga-ganun nalang ba ang pagtingin mo sakin?"

Napahinto si David sa pinto at napatingin kay Michaela nakayuko. "Anu pala sa akala mo? Tingnan kita na parang dyosa? Na parang princess? Ito ang tatandaan mo at ipasok sa kokote mo ni minsan hindi pumasok sa isip ko mahalin ka at kung magmahal ako hindi sayo. Naiintindihan mo?"

Saka pumasok na sa kwarto si David. Napahigpit ang paghawak ni Michaela sa kutsarita.

'Anu ba ang dapat kung gawin para magustuhan moko David?' Sabi niya sa isip.

Hindi na ulit lumabas ng kwarto si David. Lumabas si Michaela para maglakad lakad sa labas.



My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon