"bakit? May problema ba? Bakit ganyan ka makatingin sakin?" takang tanung ni David kay Anica. Nakatitig ito sa kanya na para bang may sasabihin. pareho na silang dalawa nakahiga na sa kama."may sinabi ba sayo si Michaela?" nagbaka sakali lang siya. Malay ba niya kung sinisiraan siya ni Michaela kay David.
"wala naman. Bakit may dapat ba siyang sabihin sakin? Na hindi ko alam?" tanung ni David sa kanya.
Umiling siya at ngumiti. "wala naman. Thank you and i love you" saka hinalikan niya sa labi si David.
gusto man niyang sabihin kay David hindi pwede. baka hindi niya matatanggap kung anung sasabihin, o isasagut ni David sa kanya pag malaman ang totoo.
Tinitigan niya ulit si David sa mata nito at nagtatanung kung alam ba ni David ang sekreto niya o nagpanggap lang ito na walang alam dahil siya ang hinintay nito na magsabi ng totoo sa taong mahal niya.
niyakap siya ni David pagkatapos natulog na sila.
nauna si Anica nagising kinabukasan. Nagising siya bigla ng maalala niya ang malamig na hangin kagabi sa ilalim ng puno kahit wala naman hangin.
Dumiretso siya sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Napasandal siya sa gilid ng refrigerator.
"hi morning" bati sa kanya ni David kagigising lang nito at niyakap niya si Anica.
"morning din maghahanda lang ako for breakfast" sabi ni Anica ng kumalas si David sa pagkayakap sa kanya.
Napangisi si David na malaking tuwa niya sa narinig. "talaga love? Mukhang gaganahan ako nito sa pagkain" sabi ni David sabay kuha ng malamig na tubig sa ref.
"okay sige maligo muna ako" sabay alis ni David na malaki ang ngisi nito sa labi niya.
Binuksan ni Anica ang ref. Puno ito ng mga grocery pero hindi niya alam kung anung lulutuin niya. Hindi pa naman siya sanay magluto, takot siya sa apoy baka mainitan ang balat niya lalo na ang mukha niya. Takot rin siya sa mantika.
Kumuha siya ng anim na itlog sa ref. pinihit niya muna ang stove saka nilagay ang frying pan.
Nilagyan niya ng mantika dahil nakita niya ito dati sa bahay nila nagluluto ang kasambahay nila.
Tiningnan niya ang itlog "paano ba itobibiyakin?" tanung niya sa sarili niya. Kunuha siya ng pinggan at kutsilyo.
Binasag niya ang balat ng itlog kaya nadudurug ito sa loob saka nilagay niya sa frying pan. napatalon siya ng natalsikan ang braso niya sa mantika. Ng umitim na ang itlog pinatay niya ang stove saka kinuha na ang itlog at nilagay sa pinggan.
Pagkalabas ni David napangiti siya dahil sa wakas gusto na ni Anica magluto.
"love tapos kana? Kain na tayo. Saan na ang niluto mo?" tanung ni David.
Tahimik si Anica na nakatingin kay David. Dahan dahan nilingun ni David ang mesa.
Nagulat siya sa nakita niya. tiningnan si Anica. "sorry, gustuhin ko man matutu sa pagluto pero hindi ko talaga alam paano gawin" nakayuko na sabi ni Anica. Napailing nalang si David.
"it's okay. Magbihis kana" sabi ni David sa kanya.
"saan tayo pupunta?"takang tanung ni Anica.
"sa bahay, gusto ko sila dalawin." sagut ni David. Agad naman tinungu ni Anica ang kwarto saka naligo.
Naiwan si David sa kusina. Binuksan niya ulit ang ref mabuti nalang may natira pang slice bread kaya kinuha niya ito at kinain.
"oh bakit nandito yan sila?" tanung ni Gustavo sa mama nila ni David.
![](https://img.wattpad.com/cover/227569184-288-k977407.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
Fiksi UmumBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...