MCH 16

1.4K 51 2
                                    

4 years after

Subrang busy sa paghahanda ng mga gamit at pagkain para sa isang customer ang isang catering.  Hindi man gaano karami ang inorder ng customer nila dahil narin marunong din magluto.

"David bilisan mo" sigaw ng assistant manager nila. Dapat kasi bago dumilim andon na sila at nakahanda na lahat at tapos narin.

Dali dali sumakay si David sa service nila. Ng makasakay sila pinaandar na nito ang makina ng sasakyan saka nagsimula ng tumakbo.

Nakatitig lang si David sa labas ng bintana ng sasakyan. Parang malalim ang iniisip nito. Kinuha niya ang cellphone saka tiningnan niya at ang wallpaper nito si Anica. Ang ganda sa ngiti nito sa litrato niya.

Pero wala siyang nakita na message o tawag man lang.

Maya't maya lumiko ang sasakyan nila sa isang subdivision hindi naman gaano kamahalan ang subdivison na pinasukan nila. Lumiko ulit ang sasakyan at huminto sa isang bahay na kulay charcoal ang pintura ng gate nito at maganda ang pagkadesenyo nito. Napangiti si David ng hindi niya alam.

Bumukas ang gate pagkatapos bumusina ang kasamahan nila. Ng makapasok sila sinara na ang gate nito ng isang katulong.

"Saan ito ilalagay?"  Tanung ni David sa katulong.

"Sa loob lang dito mo ilagay" sabi ng katulong. Agad kinuha nila David ang mga pagkain inorder ng customer nila at nilagay na sa loob ng bahay dala dala ang mga pagkain.

"Saan na ang amo mo miss?" Tanung ng assistant.

"Pababa na ho" sagut ng katulong.

Lumabas muna sa David patingin tingin sa garden. Ang ganda lang kasi tingnan ng mga garden nito hindi gaano kalakihan pero puno ng mga bulaklak may nakalandscape pa.

Kinuha niya ang cellphone ng nagvibrate ito si Anica ang nagtext nagpapaalam na matagalan daw ito sa pag uwi dahil birthday daw ng kaibigan niya.

"Sorry Miss"  hingi ng paumanhin ni David sa nakabangga niya. Hindi niya ito nakita dahil pinulot niya ang cellphone ng nahulog.

"It's okay"  sagut ng babae. Napaangat ng tingin si David sa babae ng nakita niya ito. Nagulat siya at kumunot ang dalawang kilay niya.

"Imposible" yun lang nasabi niya ng nakatitig parin siya sa babae. Nakasuot ito ng fitted pants black at nakablouse na tuck in with high heels shoes na kulay bidge.

"Hey' mister okay ka lang?" Tanung ng babae sa nakabangga niya.

"Hon let's go"  tawag ng lalaki sa babae na nasa harapan niya.

"David kanina pa kita hinanap. Halika na"  sabi ng kasamahan niya.

Tumingin ito sa babae "nako ma'am pasensya na kung naligaw dito si David. David tara na"  sabay hila niya kay David sa kamay.

"Hon what's wrong?" Tanung ng asawa niya sa kanya.

Ngumiti siya. "Tara na nga" sabi nita kay Ethan.

Dumiretso si David kay Jayson pagkatapos nila dumating galing sa pinuntahan nila.

"Oh may problema ba pre? Parang lutang ka ang isip mo. Gaano ba yan kabigat?" Tanung ni Jayson na kumuha ng maiinom nila sa fridge.

"Posible ba mabuhay ulit ang isang tao kung patay na? Posible ba mabuhay ulit ang isang tao sa ibang kataohan?"  Tanung ni David sa kaibigan niya sabay inom ng alak.

"Woah? Anu yan seryoso na tanung?" Sabay ng alak.

Tumingin si David kay Jayson. "Seryoso ako pre" sagut niya. Kailangan niya kasi makakuha ng tamang sagut sa tanung sa kaisipan niya.

My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon