MCH 25

515 11 2
                                    

"Hindi naman. Dahan dahan lang sa kilos mo" sabi ni Andrie na nakaupo ito sa dulo ng higaan ni Mikay.

Pagkatapos niya naghilamos at nagtootbrush nagpunas siya ng tuwalya sa mukha at lumabas na sa banyo.

"Hindi na kita ginising pagdating ko kagabi tulog ka mantika". Sabi ni Andrie sa kanya na tumayo na ito.

Kumuha ng suklay si Mikay. "Kamusta ang pagpunta mo kahapun doon?".  Tanung ni Andrie na nakatayo na.

Napatigil si Mikay sa pagsuklay ng buhok niya.

"Nagkita kami" saka bumuntung hininga siya at nilingun si Andrie na nakatingin sa kanya nakatayo.

"Anung nangyayari? Sinugud ka ba niya?"  Lumapit na si Andrie kay Mikay sa likod nito at tumayo. Tinitigan niya si Mikay sa salamin.

"Sinabi mo ba sa kanya ang totoo?" Tanung ni Andrie.

"Hindi, siguro dapat siya na makaalam mismo sa nangyayari. Baka baliktarin naman ako no'n"  sagut ni Mikay.

"Paano kung hindi maghanap? Paano kung naghihintay lang siya?"  Si Andrie.

"Binigyan ko na siya ng mga clue. Pero kung hindi. Wala tayong magagawa diyan". Sagut ni Mikay.

"Kung sugurin ka sa susunod siguro sabihin mo na sa kanya ang totoo"  Si Andrie.

"Hindi ko pa alam. Siguro" sagut ni Mikay. Wala naman talaga siyang plano sasabihin kay Anica ang totoo. Pero kung mapipikon na siya wala talaga siyang magagawa kundi sasabihin ang totoo.

"Mao na ako sa baba sumunod ka na" sabi ni Andrie.

Napatingin si Mikay sa likod ni Andrie na lumabas ng kwarto niya.

Napabuntung hininga si Michaela sa sinabi ni Andrie sa kanya.

"Kung pipilitin niya ako, malamang malalaman niya ang toto"  sabi ni Mikay na pagkatapos nagbihis at bumaba na.

"Kung hindi mo sasabihin sa kanya Mik, kailan pa? Naghihintay siya sa wala? O paghintayin mo siya hanggang kailan?"  Tanung ni Andrie na sumubo ng pagkain.

"Well siguro hanggang sa magsawa na siya sa kahihintay" sagut ni Mikay na sumubo narin ng pagkain niya.

Nauna na umalis si Andrie kay Mikay dahil tinawagan siya ng hospital.

Nakapagdesisyon si Mikay na hindi muna siya papasok sa trabaho niya. Nagrocery siya pagkatapos namalengke siya.  Naghanda siya ng maluluto niya sa hapunan at dapat agahan na niya dahil maghanda pa siya ng mesa para sa kanila ni Andrie. Nakapagdesisyon na kasi siya na sasagutin na niya si Andrie.

Tatlong ulam lang ang niluto ni Mikay pagkatapos hinanda na niya ang garden kung saan doon sila kakain ni Andrie.

"Tulungan na kita ma'am" sabi ng mayordoma sa bahay ni Andrie.

Pagkalipas ng isang oras natapos na din at handa na ang lahat. Si Andrie tinawagan na ni Mikay na umuwi siya ng maaga dahil may sasabihin siya.

Mabuti nalang hindi gaano busy si Andrie sa hospital kaya nakauwi siya ng maaga. Matagal na niyang mahal si Mikay pero hinintay niya parin ang pagkakataon na mahalin rin siya ni Mikay.

Pagkauwi niya sa bahay niya tahimik ang bahay pagkapasok niya. Sinalubong siya ng driver niya at nilagyan ng piring ang dalawang mata niya. Inalalayan naman siya nito sa paglakad.

Pagkarating nila sa garden tinanggal na ng driver ang piring sa mata niya.

Nagulat si Andrie sa nakita niya. May mga maliliit na ilaw sa paligid at may mga baloons. Sinundo siya ni Mikay wearing a light brown plain hanggang tuhod.

My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon