MCH 13

1.8K 40 9
                                        

Hinampas ni David ang manibela habang binilisan ang pagdrive na para bang sa kanya ang kalsada.

"Shit"  mura niya sa sarili. At mas lalong binilisan niya pa ang pagdrive.

"Bakit hindi ko alam yun? Bakit?"   Tanung niya sa sarili niya habang nagdadrive.

"Hi-hindi mo ba ako kayang mahalin David kahit kaunti lang?"  

Nilingun niya si Michaela "wag kang umasa na mamahalin kita dahil kahit kailan hindi kita kayang mahalin at si Anica lang ang mahal ko at pwede kung mahalin"  saka tinalikuran niya ito.

"Damnnn"  mura niya ulit saka hinampas ang manibela.

Hindi na niya alam  kung saan ang punta niya basta drive lang siya ng drive. Hininto niya sa tabi ng daan ang kotse niya at pumikit ng ilang sandali.

Saka bumigay siya ng isang hangin na napakabigat. Saka nag umpisa siya nagdrive. Hindi na niya inalala si Anica tanging lutang lang ang isip ni David dahil sa nalaman niyang totoo.

Napabangon ng maaga si Jayson dahil may nagdoorbell sa gate niya.

Pagkabukas niya sa gate nanlaki ang mata niya at bigla nawala ang antok niya paano kasi five am pa ng umaga.

"David? Anung problema pre? Napaaga ka ah"  pinakita ni David sa kaibigan niya ang dala.

"O' masyado pang maaga pre para diyan, pero mukhang seryoso yan dahil hindi ka pupunta dito kung hindi yan seryoso. Sige pasok ka"  binuksan niya ang gate na malaki saka pumasok si David sa loob ng bahay. Pagkasara niya kaagad siya sumunod sa loob.

Pasalampak umupo si David sa couch sabay bukas ng isang bote ng alak. "Hey, hey! Ang aga niyan pre. Anu kumain kana ba?"  Umupo si Jayson sa pang isahan na couch.

Tiningnan niya si David, tahimik lang ito panay tungga sa alak bumukas naman ito ng ulit. "Pre may problema ba?"

Actually hindi naman talaga sila close ni Jayson kaso pag may problema si David dati. Sa kanya ito lumalapit.

"I'm Free" biglang sabi ni David pagkatapos niyang inumin ang isang bote ng alak.

"Anung I'm Free? Pre, lasing ka na ba?"

"Teka lang magluluto lang ako ng makakain natin" sabay tayo ni Jayson.

"Malaya na ako Pre, and pwede na kami magpakasal ni Anica"  biglang sabi ni David. Sinuri ng tingin ni Jayson sa mukha ang kaibigan niya baka kasi nagbibiro lang ito at bunga ng kalasingan.

"Malaya na ako Pre at pwede ko ng ituloy ang kasal namin ni Anica" ulit ni David.

Napaupo ulit si Jayson. "Anung kasal pinagsasabi mo David? Baka nakalimutan mo kasal kana sa 'bestfriend' niya"  paalala ni Jayson.

"Fake lang yung kasal namin Pre at isa pa wala na si Michaela"  bumukas ulit siya ng isang bote. Kumunot ang noo ni Jayson sa narinig niya.

"Anung wala na? Pre?"  Hindi na niya sinabi ang dapat sasabihin niya baka kasi hindi yun magawa ng kaibigan.

"Mali ang iniisip mo Pre, wala akong ginawa sa kanya."  Saka tumungga siya ulit.

"Hindi ko alam may sakit pala siya dinadala lang niya at wala akong naitulong sa kanya"  dagdag niya.

"Sigurado ka ba diyan? Na wala na siya? Baka sinabi lang nila yun para hindi kana makalapit sa kanya"  natahimik si David sa sinabi ng kaibigan niya. May nararamdaman siyang kakaiba sa puso niya parang kumikirot sa sakit.

Tinungga niya muna ang isang bote  ng alak. "Bakit naman nila itatago sakin ang asawa ko? Bakit mo naisipan naitanung yan?"

Bumigay ng hangin si Jayson.

My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon