MCH 15

1.9K 51 21
                                    


"My ghad David saan ka ba galing? Kanina pa kita tinatawagan pero out of coverage ang linya mo? Ng dumating tayo dito kanina sa condo umalis ka na hindi man lang nagpaalam sakin? Subra akong nag alala sayo. Tell me David alam ko may pinag usapan kayo ng daddy mo kaya ka nagkagayan tell me baka may maitulong ako?"  Sunod sunod na sabi ni Anica kay David ng dumating ito sa condo nila. Umupo ito sa sofa na nakatitig ka Anica.

"Uminom ka naman?"  Sabi ni Anica na may pag alala pero hindi kumibo si David. Nanatili itong nakatitig kay Anica.

At ngumiti. "Okay naman ako di ba? Tingnan mo buhay pa ako" sarcastic na pagkasabi ni David sabay tayo niya at tinungo ang kwarto nila saka dumiretso naligo sa banyo. Naiwan si Anica na nakatulala sa sinabi ni David dahil kahit kailan sa relasyon nila hindi naman naging pabalang magsagut si David sa kanya. Sumunod siya sa kwarto nito at umupo sa gilid ng kama at nagpaka busy sa cellphone niya.

Lumabas si David sa banyo ng nakatuwalya lang naghanap ng masusuot niya at ng makita pagkatapos sinuot humiga siya ng seretso. Masyado ng stress ang isipan niya.

"David mag usap nga tayo. May problema ba?"  Akmang hihiga na sana siya ng magsalita si Anica.

"Gusto mo malaman?"  Tumahimik si Anica na naghihintay ng sagut. Niligun siya ni David.

"Tatanggalan ako ng mana ni Daddy"  tipid na sagut ni David na kinakunot ng kilay ni Anica.

"Wha-what? But why? I mean bakit? Anung dahilan? Bakit ka niya tatanggalan ng mana?" 

Hindi na siya sinagut ni David saka humiga na ito.

"Hindi naman siguro niya magagawa yan di ba? Anak ka niya at hindi kaya ng magulang na makita nila naghirap ang anak nila"   kinabahan si Anica.

Hindi na siya sinagut ni David. Bumangun ulit si David at umupo sa pwesto niya sa kama saka sinandal ang ulo niya sa headboard. Naalala niya ang sinabi ni Jayson sa kanya.

"Gusto ni daddy maghiwalay na tayo at kung ayoko matanggalan ng mana"  biglaang sagut ni David na nakapikit ang mata. Pinakiramdam niya kung anung reaction ni Anica sa sinabi niya. Wala rin naman kasi siyang choice kundi sasabihin kay Anica ang problema niya.

"At kung hindi tayo maghihiwalay?"  Hindi alam ni Anica kung anu ba dapat ang naging reaksyon niya sa sinabi ni David.

"Kung ayaw mo, titira tayo sa iskwaters area."  Sagut ni David.

"No. Ayoko sa eskwaters area mabaho doon, hindi ako sanay sa ganun na lugar love. Jusko nakakahiya pagmalaman ito ng mga friends ko baka anung sasabihin nila. Tsaka pwede naman tayo maghanap ng like apartment, condo, or mag rent tayo ng bahay basta wag lang sa eskwaters area."  

Tiningnan ni David ng seryoso si Anica at natatakot ito sa posibleng magiging buhay nila sa eskwaters.

"Wala akong pera para diyan dahil kinuha na kanina ni daddy lahat ng atm ko" sagut ni David.

"Oh wait no, wala na akong choice nito pero."  Kumunot ang noo ni David.

"Yung nagsama pa kayo ng malanding Mikay saan mo ba siya dinala.? Doon nalang tayo titira love. Basta ayoko talaga sa eskwaters."  Kumunot ang noo ni David.

May bahay nga pala siya sarili niyang bahay at siya mismo nagpatayo noon kaya nga pagkatapos sa kasal nila Mikay. Doon niya dinala si Michaela at yun ang unang babae na tumapak sa bahay niya at kahit galit siya kay Mikay pinabayaan niya lang ito kung anung gagawin sa bahay niya. Mas nagiging bahay na talaga sa paningin ng ibang tao.

"No" tipid na sagut ni David.

"Anu? Anung No?" Kumunot ang noo ni Anica sa sagut ni David saka tinalikuran siya nito at humiga ng nakatalikod sa kanya.

My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon