Palingun lingun si David kay Michaela habang nagdadrive ito at si Michaela naman nasa labas lang ng bintana ito nakatingin. Kanina pa ito hindi nagsasalita.
Wala rin itong imik. At hindi rin niya kinausap si David. Hininto ni David ang kotse sa tabi ng daan. Nilingun siya ni Michaela na nagtatanggal ng seatbelt niya.
"Bakit tayo huminto?" Takang tanung ni Michaela. Hindi siya pinansin ni David at tuloy lang ito sa paglabas ng kotse.
"Bakit ko ba siya tatanungin? Hindi nga niya ako kinausap" sabi ni Michaela sa sarili niya. Minuto ang lumipas at nakabalik na si David may dala dala na tatlong paper bag. Binuksan niya ang pinto at pumasok na sa kotse.
Pinaandar narin nito ang makina at nagsimula ng magdrive. "Ihahatid nalang kita sa terminal papunta sa inyo. May pupuntahan pa ako" sabi ni David na nakatuon sa daan ang mga mata niya.
Nilingun siya sandali ni Michaela. "Bakit naman? Hindi ba pwede na samahan moko? Kahit ngayun lang na araw? Tsaka gusto karin makita ni Itay at ng mama ko" matagal rin naman hindi nakapunta si David o nakadalaw man lang sa bahay ng byinan niya dahil ayaw lang talaga niya.
Wala na siyang nagawa kundi pumayag sa kagustuhan ng asawa niya. Ngayun palang habang nagdadrive siya iniisip niya paano ang mga ito harapin. At sasagutin.
Ilang oras at minuto nakarating narin sila ni Michaela sa lugar nila. At sa unahan yun na ang bahay nila Mikay.
Pinahinto ni David ang kotse at pinatay ang makina sa kotse. At binuksan ang pinto. Si Michaela naman tinanggal na niya ang seatbelt niya at binuksan ang pinto ng kotse.
Nauna bumaba si David at sumunod si Michaela.
"Ma, Itay? Nandito na ako kasama ko si David" tawag ni Michaela sa mga magulang niya.
May lumabas na babae mula sa likod ng bahay nila Michaela na hanggang balikat ang buhok nito.
"Mikay andito na pala kayo. Si Itay mo wala dito may pinuntahan pero babalik dun yun maya maya lang. Pasok kayo David" lumapit si David sa mama ni Michaela at kinuha ang kamay nito saka nagmano.
"Pasok kayo baka nagugutom na kayo sa byahe niyo" sabi ng mama ni Mikay. Agad naman sila pumasok sa loob ng bahay. Hindi naman gaano kalaki o kaliit ang bahay nila Michaela tama lang ito sa kalakihan.
"Mikay may pagkain diyan na kutsinta baka gusto ni David yun? Baka nagugutum yan sa byahe niyo" sabi ng mama ni Michaela. Agad naman kinuha ni Michaela ang kutsinta. Nakaupo naman si David sa sofa nila pang isahan.
Kumuha ng maliit na pinggan si Michaela at nilagyan ng ilang piraso ng kutsinta at binigay kay David.
Kumunot ang noo ni David sa binigay ni Michaela na nakatingin sa asawa niya. "Sige na kainin mo na, masarap yan may lunga na yan , ito o' ang puting asukal." Kinuha rin ni David ang asukal.
"O' Mikay dumating na pala kayo" sabay pasok sa tatay ni Mikay.
"Mano ho tay" sabi ni David sabay kuha sa kamay ng tatay ni Michaela. Napatingin naman si Michaela at napangiti ng lihim sa ginawa ng asawa niya hindi niya yun inasahan.
Kumuha ng malamig na tubig sa ref ang tatay ni Mikay. "Dito na kayo mananghalian David, Mikay" sabi ng tatay ni Michaela.
"Tama si Tatay mo Michaela, matagal tagal rin kayo hindi nakadalaw dito samin." Dagdag ng Mama ni Michaela.
"Oo nga po e' medyo bisi lang talaga sa trabaho kaya ngayun lang kami nakadalaw dito sa inyo Ma" sagut ni David. Napalingun si Michaela kay David.
"Nako hijo bawas bawasan mo naman ang pagkabisi mo sa trabaho mo sa opisina, para masulit mo ang panahon" napatingin si Michaela ng seryoso sa tatay niya. Kinabahan siya baka masabi bigla ng tatay niya kung saan siya sa tatlong linggo gayung hindi siya nagpaalam kay David.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
Ficción GeneralBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...
![My Cold Husband Completed [ David & Michaela]](https://img.wattpad.com/cover/227569184-64-k977407.jpg)