"Yun siya" pagkakita ni Sheena kay David sa labas ng coffee shop nakaupo itong mag isa sa isang mesa. Agad naman hininto ni Andrie ang kotse at bumusina. Napatingin si David sa bumusina. At bumaba ang bintana nito si Sheena ang nakita niya.
Agad tumayo si David at pumasok sa kotse. Pagkasara niya ng pinto napatingin siya sa driver seat.
"Morning" bati niya. Tumango lang si Andrie.
Bigla bumilis ang tibok ng puso ni David ng nakita niya si Andrie ng malapitan.
"Kanina ka pa ba doon?" Tanung ni Sheena sa kanya.
"Hindi naman gaano tama lang nakapagkape ako" sagut ni David.
Tahimik lang ang byahe nila bawat isa sa kanila nakiramdam. "Saan ka nagtatrabaho ngayun Pre?" Biglang tanung ni Andrie kay David. Siya na bumasag sa katahimikan nilang tatlo.
"Sa mall dati" tipid na sagut ni David.
Madami pa silang napag usapan. Si Sheena naman nakikinig lang. Ganito kasi talaga siya kapag puro lalaki ang nag uusap hindi siya nakikisali unless kung banggitin ang pangalan niya sa usapan o tinatanung siya.
Nilagay niya sa lugar ang sarili niya. "Okay dito na tayo" sabi ni Andrie. Niliko nito ang sasakyan sa isang kalye na isang daan lang na pangsasakyan at kung may makasalubong na sasakyan hihinto muna ito. Hindi naman ganun kalayo sa high way ang napili na resort ni Andrie.
Isang resort na limitado lang ang tao, may dagat na subrang napaganda at ang linaw nito. Dagdag mo pa ang tubig nito na halos nakikita mo ang mga puting bato sa ilalim ng tubig at ang mga isda nakikita sa ilalim. At ang linis pa ng tubig.
May mga cottage din na mura at sakto sa budget ng mga tao.
Pagkababa nilang tatlo sa kotse napanganga si Sheena sa paligid.
"Hindi ko alam hon ganito pala ito kaganda sa personal. Magkaiba ito sa flyers at magazine at nakikita mo.
Hindi din maiwasan ni David na mapatingin kay Sheena paminsan minsan.
"Tara" sabi ni Andrie. Isang simpleng suot lang ni Andrie pero lutang ang pagkagwapo nito. Habang sabay sila naglakad nakiramdam si David at napabuntung hininga siya sa lihim. Nakashort lang ito ng kulay grey at naka polo shirt ng itim na plain.
"Dito tayo" agad sila huminto sa isang cottage.
Nauna umupo si David. Sumunod naman si Andrie. Tinitigan ni Andrie si David na nakayuko ito at nakapikit ang mata nito. Habang minasahe ang noo nito.
"Okay ka lang Pre?" Tanung ni Andrie. Inangat ni David ang tingin niya.
"Okay lang. Cguro napagud lang sa byahe" sabi ni David.
Silang dalawa nakatingin sa dagat ng tahimik.
"Salamat" umpisa ni David.
"Para saan?" Tipid na tanung ni Andrie.
"Sa pagligtas mo kay Mikay. Sa pangalawa niyang buhay." Sagut ni David. Napangiti si Andrie.
"Ang panahon na siguro ang nagtagpo ng landas namin." Tipid na sagut ni Andrie.
"Paano kayo nagkakilala?" Gusto din niya malaman paano nagkakilala ang dalawa.
"Isang linggo pa ako nuon. Galing sa bakasyon ko. Nagleave ako sa trabaho ko para makapagsimula ng bagong buhay. Kakamatay lang kasi ng asawa ko ng nakita ko si Sheena. Lumabas ako sa gate ng bahay ko ng napansin ko ang isang babae. Kakalabas lang niya galing sa isang bahay. Kahit nasa malayo ako kita sa dalawang mata ko na para bang may pinapasan siya. Ang tamlay niya subra. Dalo dali akong sumakay sa kotse ko.
BINABASA MO ANG
My Cold Husband Completed [ David & Michaela]
Ficción GeneralBawat araw, bawat oras, bawat minuto importante yan ang importante para kay Michaela sa natitira niyang panahon dito sa mundo. At sa tulong ng panahon nagiging asawa na niya ang boyfriend ng kaibigan niya. Ngunit hindi alam ng kaibigan niya ang gi...
![My Cold Husband Completed [ David & Michaela]](https://img.wattpad.com/cover/227569184-64-k977407.jpg)