MCH 12

1.9K 59 21
                                        

"Pre kamusta ang honeymoon niyo? Anu may nabuo na ba?"  Saka tumawa si Arthur.

"Lol anung honeymoon pinagsabi mo? Bakasyon lang yun at inayus ko narin tungkol samin nung away namin" sagut niya sa kaibigan niya. 

Tiningnan siya nito ng seryoso. "May ibabalita ako sayo Pre"  simula ni Artur.

"Anung balita? At tungkol saan naman? Himala ah"   sagut ni David sa kaibigan niya.

Matagal ng inisip ni Arthur kung sasabihin ba niya kay David o si David nalang ang tumuklas nito. "Mas maganda nalang siguro Pre kung ikaw nalang mismo ang makikialam sa sinabi kong balita. Sige alis na ako may pupuntahan pa ako"  sabi ni Arthur saka dumiretso lumabas sa opisina ni David.

Dumiretso si David sa bahay niya. Kumunot ang noo niya sa nakita matataas ang mga damo nito sa labas ng gate niya. Binuksan niya ang gate, mataas na rin ang mga damo sa bahay niya parang walang naglilinis nito.

Ang basura sa nakaraan nalanta nalang andiyan parin. Binuksan niya ang main door.

Amoy alikabok na ang bahay niya at parang hindi nalilinisan. "Hindi ba talaga siya umuwi dito?" Sabi niya sa sarili niya.

Binuksan niya ang ref niya walang pinagbago at ang pinggan na ginamit niya nung nakaraan pag uwi niya nasa lababo parin.

"Malamang hindi siya umuwi, siguro narealize niya na hindi ko siya kayang mahalin" sabi niya sa sarili.

Binuksan niya ang kwarto ni Michaela. Tahimik ang kwarto sa asawa niya kakaibang tahimik ng may biglang dumaan na malamig na hangin sa gilid niya. Napatangin siya sa mga kurtina. "Hindi naman siguro makapasok ang hangin" sbi niya sa sarili niya saka tiningnan ang closet ni Mikay.

Si Mikay naman tawag ng tawag kay David pero hindi ito naririnig ni David.

"Umalis pala siya na hindi nagpapaalam?"  Wala na kasi ang gamit ni Mikay.

Lumabas siya sa kwarto at dumiretsong lumabas sa bahay niya. Pinaandar ang kotse at pinaharorot nito. Nakatingin lang sa kanya si Michaela habang nagdadrive ito. umuwi siya sa bahay ng magulang niya.

"David? Kailan ka lang umuwi?"  Takang tanung ng  mama niya.

"Bakit ka pa umuwi dito?" Galit na sabi ng daddy niya. Lumapit ito sa kanilang dalawa ng mama niya.

"Gostavo wag mong sasaktan si Da-"

"Jusko Gostavo anung ginawa mo sa anak mo?  Okay ka lang ba hijo?"  Nag alalang tanung ng mama ni David sa kanya. Sinuntok siya ng daddy niya kaya napatumba siya na kaagad naman tinulungan siya ng mama niya.

"Dad, anung problema mo? Wala naman akong nawagawang kasalanan sayo. Bakit moko pinagsuntok?" Takang tanung ni David sa daddy niya.

"Fe umalis ka diyan!" Daddy ni David.

"Wag mong kampihan yan anak mo! Mas lalo lumalaki ang ulo niya pagkakampihan mo pa yan!"   Sabi ng daddy ni David.

"Anung problema? Ikaw ang problema, ikaw ang nagbibigay ng kahihiyan ng problema samin!" 

Hindi talaga nakuha ni David ang punto sa daddy niya wala naman siyang nagawa nitong kasalanan na kinagalit ng husto.

"Ako ang problema? Bakit ako? E' kararating ko lang. Wala naman akong nagawa sa inyo"  litong lito na talaga siya.

"Hihiwalayan mo yang Anica na yan kung gusto mo may makuha kang mana mula samin ng mama mo. Kung hindi mag empake kana sa gamit mo ngayun at sa kalye ka matutulog" sabay alis nito sa harapan niya.

"Ma, anung problema ni Daddy?" Naguguluhan na talaga siya ng subra.

Tiningnan siya ng mama niya "nagtitiwala kami sayo David pero iba ang binigay mo samin"  saka umalis na ito sa harapan niya. Napahilamos siya sa mukha niya dahil hindi niya naiintindihan ang mga magulang niya. Ang mama niya nagtatampo na sa kanya at ang daddy niya galit sa kanya.

My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon