MCH 3 🖤 Inalagaan

2.5K 60 2
                                    

Nakabalik na si Michaela sa paglakad lakad niya sa labas. Napatingin siya sa mesa at tiningnan ang pagkain na natatakpan. Hindi parin nabawasan.

Tinungo niya ang kwarto ni David. Kumatok muna siya. Pero hindi ito sumagut kaya kumatok siya ulit, hindi parin sumagut. Pinihit niya ang doorknob. Bumukas ito ng dahan dahan.

Nilapitan niya si David nakahiga sa kama at nakapikit parin ang mga mata nito.

"David hindi ka ba kakain? Anung gusto mo? Ipagluto kita?"

Hindi ito sumagut sa kanya. Dahan dahan naman itong tumihaya pero nakapikit. Tinitigan ni Michaela si David habang natutulog ito napangiti siya dahil hindi niya inakala na pakakasalan siya nito kahit sa civil lang.

Ng may napansin siya nanginginig ang kamay ni David. Dinampi niya ang likod sa kamay niya sa noo ni David.

"Ang taas ng lagnat mo David" bigla si Michaela tumayo.

Nagising si David ng may napansin siyang tao sa loob ng kwarto niya.

"What the hell! Anung ginawa mo dito sa kwarto ko? Labas!" Sabay talikod ni David.

"Nag alala lang kasi ako dahil hindi ka kumain ng breakfast"

"Anu bang pakialam mo sakin? Wala akong gana kumain. Lumabas kana." Pagtataboy sa kanya ni David.

"Te-teka lang" sabi ni Michaela at dali dali siyang lumabas sa kwarto ni David. Kinuha niya ang buto ng baka na binili niya sa pag grocery at nibabad sa tubig.

Kinuha niya ang lalagyan ng gamot, kumuha rin siya ng maliit na towel at malamig na tubig sabay dinala niya sa kwarto ni David.

Nilagay niya ito sa maliit na lamiseta.

"Ang taas ng lagnat mo. David. Anu ba ginawa mo bakit ka nagkaroon ng lagnat" reklamo niya. Pero hindi umimik si David.

"Hubarin mo ang damit mo" tumayo siya at kumuha ng manipis na damit.

"What? No! Kaya ko na ang sarili ko" sabay bumangun ni David pero bumalik ito sa pagkahiga na napapikit ang mata.

"Ito o inumin mo muna" kinuha ni Michaela ang gamot at tubig.

Tiningnan siya ni David na may pagdududa baka kasi lason na gamot ang binigay sa kanya.

"Hindi ito lason o gayuma. Gamot ito para sa lagnat, tsaka pwede mo tung inumin kahit wala kang kain. Safe ito"

No choice si David kaya kinuha na niya ang gamot at tubig. Masakit talaga ang ulo at katawan niya. Ininom ni David ang gamot na binigay ni Michaela sa kanya.

"Hubarin mo ang damit mo. Punasan kita" kumunot ang noo ni David sa sinabi ni Michaela.

"Para bumaba ang init ng lagnat mo."

Hinubad naman ni David ang tshirt niya saka pinunasan siya ni Michaela. Sa katawan, at sa braso.

Binigay sa kanya ni Michaela ang short nito at tshirt. "Magpalit ka ng damit"

Tumayo naman si David at nagpalit ng damit. Pagkatapos humiga ulit ito sa kama. "Ito ilagay sa noo mo." Iniwan ni Michaela sa noo ni David ang towel na maliit na basa.

"Sige magpahinga ka muna magluluto lang ako" dagdag ni Michaela sabay labas nito sa kwarto bitbit ang maliit na tuperware na ginamit niya.

Bumalik ulit siya sa kwarto dala dala ang lalagyan ng malamig na tubig.

"Ito, iinumin mo to kung nauuhaw ka, mas maganda kung madami ka naiinom na tubig" saka lumabas si Michaela.

Kumuha siya ng luya at bombay,kumuha rin ng maliit na kalderin at ginisa ang bawang at bombay pagkatapos nilagay niya sa pinaglutuan ng lugaw. Tinimplahan niya ang lugaw pagkatapos kumuha ng kaunti at nagdala ng baso. Pagpasok niya sa kwarto ni David nakatulog si David kaya ginising niya.

"David, David"

Tumihaya ito at bumuka ang mata nito. "Kumain ka muna, nagluto ako ng lugaw para may laman ang tiyan mo kahit maliit lang".

Bumangun si David at ng nakasandal na siya sa headboard nilagay ni Michaela ang table tray sa harapan ni David.

Kumuha si Michaela ng lugaw nilagay sa kutsara at hinihipan pagkatapos sinubo kay David. Tumingin muna si David sa kanya na nagtatanung.

"Sige na, masarap ito kapag mainit pa".

Binuka ni David ang bibig niya hanggang sa naubos niya ang lugaw. "Magpahinga kana muna, ilabas ko lang ito" sabi ni Michaela. Humiga naman ulit si David at natulog.

Nilaga ni Michaela ang buto sa baka na binabad niya kanina sa tubig. Minu minuto tiningnan niya si David kung nilalagnat pa ito.

Hinanda na niya ang mga sangkap sa nilaga niya. Napapikit siya ng nararamdaman naman niya ang sakit sa gilid niya, napaupo siya sa sahig sa subrang sakit sa gilid niya. Napaiyak na siya sa subrang sakit. Kahit subrang sakit tiniis niya tinungo ang gamot niya nasa kwarto niya at agad niya itong ininom. Napahiga siya saglit sa sofa at napapikit.

Nakatulugan niya ang ilang minuto kaya ng naalala niya may niluto siya agad niya itong tiningnan baka wala ng tubig pero meron naman pagbukas niya kaya nilunod na niya ang mga lamas nito pagkatapos umupo ulit sa sofa.

Ng natapos na siya sa pagluto kumuha siya ng niluto niya at dinala sa kwarto ni David. Nakatulog pa ito ng mahimbing.

"David"

Nilagay muna niya sa lamiseta ang table tray na dala niya.

"David, kain ka muna. Para may laman ang tiyan mo sa pagtulog"

Dinampi ni Michaela ang likod ng kamay niya sa noo ni David.

Tumihaya si David at dahan dahan bumangun. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Tiningnan siya ni David. "Hindi na mainit ang katawan ko" sagut ni David.

"Ang ulo mo masakit pa ba?"

"Hindi na" tipid na sagut ni David.

Kinuha ni Michaela ang table tray. "Ito inumin mo. Mainam ito para sa may lagnat" napatingin si David sa pagkain nasa harapan niya.

",kumain ka na"

Napatingin si Michaela sa tumawag sa cellphone ni David si Anica.

"Kunin ko nalang yan mamaya kapag tapos ka na" saka tumalikod ito at lumabas na sa kwarto ni David.

Bumalik ulit si Michaela sa kwarto ni David. "Alis muna ako. Diyan lang ako sa palengke", paalam niya kay David kahit ito nagsalita.

Pagkarating niya sa palengke dumiretso muna siya sa supermarket malapit lang naman kasi sa palengke. Bumili lang naman siya ng mga biscuit at fresh milk na apat pagkatapos bumili rin siya sa palengke ng watermelon,pomelo, orange, apple, grapes, mangga at kaunting isda pagkatapos umuwi na siya.

Hinugasan niya muna ito sa labas ng bahay dahil may lababo naman sila at pinatuyo nalang sa loob ng bahay.

Nagpunas muna siya pagkatapos nagbihis at tinungo ang kwarto ni David. Pagkabukas niya natutulog ito ng mahimbing. Napatingin siya sa ulam na dinala niya kanina. Naubos ito kaya napangiti siya. Kinuha niya ang tray at dinala sa kusina. Humiga muna siya sa sofa at natulog.

Kailangan din naman kasi niya magpahinga, dahil hindi pwede sa sakit niya ang pagud nito.


Nagising si David dahil kailangan niya magbanyo. Nakita niya si Michaela nakahiga sa sofa masarap ang tulog kaya dinaanan niya lang ito. Napatingin siya sa mini bar counter sa gilid madaming prutas kaya pagkalabas niya sa banyo kumuha siya ng isang apple at kinain. Dinaanan lang niya si Michaela na natutulog sa sofa. Pagka gising kasi niya kaninang umaga masakit ang ulo niya subra, at nilalagnat siya kaya hindi siya kumain dahil wala rin naman siyang gana kumain. Napatingin siya sa wall clock five thirty pm na pala. Ang sarap kasi ng tulog niya.


My Cold Husband Completed [ David & Michaela]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon